Pagkalabas ng lalake ay agad tumayo si Athena at kinuha ang isang saklay na nasa gilid ng kama saka kinuha ng isang kamay ang stand kung saan nakasabit ang dextrose niya.
Hirap man sa paglabas ay pilit parin siyang naglakad, paglabas ng silid upang habulin sana si Nathan ay agad siyang napatigil.
Sa hagdan naabutan niyang nag uusap ang tatlo, kaya umatras pa siya at nakinig.
"Nathan, Dr. Andrade said he would often visit Athena and Tina will be here too. Kung gusto mo para makampante ka kukuha pa tayo ng guard at ibang maid at personal nurse ni Athena." pagkukumbinsi ng ginang sa anak.
Sadyang matigas ang ulo ng lalake kapag hindi niya gusto ang bagay ay hindi talaga siya mapipilit na gustuhin yon.
Dr. Andrade? Siya ba naggamot sakin? napatingin si Athena sa kamay na may IV saka sa mag asawa.
"No mom, I don't trust that Andrade guy!" pagmamatigas ni Nathan, nasapo naman ng ama ang noo saka humawak sa braso nito.
"Anak, kahit ngayon lang makinig ka samin."
"I did! I always did! Kayo ang hindi nakikinig sakin! Iiwan natin si Athena?! Pagkatapos niyong patikman ng buhay nawala sakanya gagawin niyo ulit. Ni hindi nga kayo sigurado kung hanggang kailan tayo bago makabalik dito eh! Isa? Dalawa? Tatlong taon?"
Halos di na nakagalaw si Athena sa narinig, 'Aalis? Bakit? San sila pupunta?'
"Anak mas mahihirapan si Athena kung magkakaibang araw pa tayo aalis. At baka magkaproblema ka pa kung di ka makakabalik agad." alalang saad ng ginang.
"Ser wag po kayong mag alala, babantayan ko ng maigi si Athena." singit ng katulong.
"Unbelievable"
"Kuya, okay lang na maiwan ako." mula sa pinagtataguan ay lumabas si Athena at pilit na ngumiti.
"Athena" saad ng ginang at mabilis na lumapit sa dalaga na hirap maglakad. "Bat ka lumabas ng kwarto mo. Dapat nagpapahinga ka."
"Okay lang po ako mommy daddy" halos di nakapag salita ang mag asawa dahil iyon ang unang beses na tinawag silang ganon ni Athena.
"Iha, you didn't how happy I am hearing that from you." tumaas naman ng hagdan ang ginoo at saglit na yinakap ang dalaga habang nananatili na nakatingala lang mula sa ibaba si Nathan.
"Thank you po sa pag aalaga at pagtanggap sakin, alam ko dapat pinaparuhasan ako ngayon pero andito kayo at pinoprotektahan pa ako. Pero wag po kayong mag alala kaya ko pong mag isa. Dalawang nga po akong tumira dito mag isa eh." pagbibiro niya kahit gusto na niyang umiyak. Lumingon naman siya kay Nathan na nakatitig lang sakanya, bahagyang nginitian siya ni Athena. "Kuya, wag ka po mag alala. Magpapakabait po ako dito."
di na niya napigilan ang sarili na mapahikbi, "Kuya diba sabi mo kapag bumalik ka kumikintab to?"
Walang nakapagsalita sa apat at tanging ang paghikbi ni Athena ang naririnig, napaiwas nalang ng tingin si Nathan at dumeretso ng kusina.
"Iha I'm sorry kung aalis kami. I'm sorry kung di namin agad nasabi. Pero don't worry, babalik kami." saad ng ginang sabay punas sa mga luha niya.
Ngumiti naman si Athena at yumakap sa dalawa, "Maghihintay po ako"
***
Matapos ang gabing iyon ay pinagpahinga na siya ng bagong magulang dahil baka dumugo ulit ang sugat niya. Alas otso palang ng gabi ay nakahiga na si Athena, karaniwan ay nagbabasa pa siya ng libro na inaabot ng alas dose o kaya hanggang magliwanag.
Tulala lang ito sa kisame at blanko ang isip, itinaas niya ang dalawang kamay at pinakatitigan ito hanggang sa paglaruan siya ng sariling isip. Ang dalawang maputi niyang kamay ay nakulay pula sa dugo, agad siyang naupo at pilit pinupunas ang kamay sa kumot na nagkulay dugo na din hanggang sa natanggal na ang IV na nakakabit sa kamay niya na lalong nagkalat.
"no, no, no, NO! NO!" hirap man ay iika ika siyang nagtungo sa banyo at agad binuksan ang gripo at pilit hinuhugasan ang dugo na wala naman talaga. Ang nagtanggalan lang ng IV ang dumugo ngunit agad din na nahugasan.
Narinig ni Nathan ang sigaw ni Athena kaya agad siyang pumasok sa silid nito ngunit wala siya doon, ang IV na tumutulo at ilang mantsa ng dugo sa kumot ang nakita niya. Napansin niya ng nakasinding ilaw ng banyo at ang lagaslas ng tubig.
Di na siya kumatok sa kaba na baka may nangyari dito, pagbukas ay kita niya agad si Athena na namumula na ang kamay sa kakahugas at sa higpit ng kuskos niya dito.
"Ayaw maalis" iyak niya
Nangunot ang noo ni Nathan at pinagmasdan ang takot na muhka ni Athena. "Athena" tawag niya ngunit di siya nito pinapansin.
