Princess Juliana Point of view "Stephen ikaw ba yan?" Tanong ko sa kanya. Nginitian lang niya ako sabay yakap saakin. "Oo ako nga ako nga to Princess." Sabi niya saakin. Napangiti ako dahil sa narinig ko, bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya sabay tinignan siya. "Hala grabe ang laki ng pinayat mo, dati ang taba taba mo ahh ngayon tignan mo, grabe parang hindi kita nakilala ahh, bagay sayo yang ganyang katawan." Sabi ko sa kanya, natawa naman siya dahil sa sinabi ko. *Cough* nagulat ako ng marinig ko ang pag ubo ni Justin sa likuran ko. "Nakakainis naman andito na nga si JD na kaagaw ko may Stephen nanaman na dumating na isa pang kaagaw." Bulong niya, napatawa naman ako dahil sa pagkakarinig ko sa sinabi niya. "Huy seloso ka ah.". Pang aasar ko sa kanya, nakita ko ang pag papalit n

