"HELLO? Nasaan ka na?" tanong ni Payton sa kabilang linya ng hawak-hawak na cellphone habang palinga-linga sa paligid. "I'm already here." Nando'n siya sa back gate entrance ng unibersidad nila at hinihintay ang pagdating ng kausap.
"Malapit na 'ko," sagot ni Riven.
Naiiling na lang na pinindot niya ang 'end call' button ng cellphone. Kanina lang nang matapos ang huling klase niya para sa araw na 'yon ay nag-text ito sa kanya at sinabi na hintayin ito sa back gate ng eskwelahan. Kung tutuusin ay pwede naman niya itong tanggihan, wala naman na siyang obligasyon na sundin ang gusto nito dahil tapos na ang medical mission at wala na itong pinanghahawakang leverage sa kanya. Tatlong araw na lang at matatapos na rin ang one month deal nila.
Isang linggo na rin ang nakakaraan nang pumunta sila sa Magsaysay. Kagaya ng inaasahan labis na papuri na naman ang natanggap niya mula sa chancellor ng eskwelahan nila. Hindi lang dahil sa naging matagumpay ang medical mission, kundi dahil naisama niya rin doon si Riven.
Sinabi niya noon sa sarili na kapag natapos na ang medical mission ay wala ng dahilan para sumunod pa siya sa binata. Pero hindi niya rin 'yon natupad, because until now she was still following him like a fool. Kinukumbinsi na lang niya ang sarili na it was only because she just wanted to keep her end of the bargain. Pero sino nga bang niloko niya? Simple lang naman ang rason kung bakit sumusunud-sunod pa rin siya sa binata. Because she wanted to be with him, she wanted to spend more time with him. At ang pagsunod dito ang tanging paraan na nakikita niya para makasama ito. Kaya nga hindi niya alam ang gagawin sa oras na matapos na ang deal nila.
Wala nang dahilan para magkita pa sila o mag-usap man lang, it would be weird to be together with no reason at all. They were not friends to begin with. Ni hindi nga niya alam kung ano bang relasyon nilang dalawa ngayon. Magkaibigan na ba sila o simpleng magkakilala lang? Napabuntung-hininga na lang siya. Kung bakit naman kasi na-realize pa niya ang nararamdaman para kay Riven. Her life would definitely be more peaceful kung hindi nahulog ang loob niya dito.
But the impossible happened and she fell in love with Riven. And she have absolutely no idea what to do with her own feelings. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganito para sa isang lalaki, o para sa kahit na sino for that matter. 'Yon bang tipong sa simpleng ngiti lang niya, pakiramdam mo ay sasabog na ang puso mo, o yung hindi ka makatulog sa gabi dahil hindi siya mawala sa isipan mo?
Nasapo niya ang noo. Crap. At kailan pa ko naging ganito ka-corny?
Mabuti na nga lang at sanay siya na panatilihing kalmado ang expresyon ng mukha niya dahil kung hindi tiyak na nahalata na nito ang nararamdaman niya para dito. Naputol ang pag-iisip niya dahil sa narinig na sunud-sunod na pagbusina sa kanyang likuran. Lumingon siya and she almost caught her breath when she saw Riven riding his bigbike towards her. He looked like a bad-ass hero wearing his signature leather jacket and driving that black harley. Ang hanggang balikat nitong buhok na madalas na nakalugay ay nakapusod ngayon. Kulang na lang dito ay black shades at bandana and he would looked like a biker gangster that came straight out of a movie.
Huminto ito sa tapat niya at nagwika, "Hop on."
"What do you mean 'hop on'?"
"I'm telling you to ride on my bike because I'm taking you out to dinner."
Excitement ang una niya agad naramdaman sa isiping kakain silang dalawa sa labas or that he would even invite her to go. Pero agad din 'yong napalis nang maalala niya na hindi nga pala siya pwedeng gabihin ng uwi. "I- I can't. Papagalitan ako sa 'min kapag ginabi ako masyado ng uwi."
"Payton, you're already twenty, hindi ka na bata. I'm sure hindi naman magagalit ang parents mo if you go out and have some fun."
And that's the problem. She never really did go out with anyone or had fun with anyone. Kahit nga si Jax, na pinakamalapit na niyang kaibigan, ay hindi pa niya nakakasama na lumabas. Bahagya pa siyang nagulat nang bigla na lang hawakan ni Riven ang kamay niya.
"Come on, it would be fun. I promise," dugtong pa nito. "And it would be my treat. Minsan lang ako manlibre so you should take advantage of it." Nang hindi siya agad sumagot ay naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya. Nagbaba siya ng tingin dito at napalunok nang makita ang seryosong ekspresyon ng mukha nito habang nakatitig sa kanya. His brown eyes were staring straight at her. "If you say no, I'm going to kidnap you."
