CHAPTER SEVEN

2524 Words
KATATAPOS lang maghilamos at magpalit ng pantulog ni Payton. Sumilip siya sa bintana ng maliit na dampa na kinaroroonan. Kasalukuyan siyang nasa bahay ng pamilya ni Tata Simon, ang matandang nagsisilbing tagapagsalita ng buong baryo. Earlier, naghanda ang mga ito ng kaunting hapunan para pasalamatan sila sa pagpunta nila doon. Hindi naman niya matanggihan ang matanda kaya nagpaiwan na lang siya. Tutal naman ay babalik pa rin naman sila doon bukas para sa pangalawang araw ng kanilang medical mission.   Lahat ng mga student volunteers ay bumiyahe na patungo sa hotel accomodations nila. Halata na sa mukha ng mga ito ang pagod kaya naman hinayaan na lang niya na umalis ang mga ito. Kapag kasi nagpaiwan ang mga ito hanggang hapunan, tiyak na madaling araw na ang dating ng mga ito sa hotel accomodation na kinuha nila sa Brgy. Comon, dito rin sa bayan ng Infanta. Hindi naman papayag ang mga ito na matulog dito. Kaya bilang president ng student council, nagdesisyon siya na siya na lang ang maiwan doon. Nakakahiya naman kasi kung tatanggihan niya si Tata Simon. Pero may isang tao pa na hindi niya inaasahan na magpapaiwan.   Si Riven.  Pagkasabi na pagkasabi niya na magpapaiwan siya doon, agad nitong sinabi na magpapaiwan din siya. Na labis naman niyang hindi maintindihan. Nung una ay nagtataka talaga siya, pero mabilis din 'yong napalitan ng pag-aalala. Sa klase pa naman kasi ng ugali nito, baka mamaya ay may sabihin itong hindi maganda kapag hindi nito nagustuhan ang mga pagkain na ihahayain sa kanila. She couldn't let him offend the kind people living here. But, to her surprise, nothing of that sort happened.  He accepted the food given to him graciously, hindi lang 'yon, magiliw pa nitong kinakausap ang mga tao na kasama nila. Maging kanina, walang reklamo itong tumutulong sa pag-bi-build ng tent pati na rin sa pamimigay ng mga canned goods at bigas. Hindi lang 'yon, nakipaglaro pa ito sa mga bata na walang humpay itong kinukulit. Akala niya nung una ay may nakain lang itong masama kaya ito umaakto ng gano'n. But then, she thought, maybe that was just another side of him. A side that he was not able to show to others until now. If that was true, then she was glad because she had the chance to see it.  Lahat ng iniisip niya nung umpisa nang sabihin sa kanya ng chancellor na kailangan niyang isama sa medical mission nila si Riven ay hindi nangyari. Wala itong ginawa para sirain ang medical mission nila. He was at his best behaviour, well, as best as she hoped for. Hindi ito nakipag-away o nakipagtalo sa kahit na sino. He didn't give nasty retorts to people talking to him. He even made the shy Kaelyn talk to him. Kung meron man siyang reklamo dito ngayong araw, that would be the fact that he can't just seem to keep his hands to himself.  Buong araw, kapag may pagkakataon ito at nakakalapit ito sa kanya, wala itong ibang ginawa kundi hawakan siya. He would touch her hands, her arms, her shoulders, ilang beses nga din siyang niyakap nito buong maghapon. Alam naman niya na ginagawa lang nito 'yon para asarin siya. Because he knew that she can't react violently kahit ano pang gawin nito. Ang hindi nito alam ay kung ano ang epekto ng mga pinag-gagagawa nito sa kanya.  Ilang beses niyang naramdaman na halos sasabog na ang puso niya dahil sa ginagawa nitong pagyapos-yapos sa kanya. Akala nga niya ay aatakihin na siya sa puso dahil do'n. Hindi rin niya alam kung ilang beses siyang namula dahil dito. O kung ilang beses niyang naramdaman ang kakaibang pagdaloy ng kuryente sa katawan niya sa tuwing nagkakalapit silang dalawa. Hindi niya talaga maisip ang dahilan kung bakit ganito na lang ang epekto nito sa kanya. Or maybe she had an idea why pero pilit lang 'yon tinatanggi ng utak niya.   Dahil kahit na ano pang gawin niyang pag-iisip, she always ended up with the same conclusion. She was attracted to Riven. Kung may nagsabi siguro sa kanya one month ago na posible niyang maramdaman ang ganito para sa binata, baka pagtawanan lang niya ang taong 'yon. The only problem was, she never knew Riven the way she knew him now. She didn't spend time with him the way she spends time with him now. Because the simple fact was, Riven was really not the jerk everyone thought he was.  Oo, maaaring hanggang ngayon gumagawa pa rin ito ng mga bagay na kinaiinis niya. He might be annoying and irritating, pero hindi naman niya masasabi na masama ang ugali nito. At napatunayan niya 'yon ngayong araw. Kung masama ang ugali nito, hindi nito aasikasuhin ang mga tao na lumapit at nagtanong dito kanina, hindi nito papasalamatan si Tata Simon dahil sa masarap na pagkain na inihanda ng pamilya nito, at hindi ito makikipaglaro sa mga bata dito sa baryo with that elated expression on his face.   