KANINA pa ubo ng ubo si Payton dahil sa hindi maubos na usok ng sigarilyo sa paligid. Kahit saan yata siya pumwesto ay may naninigarilyo. The twins brought her to a bar. Pagkadating na pagkadating nila doon ay bigla na lang siyang iniwan ng mga ito. Hindi naman siya makalabas dahil sa dami ng tao at hindi rin niya alam kung nasaan ang exit. Ang problema pa, simula nung pumasok sila, tatlong lalaki na ang lumalapit sa kanya. Malapit na talaga siyang sumabog sa sobrang inis. Kapag hindi siya nakapagpigil, baka masuntok na niya ang sunod na lalaking lalapit sa kanya.
Nasaan ka na ba, Riven?
"You do know you're making the irritated Payton expression right now?" wika ng isang pamilyar na tinig sa may likuran niya.
Dagli siyang lumingon at sobrang relief ang naramdaman niya nang makita si Jax na palapit sa kanya.
"Akala ko nagbibiro lang si Thrist nung sabihin niya na nandito ka," wika nito nang makalapit na sa kanya. "What are you doing here anyway?"
"I wouldn't be here if that crazy girl didn't literally shove me inside her brother's car," inis na wika niya. "Hindi ko talaga maintindihan kung paano mo natitiis na makipagkaibigan sa kanila."
Tinawanan lang siya nito. "Dumadali na naman 'yang pagiging judgemental mo. I'm friends with them because I enjoy being with them," wika naman nito. "At hindi 'yon ang tinutukoy ko, I want to know why you are still out this late. Alam ba ni Tita na nandito ka?"
Napangiwi siya. "I kind of lied."
"You lied to your mom?" wari namang hindi makapaniwalang wika nito.
"Not directly, pero parang gano'n na nga. Hindi ko lang kasi mahindian si Riven kaya--" siya na rin mismo ang huminto sa pagsasalita. Nag-angat siya ng mukha para tingnan si Jax at kagaya ng iniisip niya, kahit medyo madilim do'n sa lugar, kitang-kita niya ang nang-aasar na ngiti nito.
"Wow. You can't say no to him, but you can easily say no to your bestfriend na kasama mo na simula pagkabata."
"At kailan pa kita naging bestfriend? Anyway, paano nga pala nakilala nina Thrist si Riven?" kanina pa talaga niya iniisip 'yon. Kung hindi malapit ang mga ito then Thrist wouldn't have Riven's number.
"Sa pagkakaalam ko magkaibigan ang mga magulang nila and the three of them went to the same elementary and high school. 'Wag kang mag-alala, their relationship is purely platonic. Parang tayo lang. So you don't have to worry about your guy being stolen."
Namula naman siya dahil sa sinabi nito. "H-hindi ako nag-aalala. And h-he's not my guy."
Wari namang hindi siya nito narinig dahil tumawa lang ito at pinisil ang pisngi niya. "Oh Payton, you're so cute when you blush."
Tatabigin na sana niya ang kamay nito kahit na alam niyang inaasar lang naman siya nito. Pero bago pa niya magawa 'yon, may isa pang kamay ang humawak sa kamay ni Jax na nakahawak sa pisngi niya at pabalang na inalis 'yon. Tiningnan niya kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na 'yon at nagulat siya nang makita si Riven. Pero mas nagulat siya nang makita ang madilim na ekspresyon ng mukha nito.
"Don't touch her," malamig na wika nito kay Jax sabay hawak sa kamay niya. At walang sabi-sabi siyang hinigit nito palayo kay Jax.
"Sandali, Riven--" hindi niya maituloy ang sasabihin dahil sa patuloy nitong paghigit sa kanya. Huminto lang ito nang nasa parte na sila ng bar na hindi gano'n karami ang tao.
Humarap ito sa kanya and he really seemed pissed as hell. "Alam mo ba na muntikan na akong maaksidente kanina sa pagmamadali ko na makarating agad dito? Tapos ano lang ang dadatnan ko? You flirting with that guy!"
