Princess Juliana's Point of View Tumakbo ako hanggang makalayo ako sa eksena nila. "Princess uyy ano ba." Sabi ni Jana. Tumingin ako sa kanila habang umiiyak, walang ano ano ay bigla ko silang niyakap. "Hindi ko alam na ganito pala to kasakit, wala akong karapatang magalit kasi hindi naman kami ni Justin, pero bakit ganon nasasaktan ako." Sabi ko sa kanila. Bigla naman silang humawak sa likod ko at sabay himas sa likuran ko. "Wag ka ng umiyak, just trust him ok baka meron lang talaga siyang dahilan." Sabi ni Jana. 'Ano bang dahilan niya? Ang saktan ako?' Sabi ng isip ko. Justin Tyler's Point of View Agad akong bumitaw sa pagkakayakap ni Cristine at tumakbo para mahabol si Princess. "Justin saan ka pupunta?" Tanong niya saakin, humarap ako sa kanya na galit na galit. "Diba nagawa k

