Hindi kami magkasabay ni Sir Adhriel na umalis ng office dahil hanggang 9 pm pa 'yong trabaho niya. May klase pa ako ng alas sais kaya nagpaalam ako sa kanya aalis ako ng 5:30. Sinigurado ko munang wala akong naiwang trabaho para hindi ako matambakan kung sakali man. Pagkatapos n'on, nagpalit ako ng shirt at pantalon bago pumunta ng Cambrid University. At dahil nga evening class akoo, hindi gan'on karami ang mga kablockmates ko. Halos 20 lang ata kami na nasa loob ng iisang room at karamihan ay mga lalaki pa. Tatlong babae pa lang 'yong nakikita ko na hindi ko magawang malapitan dahil unang tingin pa lang, alam kong hindi ko na agad makakasundo ang ugali nila. "Hi, I'm Klyde," pagpapakilala sa akin ng katabi kong lalaki habang abala ang babaeng prof namin sa unahan sa pagbabasa ng syllab