Nung una ay nag-alala siya dahil sa sinabi nitong muntikan na itong maaksidente but after what he said next, agad yung napalitan ng matinding inis. Kung magsalita ito ay parang gustung-gusto na siya nitong sakalin. Ni hindi nga niya alam kung ano ba ang ikinagagalit nito. "I'm not flirting with anybody."
"Then bakit hinahayaan mo siyang hawakan ka?"
"Kaibigan ko si Jax, okay? Saka teka nga- bakit ka ba nagagalit ha?" tumaas na rin ang boses na wika niya.
Matagal siya nitong tinitigan bago sumagot. "Dahil hindi ko gusto na hinahawakan ka ng ibang lalaki. I didn't like how natural it was for you to talk to that guy. I didn't like it at all."
Nagulat naman siya sa sinabi nito. Hindi talaga niya inaasahan 'yon. "W-why?"
"Because it's making me jealous, damn it!" Parang maski ito ay nagulat sa sinabi dahil pagkawika nito no'n ay bigla na lang itong namula at umiwas ng tingin sa kanya. "s**t. Look at how you're making me say these embarassing things."
Halos pigilan niya ang sarili na yakapin ang binata, 'yon kasi ang kauna-unahang beses na nakita niya itong namula. And he just looked so perfectly adorable. Para namang lomolobo ang puso niya. Dahil siya ang dahilan kung bakit ito namumula, he even felt jealous. Ibig-sabihin ba nito ay pwede siyang umasa? Could she really hope na pareho lang ang nararamdaman nila?
"Why are you jealous?" nagbabakasakaling tanong niya.
"Bakit ba nagseselos ang isang lalaki?" balik tanong nito sa kanya.
"I don't know, you tell me."
Pero hindi na ito nakasagot dahil bigla na lang may nagsalitang kung sinumang lalaki. "Tingnan mo nga naman kung sinong nandito. Hindi ba sinabihan ka na namin na 'wag ng babalik dito?"
Binalingan niya ang pinanggalingan ng tinig at ang nakita niya ay isang lalaki na sa tingin niya ay kaedad lang nila. Nasa likudan nito ang anim o higit pang lalaki. Mukhang isang grupo ang mga ito at ito ang lider.
Tiningnan naman ito ng masama ni Riven. "Ang galing din naman ng timing mo eh no?"
"Mukhang may pinopormahang babae si Riven," wika ng isa sa mga lalaki sa likudan sa lider na itinuro pa siya.
Tumingin naman sa kanya ang lider at ngumisi. "Wow. She's pretty. Bakit hindi mo na lang siya ibigay sa 'kin and get your ass out of here? Para wala ng gulo."
Humarang naman si Riven sa harapan niya. "Para wala ng gulo, o para hindi ko kayo mabugbog? And by the way, you don't have permission to look at her."
"Ah gano'n, tingnan natin kung sino ang mabubugbog."
Sa pagkagulat niya ay bigla na lang nitong sinugod ng suntok si Riven, na walang kahirap-hirap namang naiwasan ng binata. Bilang ganti ay tinadyakan ito ni Riven, matutumba na sana ito kung hindi pa ito tinulungan ng mga kasama nito.
"Anong tinatayo-tayo niyo d'yan? Sugudin niyo siya!" sigaw nito sa ilan pa nitong kasama.
"Stay here and don't move," mahinang wika ni Riven sa kanya.
At sabay-sabay na sinugod ng mga ito si Riven. Inundayan ng suntok ng isa sa mga ito si Riven pero nakailag pa rin ang binata at mabilis na gumanti ng suntok dito. Habang ginagantihan nito ng suntok ang mga nasa harapan nito, may isa naman na nagbabalak na sugudin ito sa likod. Bago pa niya mabigyan ng babala si Riven ay bigla na lang natumba ang lalaki na susugod sana dito. Nakita niya na sinipa pala ito ni Thorn.
"You need help?" tanong nito kay Riven.
"Just don't get in my way," sagot naman ni Riven na hindi man lang tumingin sa direksyon nito.