Hindi naman niya malaman kung nagbibiro ba ito o ano, but her heart can't help but to be frantic because of how serious he looked. This guy is just so sly. How can she say no when he looked like that? Binawi niya ang kamay dito at wala nang nagawang nagwika, "F-fine. Tatawag lang ako sa bahay para magpaalam."
Isang malawak na ngiti naman ang naging tugon nito. Lalo lang tuloy bumilis ang t***k ng puso niya. Lumayo na lang siya ng pansamantala dito para hindi nito mapansin ang pamumula niya. At sinimulan na niyang i-dial ang numero sa bahay nila, kahit nga hindi pa niya alam kung ano ang sasabihin sa nanay niya. Maya-maya pa ay sinagot na ng isa sa mga katulong nila ang tawag niya.
"Si Mommy?"
"Kaaalis lang po senorita, pupuntahan po yata ni ma'am ang daddy niyo sa ospital."
Nakahinga naman siya ng maluwag nang malaman na wala doon ang nanay. She has not been really good at lying to her mother. Nasanay na kasi siyang laging sinasabi dito ang ginagawa. "Gano'n ba? Pakisabi na lang sa kanya na baka gabihin ako. May gagawin kasi akong project with my classmate. Baka hindi na rin ako makatawag kasi low batt na yung phone ko and I'm sure magiging super busy ako kaya mawawalan ako ng time na tawagan siya. Magpapahatid na lang ako pauwi dun sa classmate ko." Pagkawika no'n ay pinindot na niya agad ang 'end call' button. Lumingon siya kay Riven at napansin na nakatitig ito sa kanya at halatang nakikinig sa tawag niya. "What?"
"Nothing. Napansin ko lang na hindi ka pala talaga magaling magsinungaling."
"Ano namang ibig mong sabihin do'n?"
"Wala naman," bumaba ito sa bigbike nito at kinuha ang helmet na nakatago sa ilalim ng upuan nito. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya. "But I think it's a good trait. 'Yon nga lang, it will leave you in a disadvantage. Good thing magaling kang umarte, kung hindi, you wouldn't be able to hide that terrible temper of yours."
"Says the person who doesn't have a temper."
Natawa naman ito sa sinabi niya. "True enough. And maybe that's why we suit each other."
Hindi na siya nakasagot sa sinabi nito dahil bigla na lang nitong isinuot sa kanya ang helmet na hawak nito. At hinigit na siya nito pasakay sa bigbike nito. Pero hanggang sa makaalis na sila ay hindi mawala sa isip niya ang huling sinabi nito. That they suit each other.
THEY WENT to The Fort in Taguig City, medyo matagal ang biyahe pero hindi na napansin 'yon ni Payton. Dahil sa kabuuan ng biyahe nila all she could focus on was how warm Riven's back was. Akala nga niya noong umpisa ay mahihirapan siya dahil 'yon ang unang beses na umangkas siya sa isang bigbike but nothing like that happened, in fact, she even enjoyed the ride. Siguro malaking dahilan no'n ay dahil sa kasama niya ang binata. Kahit na siguro magbungy-jumping pa sila, basta kasama niya ito, magiging masaya siya.
Sa isang Italian restaurant siya nito dinala. He said that the restaurant has the best Italian steak in the country at gusto nitong matikman niya 'yon. Tama naman ito sa sinabi, dahil unang subo pa lang, walang duda na 'yon na ang pinakamasarap na steak na natikman niya. Kapag may oras siya ay tiyak na babalik siya sa lugar na 'yon. Their dinner went smoothly. Maliban na lang sa panaka-naka nitong mga side comments. By now dapat sanay na siya sa mga pang-aasar nito, pero hindi pa rin niya mapigilan na mainis. Para kasing nagiging favorite hobby na nito ang asarin siya.
Tiningnan niya ang oras sa suot na wristwatch, nasa labas siya ngayon ng restaurant at hinihintay si Riven. Medyo may kalayuan kasi ang ipinagparadahan nito ng bigbike nito dahil wala ng bakanteng parking space kanina malapit sa restaurant nung dumating sila. Malapit nang magalas-nuebe ng gabi, kung aalis na sila ngayon tiyak na bago mag-ten thirty ay nasa bahay na siya. Sinulyapan niya ang cellphone. Pinatay niya 'yon kanina. Natatakot kasi siya na baka tawagan siya ng ina. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Because just like Riven said, she's not really a good liar. Mamaya na lang niya iisipin pagdating sa bahay kung ano ang paliwanag na gagawin niya kung bakit siya ginabi ng uwi.
"Well, well, well, if it isn't our student council president," wika ng tinig ng isang babae sa may likudan niya.