Habang pinapanood niya ito kanina, lihim niyang hiniling na sana ay manatili ang gano'ng klase ng ekspresyon sa mukha nito. Because she always felt this incredible warmth in her heart whenever she saw him smile and laugh. Napasandal siya sa bintana at nagpapikit na lamang. Maybe she's not simply attracted to him, maybe, at some level, she actually liked him.   Muntikan na siyang mapasigaw nang may isang pares ng malalamig na kamay ang bigla na lang dumampi sa mga pisngi niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay mukha ni Riven ang agad niyang nasilayan. He was looking at him as if he was, worried?  "Ayos ka lang ba? Do you feel sick?" tanong nito na dinampi pa ang noo sa noo niya, like he was feeling her temperature.   Dagli naman siyang lumayo dito at tumalikod dito para hindi nito makita ang pamumula niya. "I-I'm fine." Pilit niyang pinapakalma ang sarili, pero wala pa ring tigil sa pagwawala ang puso niya. Damn this stupid heart. Stop beating crazy for once, would you?  "Then come outside, let's go for a walk."  Nilingon niya ito, noon lang niya napansin na nasa labas pala ito ng bahay. "It's late, baka may makasalubong pa tayong mabangis na hayop d'yan."  "Hindi naman tayo lalayo, come on."  Ilang sandali din niya itong tinitigan at nang mukhang hindi ito matitinag sa gusto nitong gawin ay napabuntung-hininga na lang siya. "Fine, magja-jacket lang ako," wala na niyang nagawang wika. KAGAYA nang sinabi nito kanina, hindi naman sila lumayo sa paglalakad. They stopped in front of a clearing where they can perfectly see the full moon and the starry sky. Kapwa sila naupo sa damuhan para pagmasdan ang magandang kalangitan. Makailang sandali pa ay bigla na lang itong umusod palapit sa tabi niya and then he just put his arms around her.  "Riven, what are you--"  "Stay still," putol nito sa sasabihin niya and pulled her closer to him. "It's cold and you're warm."  Her heart was beating erratically again, pero panandalian lang 'yon. Because it was then replaced by this unfleeting calmness and undescribable warmth. Hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sarili na sumasandal sa mga balikat nito.  "You know, I'm glad I went here today," wika nito.  "You are?"  "Oo. I actually had fun, which I thought would not happen by the way. Malay mo, next sem I might actually be one of your student volunteers," may halong pagbibirong wika nito pero alam niyang hindi ito nagsisinungaling. "That's why I want to say sorry because I once said to you that this medical mission was stupid."  Tumingala siya dito, hindi makapaniwala na humingi talaga ito ng tawad sa kanya. "Only once? Sa pagkakatanda ko hindi mo lang siya tinawag na stupid, tinawag mo rin siyang walang-kwenta."  "Okay, fine, sorry na para sa lahat ng beses na nagsabi ako ng masama patungkol sa medical mission niyo. It was really my bad. Nakita ko ngayong araw kung gaano karaming tao ang natulungan at napasaya niyo. The student council really did a good job. You did a good job. And I was such an ass for thinking otherwise."  Ilang sandali din niya itong matamang tinitigan at muli siyang sumandal sa balikat nito. "Yeah, you really are an ass."  Bigla na lang nitong pinisil ang pisngi niya. "Hey, nakakarami ka na ah."  Natatawang tinabig niya ang kamay nito. "Stop that." Sa pagtataka niya ay bigla na lang itong huminto. Tiningnan niya ito and he was looking at her with wonder in his eyes. "W-what?"  "You smiled," sagot nito na para bang nasagot na no'n ang tanong niya.  "I always smile."  "No, you're not. Ngumingiti ka nga pero puro peke naman ang mga ngiting 'yon. But just now, you smiled genuinely at me." Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha niya. "I wish you could smile like that more."  Hindi naman siya makapaniwala na napapansin pala nito na hindi tunay ang mga ngiti na madalas niyang binibigay sa mga tao. Then she suddenly remembered what he did when she first saw him inside the greenhouse. "So that's why you said back then that you would wipe the smile on my face if I ever smile to you again. Dahil alam mong peke ang ngiti ko and you hate fake things, or rather, fake people."  "Yeah, I do. Ayoko sa mga pekeng tao."  Nagbaba siya ng tingin. Kung ayaw nito sa mga pekeng tao, then that meant he also hated her. "May I ask why?" natanong na lang niya.  Ilang sandali din siguro itong natahimik bago ito muling nagsalita, "Dahil sa mga magulang ko."  Hindi naman niya inaasahan ang sagot na 'yon. "Anong ibig mong sabihin?"  Natahimik na naman ito, as if contemplating if he will answer her question or not. Pero sa bandang huli ay nagsalita din ito. "When I was a kid, tuwing bakasyon, lagi akong pumupunta sa Los Angeles to spend my summer there. Doon na kasi nakabase ang mga magulang ng nanay ko. My grandparents were taking care of this child three years older than me, they said that they adopted him and that I should treat him like a brother. I gladly oblige. His name was Thomas, we call him Tommy. And I always had fun playing with him. Isa siya sa mga rason why I always look forward to my summer vacation. Then one summer, when I was twelve, he died."  