"Narinig mo 'yon Jax?" tanong ni Thorn kay Jax na nakisali na rin pala sa kaguluhan.
"Loud and clear."
And just like that, all hell broke loose.
NILINGON ni Payton si Riven, his lip was cut at may ilang pasa din ito sa mukha. Kasalukuyan silang nasa presinto ng pulis, kasama nila doon sina Thorn at Jax na kagaya ni Riven ay may mga pasa din ang mukha at gulu-gulo na ang suot na damit. Kasama din nila si Thrist at mukhang ito lang ang natutuwa sa sitwasyon na kinasasadlakan nila ngayon.
The fight at the bar got so out of control na maski ang mga bouncer na nando'n ay hindi nagawang pigilan ang nagaganap na away. Kaya sa bandang huli ay kinailangan nang tumawag ng pulis ng manager ng bar para lang mapaghiwalay sina Riven at ang grupo na nakaaway ng mga ito. Hinuli ng mga ito ang grupo na nakaaway nina Riven dahil malinaw naman na ang mga ito ang nagsimula ng away. Pero kailangan pa rin nilang sumama dahil kailangan silang hingan ng mga pulis ng statement.
Muli niyang sinulyapan si Riven. "Ayos ka lang ba talaga?"
"Oo, those bastards hit like little girls. There's no way masasaktan ako sa mga suntok ng mga 'yon," wika nito. Nang tingnan lang niya ito ay ipinatong lang nito ang kamay sa ulo niya at nginitian siya. "Don't worry, I said I'm fine."
"What's this, Riven is actually smiling? Don't tell me kayo na talagang dalawa?" biglang wika ni Thrist with obvious disdain. "I didn't know you go for the stiff type, Riven."
"Thrist, behave," saway dito ng kakambal nito.
"Who said anything about types?" Bigla siyang inakbayan ni Riven. "Dahil sa babaeng 'to nadiskubre ko that I actually like violent girls with wild temper outburst."
Bigla naman siyang namula. Isang malakas na tawa naman ang biglang pinakawalan ni Jax dahil sa sinabi nito. "No wonder you like Payton."
Tiningnan naman niya ng masama ang kaibigan. Magsasalita na sana siya nang lumapit sa kanila ang isa sa mga pulis. "Tinawagan na namin ang mga magulang niyo para ipaalam ang nangyari. Baka maya-maya lang ay nandito na ang mga 'yon para sunduin kayo."
Para naman siyang itinulos sa kinauupuan dahil sa narinig. Dahil sa mga pangyayari ay nakalimutan na niya ang tungkol sa mga magulang. Kung hindi siya nagkakamali ay malapit ng mag-alas-dose ng madaling araw. Tapos nandito pa siya ngayon sa presinto ng pulis. Her mother will kill her. Sinulyapan niya si Jax na noon ay nakatingin na rin sa kanya. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Don't worry, ipapaliwanag ko kay Tita kung ano ang nangyari," wika nito.
"Wala kang kailangang gawin," malamig na wika ni Riven. "I'm the one who invited Payton so I'll take responsibility over everything that happened," dugtong pa nito na binawi ang kamay niyang hawak-hawak pa rin ni Jax.
Pagsasabihan niya sana ito dahil sa inasal nito, kaya lang naman hinawakan ni Jax ang kamay niya was because he wanted to give her reassurance. Alam kasi nito ang tungkol sa mga emotional outburst ng nanay niya. Pero bago pa niya magawa 'yon ay biglang bumukas ang pintuan ng istasyon at iniluwal no'n ang nanay niya. Napatayo siya sa pagkakaupo. Mag-isa lang ito, marahil ay nasa ospital pa rin ang tatay niya kaya hindi nito 'yon kasama. Kung minsan kasi ay may mga operasyon na inaabot ng hanggang hating-gabi. Inilibot ng ina ang paningin sa paligid at nang makita siya nito ay kitang-kita niya kung paano napuno ng galit at pagkamunghi ang mga mata nito.
