Pasado alas onse na ako ng gabi nakatulog at natapos sa pagmamasahe ko kay Sir Adhriel. Sa sobrang sakit at pagod na naramdaman ko, kusang bumigay na 'yong mga mata ko. Masakit naman ang ulo ko pagkagising ko kinabukasan kaya agad akong uminom ng gamot. "You look pale," puna sa akin ng boss ko nang nasa loob na kami ng kotse. Nang huminto ang sasakyan dahil ng stoplight, naglagay ako ng kaunting lipstick. Nalimutan ko pala 'yong gawin kanina dahil sa pagmamadali. "Panay tunog pala ang cellphone mo kaninang madaling araw. Sino 'yong tumatawag?" tanong ko dahilan para kumunot 'yong noo niya. "What's with that question? Are you curious about my love life?" So confirmed. Babae na naman niya 'yong makulit na tawag nang tawag bandang ala una ng madaling araw. "Hindi lang ako nakatulog na

