Princess Juliana Point of View Nagising ako ng maaga galing sa mahimbing na pagkakatulog, napalinga linga ako sa loob ng kuwarto na tunulugan namin. Napahiga ulit ako sa kama ko at iniisip ang mga pangyayari kagabi, hindi parin matanggal sa isipan ko ang paghihiwalay ni Cindy at ni Justin. Nagulat ako ng biglang masy pumasok galing sa pintuan kaya agad akong napabalikwas at tumingin kung sinong pumasok sa loob. "O my gosh mga kaibigan, hep hep hep wag ka munang umalis sa iyong hinihigaan." Utos ni Jenelle. Agas niyag hinatak si Jana papalapit saakin at tinulak sa higaan. "Aray ko naman ano bang problema mo?!" Galit na tanong ni Jana kay Jenelle. "May pangyayari sa labas at huwag kayong magugulat." Sabi ni Jenelle. Nagkatinginan naman kami ni Jana habang nakakunot ang noo namin sa isa

