Santana’s POV Naka-upo ako sa loob ng kotseng naka-park sa gilid ng madilim na kalsada. Ang mga ilaw ng Baguio ay tila maliliit na bituin sa malayo, pero wala akong pakialam. Ang tanging iniisip ko lang ay si Alaya at ang malaking kasalanang ginawa niya sa akin. Kahit matagal na ‘yun, sariwa pa rin sa utak ko ang kasinungalingan niya. Dahil sa kaniya, nakulong ako ng mahabang panahon. Halos impyerno ang naging buhay ko sa loob ng kulungan. Lahat ng mga nakasama ko roon ay pinaglaruan ako. Lahat ng halos na sakit sa katawan ay naranasan ko doon. Kaya ngayon, ibabalik ko sa kaniya ang lahat ng mga sakit na naranasan ko. Doble pa sa mga naranasan kong sakit. Humanda siya sa akin. Kaninang umaga, kinuha ko na ang mga taong gagawa ng trabaho para sa akin. Mabilis lang, walang tanong, walan