Dagli siyang bumaling sa pinanggalingan ng tinig at muntikan na siyang mapasimangot nang mapagsino ang babaeng palapit sa kanya. It was Thrist Elizalde. Anak ng isa sa pinakakilalang business tycoon sa bansa at ang tinuturing na mad queen ng campus nila dahil sa extreme mood swings nito. Nakasuot ito ng slinky black dress na hapit na hapit sa katawan nito. Tinernuhan nito 'yon ng high-heeled black boots. She should have looked like a slut dahil sa suot nito, but instead, she still managed to look elegant and classy.
"Thrist," nakangiti niyang bati dito.
The two of them were never close pero kapag nagkakasalubong sila sa campus ay nagbabatian naman sila. Kabarkada kasi ito ni Jax, so the two of them were somehow acquainted. Although, she never really liked her. Hantaran kasi talaga ito kung magmaldita, at ang laging sentro ng kamalditahan na 'yon ay si Kaelyn. Hindi niya maintindihan but Thrist seemed to really hate Kaelyn.
"Are you alone?" tanong nito. Kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo mula sa pouch bag nito at sinindihan 'yon.
Bago pa siya makasagot ay bigla na lang may bumusina na isang asul na sports car sa tapat nila. Pagkakuwan ay lumabas mula sa driver's seat si Thorn Elizalde, ang kakambal ni Thrist and St. Griffin's number one hearthrob and campus king. And he looked dashing as always. Pero kahit na gaano pa ito kagwapo, para sa kanya ay tanga lang ang magkakagusto dito. Because one look at this guy's handsome face and you knew you're in for a heartache.
"Hey Thrist, I've been looking for you nandito ka lang pala," nakakunot ang noong wika nito sa kakambal.
"Sorry, I got lost. But look who I've found," sagot naman ni Thrist na bigla na lang umabrisyete sa kanya.
Bumaling sa kanya si Thorn na parang noon lang siya napansin. "Is that Payton? Anong ginagawa mo dito?"
"I think she's on a date. Who would've thought that our stiff as a stick president could also go out to have fun, huh?"
She readily heard the mockery in Thrist's voice, pero nagpasya siya na 'wag yung bigyang pansin. Hindi niya sisirain ang gabi niya dahil lang dito. "Oh no, lumalabas naman ako. Hindi lang siguro tayo nagkikita dahil hindi ako pumupunta sa mga klase ng lugar na pinupuntahan mo," malumanay niyang wika na sinabayan pa niya ng pagngiti.
Agad naman itong bumitiw sa pagkaka-abrisyete sa braso niya at tuluyan na siyang sinimangutan. Bigla namang bumulanghit ng tawa si Thorn.
"She got you there, Thrist," natatawa pa ring wika nito.
Inirapan lang ito ni Thrist. "Shut up."
Bumaling siya dito at labis siyang nagtaka ng isang nakakalokong ngiti ang bigla na lang sumilay sa labi nito. Sinundan niya ang direksyon na tinitingnan nito at nakita niya si Riven na palapit sa kanila sakay ng bigbike nito. Lumingon sa kanya si Thrist.
"Let's have fun, Payton. Pumunta tayo sa klase ng lugar na pinupuntahan ko," nakangising wika nito sa kanya.
Bago pa niya naintindihan ng husto ang ibig nitong sabihin, bigla na lang siya nitong hinawakan ng mahigpit sa braso at hinigit papasok sa backseat ng sportscar ng kakambal nito. Pagkakuwan ay pumasok na rin ito at naupo sa tabi niya.
"What are you doing?" medyo nagpapanic na niyang wika.
"I told you, we're going to have fun," sagot nito sabay baling sa kapatid. "Thorn, drive the car already."
"Yes, yes," wika ni Thorn na pinaharurot na ang sasakyan nito.
"Si Riven ang kasama mo dito, tama ba?" tanong ni Thrist sa kanya. Nang hindi siya sumagot ay tumawa lang ito. "Now aren't you a weird couple?" Kinuha nito ang cellphone sa bulsa nito at nagsimulang mag-dial ng number. "Hello, Riven? We got your girlfriend here. Alam mo naman kung saan kami madalas pumupunta, di ba? If you want to get her back, sundan mo na lang kami do'n." Then she hunged up. "Oh this is going to be so much fun."
Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ito binansagang mad queen. This girl was just really freaking crazy.
"Don't worry, I'm sure Riven will come for you," wika naman ni Thorn.
Wala naman siyang duda do'n. Ang ipinagtataka niya ngayon was how the heck did Riven get acquianted with these two? Sinulyapan niya ang wristwatch. Kailangan na talaga niyang makauwi ngayon. If not, the she wouldn't hear the end of it from her mother. Worse, her mother might have another fit because of this. And she truly wished na 'wag naman sana 'yong mangyari.