Princess Juliana Point of View Bumalik na kami ni Justin sa resort matapos ang mahabang araw namin na nag gala sa buong bataan. "Pagod ka na ba? Kasi meron pa tayong gagawin sa resort." Sabi ni Justin saakin. Nagtaka naman ako sa sinabi niya at humarap sa kanya. "Huh ano naman?" Pagtataka kong tanong sa kanya. "Basta wait mo lang." Sabi niya saakin, humiwalay muna siya saakin at may pinuntahan, ako naman ay dumiretso kila Jana at Jenelle at doon naman nakita ko si John Dale. "Uyy John Dale andito ka na pala." Sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya habang kumakain. "Oo kanina pa, napaka traffic nga sa NLEX ehh buti nakarating pa ako dito, by the way kamusta, narinig ko wala na daw si Justin at Cindy ah." Bigla niyang sabi. Agad naman akong napatingin sa kaniya na matawa tawa. "Bakit may

