Chapter 18

1937 Words
Monique Nakakasakal itong kasama ko. Akala mo naman ay malala ang sinapit ko mula sa aksedente kanina. Hindi niya binibitiwan ang kamay ko kahit no'ng nasa loob pa kami ng sasakyan. Palagi siyang nagtatanong kung okay lang ako, may masakit ba sa akin. Pero aaminin kong kinikilig ako sa simpling tanong na iyon. Nagulat ako nang makita siya. Nagulat ako nang magtagpo ulit ang mga landas namin. Ina ako ng kaniyang anak. Naanakan niya ako ng hindi sinasadiya. At hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniyang nagbuga ang nangyari sa amin noon. "Be careful," mahina niya sabi. Pasakay na kami sa elevator pataas kung saan ang room ko. Bago kami pumasok sa Feorenza's hotel ay binilinan niya sina Arthur at Ronald na maiiwan siya rito para bantayan ako. Wala na akong nagawa kun'di hayaan siya. Hindi ko maiwasang magnakaw ng tingin sa kan'ya habang nasa pasilyo kami. May karapatan siyang malaman na nagkaanak kami. He is the father of my son, and soon or later he will find out. Ngayong nagkita na kaming muli ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng takot. Hindi ko pa kayang sabihin sa kan'ya na nagkaanak kami. Paano kung kunin niya ang custody ng bata? He's Andrei Fernandez de Garcia. A man can turn the impossible to possible. Nagawa nga niya akong kidnapin noon, paano pa ang pagkuha sa custody ng anak namin? "Anong passcode mo?" Napaigtad ako nang magtanong siya sa akin. Tiningnan ko siya pero muli siyang nagsalita. "Ako na ang mag-i-enter." Napalunok ako sabay tingin sa kaniya. Hindi ako nagdalawang isip na binigay iyon sa kan'ya. Simple lang naman iyon, ang kaarawan ng anak namin. Nang makapasok kami sa loob ay inalalayan niya akong umupo sa sofa. Hindi ako nakatiis at tiningala siya. "Okay lang ako. Puwede ka ng umuwi at magpahinga na rin. Salamat." Concerned din ako dahil halatang pagod ang kaniyang mukha. Tumitig ako sa mukha niya. May mumunting balbas ang tumutubo sa kaniyang panga. Walang nagbago sa itsura ni Andrei maliban sa nag-matured siya. "I can't leave you like this. Let me stay, I want to take care of you," he said. Umupo siya sa aking tabi. "Mag-order ako ng pagkain para sa iyo dahil alam kong nagugutom kana?" Hindi na niya ako pinasagot pa. Dinukot niya ang phone sa bulsa. Nanahimik na lang ako dahil wala naman akong sasabihin sa kan'ya. Pakiramdam ko ay blanko pa ang isip ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang nandito na siya sa aking tabi. Gabi na pero hindi pa rin siya umuuwi. Hindi pa rin ako iniiwan. Nagtataka ako sa kinikilos ng lalaking ito. Pero siguro naman ay wala siyang balak na kidnapin ako ulit dahil kung mayroon man ay hindi na niya ako hinatid dito sa tinutuluyan. Nang matapos akong maligo ay inayos ko muna ang sarili bago lumabas sa sala. Wearing my pajama and ready to take a nap. Naabutan ko siyang nakaupo pa rin sa sofa at nanonood ng TV. Nilapitan ko siya para sabihing umuwi na dahil balak ko na rin magpahinga. "Andrei?" mahina kong tawag sa kan'ya. Bored niya akong tiningnan. "Yes, baby? Are you going to sleep? Go ahead matulog kana. Babantayan kita." Tumayo siya. Kumunot ang aking noo, ayaw niyang umuwi. "Okay lang ako sabi, uminom na rin ako ng gamot." Paliwanag ko. "Puwede ka ng umuwi. Thank you for worrying." Nagulat ako nang abutin niya ang mga kamay ko at dinala sa kan'yang labi. Isa-isang niyang hinalikan ang mga daliri ko habang nakapikit. It's melt my heart and turn my knees into jelly. This is him. Gusto ko siyang yakapin at haplusin ang mukha niya pero wala akong kakayahan na gawin iyon ngayon. Dumilat siya at deretso akong tinitigan sa mga mata. "Look! Alam mo ba kaninang unconscious ka? Hindi ako makahinga. Para akong mababaliw habang hinihintay ang resulta ng kondisyon mo. I can't forgive myself kung may nangyaring masama sa 'yo." Hindi ko siya sinagot. Bumitaw ako ng titig