"Yung dugo, ayaw maalis" ulit nito, tuloy tuloy ang patak ng luha sa mata niya.
Di alam ni Nathan ang nangyayari ngunit sa tingin na nagha-halucinate ang babae, pinatay niya ang gripo at ipinaharap sakanya ang babae. Takot na takot ang muhka nito.
"Walang dugo see?" kinuha ni Nathan ang puting tuwalya at pinunas sa basang kamay ni Athena. Nakatitig lang ito sa ginagawa niya.
"Pero may dugo, kanina, napakadaming dugo, ayaw mahugasan."
"Dahil lang sa natanggal mong IV yun." saka niya pinunasan ng likod ng palad ang mga pisngi niya na basa ng luha. "Mauubusan ka ng tubig sa katawan kapag iyak ka ng iyak."
pagbibiro nito, "Balik ka na sa kama mo"
Bigla niya itong binuhat at dinala sa kama, "Sabi wag kang naggagagalaw galaw, di ka pa nagsaklay pano kung nagbukas sugat mo." saad nito saka pasimple na inalis ang kumot upang di na makita ni Athena ang bahid ng dugo doon. Mula sa isang kabinet ay kinuha niya ang isa pang kumot at iyon ang ikinumot kay Athena, nananatili itong nakaupo at pinapanood siya.
"Bakit?" takang tanong nito habang tinatabi ang dextrose.
"Ganito pala pag may kuya"
Napatigil siya sa ginagawa at tumingin kay Athena, tinapos niya ang pag aayos sa dextrose. Naupo siya sa tabi nito at inalis ang kumot na nakataklob, "If this is your definition of brother and sister dapat ako lang ang kuya mo wala nang iba."
Malakas na hinila ni Athena ng kumot at nagtaklob ulit, "Yung a-ano nangyari sa attic, I know those stuff. Ilang beses na ko naglabas pasok sa bar kaya ahmm ano. Alam ko ang mga yan."
Narinig niya naman ang tawa ng lalake at ang patayo nito kaya inalis niya ang taklob at nagulat nang halos dikit na ang muhka nila.
"But you don't know how to kiss" saka siya dumistansya at naglakad palayo. 'Not safe' saad niya saka umalis nang nakangiti.
Nanatiling nakatulala doon si Athena at naalala kung paano siya napunta sa sitwasyon na iyon dahil din sa lalake. Bumuntong hininga siya, naguguluhan na kung ano bang gusto niyang mangyari.
Sa sobrang pag iwas niya ay halos ikaubos pa niya ng dugo at tuklawin ng ahas. Wala naman siyang sinisisi dahil di naman siya nag ingat.
Pero nalulungkot siya, dahil bukas din ang alis nila. Di pa siya dinalaw ng antok kaya naisipan niyang lumabas ng silid at pumuntang library ngunit napansin niya ang nakauwang na pinto ng silid ni Nathan. Kabado man, dahan dahan niyang binukas ito at napansin na walang tao doon. Isasara na sana niya muli nang may humarang sa likod niya.
"Bakit ka nandito?" taas kilay na tanong na lalake saka tinongga ang isang basong tubig saka tinulak muli ang pinto at pinapasok siya.
"A-ano di kasi a-ako makatulog at..." umiwas pa ito ng tingin saka nag patuloy. "Pupunta sana akong library kaso nakita kong nakaawang to, akala ko natulugan mo."
Naupo sa kama si Nathan at sumandal sa headboard saka tumutok sa cellphone pagkatapos i-lock ang pinto. "Hmmm" yun lang nasagot niya
"Kuya pwede ba ako tumabing matulog?"
"Ano?!" halos malaglag niya ang hawak na phone sa gulat
"A-ayos lang kung ayaw mo doon nalang ako." saka ito bahagyang yumuko sa hiya
"Bakit?" gusto niya ang ideya ngunit di niya gusto ang sarili sa kung ano pwede niyang gawin.
"Natatakot kasi ako na baka makita ko ulit yun"
Bumuntong hininga ulit ang lalake saka tinapik ang space sa tabi, "Sige na, sige na,"
Sumilay ang malaking ngiti sa muhka ni Athena at kahit nakasaklay ay mabilis itong lumapit.
"Hoy dahan dahan yang paa mo!" sita niya, basta niya linapag ang phone at inalalayan na mahiga. Pagkahiga palang ay naupo agad to at sumandal din sa headboard.
"Matulog ka na"
"Di pa ko inaantok"
"Tsk" ngunit nakagat niya nalang ang dila dahil napansin iyon ni Misty at biglang nahiga. "Sorry, ano mannerism ko yun." pagsisinungaling niya ngunit di siya sinagot ng babae. "Huy sorry na, tatampo na oh" nagkumot na din siya at nahiga paharap sa likod ng babae.
'NBI, NBI, NBI, g*go ka ba Nathan pinagnanasahan mo ang bata. She's 10 years younger than you for goodness sake!' pero di pa din niya maalis ang titig sa balikat at leeg ng dalaga. 'Nathanielle Alberts isa kang kahihiyan'
dagdag niya pa.
"Kuya" napaigtad si Nathan sa pakikipagtalo sa sarili sa biglang pagsalita ni Athena
"A-ano yun" 'Ghad Nathan! Kailan ka pa naging pedo?!'
Humarap si Athena sakanya at tinitigan siya sa mata, "Hihintayin ko kayo, sana hintayin mo din ako" saka siya nagsumiksik sa dibdib ng lalake.
Kailan nga ba kami makakabalik, this fragile girl can't be left alone.