Kitang-kita naman niya ang pag-guhit ng sakit sa mga mata nito. Ang Tommy marahil na ito ang mahalagang tao na nawala dito.  "Hindi na ako nagulat nang marinig ko 'yon. I knew it would happen sooner or later because kids with condition like Tommy's never really have a long lifespan. But it still hurt. Dahil minahal ko siya na parang isang tunay na kapatid. Then when I was fourteen, kagagaling ko lang noon sa school, medyo napaaga ang uwi ko nang araw na 'yon. I was surprise to see my parents car on the garage, pareho kasi silang busy kaya kadalasan ay gabi na sila kung umuuwi. I was so excited to show them my report card, dumiretso ako sa study, one of the maid said they were there. I was about to open the door nang hindi sinasadyang marinig ko ang pinag-uusapan nila. They were talking about Tommy, and do you know what I learned that day? Tommy was actually my older brother."  Nagulat naman siya sa sinabi nito. Nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito, he was shaking with anger. Kusang gumalaw ang kamay niya at hinawakan ang kamay nito. Pinagsalikop naman nito ang mga palad nila bago ito nagpatuloy.  "As soon as Tommy was born, they immediately gave him to my grandparents. Alam mo ba kung bakit? Because Tommy has down syndrome. At tingin ng magaling kong mga magulang na isang kahihiyan na magkaroon ng anak na kagaya niya. Just because of that stupid reason hinayaan nila na palakihin ng iba ang anak nila. Hinayaan nila ako na paniwalain na nag-iisa lang akong anak. Ang tanging mahalaga lang sa kanila ay ang reputasyon nila at kung ano ang iisipin ng ibang tao kapag nalaman ng mga ito na nagkaroon sila ng anak na mongoloid. They rather donned a fake facade rather than raised their own child," nagtatagis ang mga bagang na wika nito. "Simula noon I stopped pining for their attention and I started doing stupid things just to annoy them. Not studying, picking fights on purpose, anything just to embarass them. Alam ko na napaka-childish no'n, But that's the only way I know to get back at them."   Hindi naman siya makapaniwala na may mga magulang na kayang gawin 'yon sa sarili nilang anak. But then again, she's not really one to say since her parents were also not that ideal, especially her mother.   "Pero alam mo ba kung ano ang mas masakit? That Tommy died without even knowing that he has a brother. He died and I didn't even have the chance to call him 'Kuya'."  Nang mga sandaling 'yon, he has the same expression he had when they were at the hospital. That look of extreme sadness. And her heart just ached for him. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit gano'n na lang ito kalungkot habang sinusundan nito ng tingin yung batang babae sa ospital. He must've been thinking about Tommy, relieving the pain of his death. She knew far too well that kind of feeling. Alam niya kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal sa buhay, one that you never even had the chance to say goodbye to. Because she also lost someone.  She lost her sister.   Lumuhod siya sa harapan ni Riven at ikinulong ito sa mga bisig niya. Hoping that it would at least lessen the pain he was feeling right now. Unti-unti ay naramdaman niya ang pagpulupot ng mga bisig nito sa beywang niya.  "Maraming salamat sa pakikinig sa kadramahan ko," mahina nitong wika.  "No, thank you for trusting me enough to share this with me. After what your parents did, ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw mo sa mga pekeng tao. You must really hate me then, dahil kagaya din nila ako. Just like you said, I'm deceving others just to be liked and respected," pagbibirong wika niya, but there was an underlying truth to what she said. Kaya nga masakit para sa kanya na sabihin 'yon. Because she doesn't want to be hated. Especially not by Riven.  Kumawala ito sa kanya at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. "I don't hate you. Oo, aaminin ko, noon hindi talaga kita gusto. Naiirita ako kapag nakikita kita. But after getting to know you, I knew I could never hate you. At hindi ka kagaya ng mga magulang ko. I saw how you give the people here real compassion. You're really kind-hearted Payton. No one would do the things you did here if they don't genuinely care for other people."  Hinawakan niya ang mga kamay nitong nakadampi sa pisngi niya. Hindi na niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. She was just so glad that he doesn't hate her. "Thank you."  At that moment, isang mahalagang bagay ang napagtanto niya, she was falling for Riven. Hard and fast.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD