Monique Kinabukasan ay niyaya ako ni Andrei na mag-dinner sa engranding restaurant. Bloom restaurant near at City garden grand hotel. Nagsuot lang ako ng simpleng long dress, peach color, with light makeup. Nang mag-ring ang phone ko ay madalian kong kinuha ang clutch bag na nakapatong sa sofa. Andrei is calling... Alam kong nasa labas na siya ng Feorenza's hotel. Pagkagising niya kaninang umaga ay maaga siyang umuwi para magbihis. I am so excited, it feels like my heart exploding in no time! "Hello," sinagot ko ang tawag niya. Medyo kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na niyaya niya akong kumain sa labas. This must be special--I assumed. "Baby, are you ready?" tanong niya sa kabilang linya. I can hear the excitement through his voice. "Oo, pababa na ako," sagot ko