Bago pa makalapit sa kanya ang ina ay hinarang na ito ni Jax. "Tita, let me explain. Wala pong kinalaman si Payton sa mga nangyari--"
"Get out of the way, Jacinto," wika ng ina na hindi man lang inaalis ang tingin sa kanya. Wala namang nagawa si Jax kundi umalis sa daraanan nito. "Come here, Payton."
"Mom--"
"I said come here!"
She automatically flinched dahil sa pagtaas ng boses nito. Lalapit na sana siya dito nang biglang hawakan ni Riven ang kamay niya.
"Ma'am, I'm Riven De Guzman. Alam kong ngayon lang tayo nagkakilala but I'm the one who invited your daughter out. I'm the one who put her into this mess, so please 'wag po sana kayong magalit sa kanya. Wala po siyang kasalanan sa mga nangyari."
Tiningnan ito ng nanay niya mula ulo hanggang paa at nagwika, "The fact that she agreed to go with you is already a fault itself. Now, Payton, come here."
Pinisil niya ang kamay ni Riven na nakahawak sa kanya bago binitawan 'yon. Kung hindi pa siya sasama ngayon sa ina ay tiyak na gagawa lang ito ng eksena doon. and she'd rather not let Riven see that. Naglakad siya palapit sa ina at nang malapit na siya dito ay marahas nitong hinablot ang braso niya. Bago siya tuluyang kaladkarin palabas ng nanay niya ay sinulyapan niya muna si Riven at pilit itong nginitian.
Nasa tapat na sila ng sasakyan na dala nito nang pabalang siya nitong binitiwan. "How dare you? How dare you, Payton? You not only stayed out so late, pumunta ka pa ng bar! And then you ended up here, sa police station? Ginagamit mo ba talaga 'yang utak mo?" galit na wika nito na dinuro pa ang ulo niya. "Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila 'to? Tapos nagsinungaling ka pa tungkol sa kung saan ka pupunta ngayon. Para ano? Para makasama ang lalaking 'yon na sa itsura pa lang ay halata na na walang mararating sa buhay?"
"Please don't talk bad about him." Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para sabihin 'yon dito, but she did. Handa siyang tanggapin ang lahat ng masasakit na salita na sasabihin nito patungkol sa kanya, pero hindi niya kayang pakinggan na pagsasalitaan nito ng masama si Riven.
"You dare talk back to me?" her mother shrieked. Halos maglabasan na ang mga ugat sa noo nito dala ng sobrang galit. Itinaas nito ang kamay sa akto na sasampalin siya.
Napapikit na lamang siya at hinintay ang masakit na pagdampi ng palad nito sa pisngi niya. Pero hindi dumating ang hinihintay dahil nakita niya si Riven na pigil-pigil ang kamay ng nanay niya.
"Please, stop, ma'am," mariing wika nito.
Pabalang namang binawi ng ina ang kamay dito. "'Wag kang makialam dito!"
"Hindi po pwedeng hindi ako makialam, I can't just let you hurt Payton."
"Payton, get inside the car." Nang hindi siya kumilos ay marahas siya nitong pinasok sa backseat ng sasakyan. "At ikaw, 'wag na 'wag ka nang lalapit sa anak ko. Dahil sa susunod na makita pa kitang umaaligid sa kanya, ipakukulong na kita!" Narinig niyang wika ng ina bago ito pumasok sa backseat. "Drive the car," utos nito sa driver na agad namang tumalima.
Sa pag-andar ng sasakyan ay nilingon niya si Riven. Nakatayo pa rin ito doon at puno ng pag-aalala ang mga mata. Pag-aalala para sa kanya. Kung siya ang masusunod, mas nanaisin pa niya na magpa-iwan doon kasama nito. To be engulfed in his warm embrace. Pero sa halip ay nandito siya, silently waiting to face the wrath of her mother.
Napapikit na lamang siya. At hindi na niya napigilang alalahanin ang pangyayaring naging dahilan kung bakit naging ganito ang buhay niya.