Monique Kinabukasan ay maaga kaming gumayak ni John Paul papuntang Quiapo. Andrei texted me that he will fallow after us. Hindi na lang ako nakipag-argue sa kaniya dahil alam kong hindi rin ako mananalo. Pagparking pa lang ng sasakyan namin sa may tabi ng lumang gusali ay namataan ko na ang maraming taong nag-uumpukan na sa tingin ko ay may nangyayaring argumenento base na rin sa kanilang ingay. Mabilis kaming bumaba ni John Paul. Nilingon niya muna ako bago nagsalita. "Sa tingin ko nandito na ang may-ari? Baka pinalalayas na sila," kunot-noo na sabi sa akin. "Let's go and see," sagot ko sa kaniya. Sumuot kami sa maraming tao. Nang makita naman kami ng mga taong nadadaanan namin ay tahimik silang binibigyan kami ng ispasyo para marating ang gitna kung saan may naririnig akong naki