sa kan'ya at binaling iyon sa mga kamay kong hawak niya hanggang ngayon. "I'm sorry baby. I'm very s-sorry.." Nabasag ang kaniyang boses. Napaangat ako nang tingin sa kan'ya. Nakaramdam ako ng awa nang makita ang reaksyon ng kaniyang mukha. Nag-aalala siya sa akin at nararamdaman ko iyon. "I'm very sorry for what I did to you five years ago. Nagsisisi ako Monique. Nagsisisi ako.." Muling nabasag ang kaniyang boses at nagbaba ng tingin. I gasped. "A-Andrei.." Nasasaktan ako sa nakikita kong itsura niya ngayon. Hinila niya ako at mahigpit na niyakap. "I'm sorry baby for all the bad things I done to you. Just know, I never meant to hurt you. I feel so ashamed that I showed my worst side to the best person that I love. I'm sorry, Monique." Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. I feel him sobbing. Umiiyak Si Andrei? Parang may malamig na mga kamay na humaplos sa dibdib ko. "P-atawarin mo a-ko. Nagkamali ako, Monique. Sarili ko lang ang iniisip ko noon at walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at kinulong ang mukha ko sa dalawa niyang palad. I saw the tears dropping on his cheeks. He is like a five years old boy right now. Ganitong-ganito ang itsura ng anak ko kapag umiiyak. Hindi ko na napigilan at napaiyak na rin ako. "I love you, Monique." Pinagdugtong niya ang mga noo namin. He didn't stop sobbing. Mas napaiyak pa niya ako nang muli na namang humingi ng tawad. Tama ba ang marinig ko? Mahal ako ni Andrei? Mahal din kita kung alam mo lang. "I love you since the day I first saw you. I'm so scared to tell you the truth baka hindi mo ako paniwalaan. I wasn't strong enough to admit it to you that I love you. Mahal kita Monique. Mahal kita noon at mahal kita hanggang ngayon." Inagat niya ang luhaan kong mukha. He smiled. In one blink he claimed my lips. He give me a passionate kiss. Parang tumigil ang mundo ko. Tila nagwawala na ang puso ko sa loob nito. I missed his lips on me. Limang taon ko iyong hindi natikman. When we run out of breathe, binitiwan niya ang labi ko. Tiningnan ko siya at sinalubong ako ng mapupungay niyang mga mata. Ang mga matang matagal ko ng inaasam na matitigan ako ng matagal. "Bakit hindi mo ako hinanap?" mahina kong tanong. Tama, nasaktan ako dahil sa loob ng limang taon ay hindi man lang siya nagparamdam. Nasaktan ako dahil pakiramdam ko ay hindi ako mahalaga sa kaniya. He kissed me again on my lips and hug me tightly. "Wala akong lakas na loob na magpakita sa 'yo. Naduwag ako dahil sa mga kagaguhang nagawa ko sa 'yo noon. You are my heaven and earth Monique. The source of my life. No'ng magkahiwalay tayo noon, parang ayaw ko ng mabuhay o lumaya sa kulungan. Lalo na't galit ka sa akin at ang pamilya mo." He sigh. Then he continued. "Lahat ng mga nagawa kong mali noon ay pinagsisisihan ko. I lost everything dahil sa mga ambisyon ko." He lost everything? Ano bang ibig niyang sabihin? But those words he says already melt my heart. He showered me a shallow kisses on my hair. Hindi ako nagkamali na minahal rin siya dahil mahal na pala niya ako ng matagal nang panahon. Bumitaw ako ng yakap sa kan'ya. Nagulat siya ng iangat ko ang dalawang kamao at pinagsusuntok siya sa dibdib. I just want to realised the pain inside me. At sa paraanng ganito ko mailalabas ang sama ng loob sa kan'ya. He didn't stopped me. Hinayaan niya akong gawin iyon. Hinayaan niya ang mga kamay kong tumatama sa kaniyang dibdib. "I hate you! I hate you!" Patuloy kong binabayo ang malapad niyang dibdib. Nasasaktan ako. Natutuwa ako. Magkahalo halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Nang maramdaman niyang tumigil na sa paggalaw ang mga kamao ko ay dahan-dahan niyang hinawakan 'yon. Binigyan niya ng matunog na halik ang likod ng palad ko. "You can hate me as you want, but I can't stop loving you. I will not lose this chance again. I will win you back Monique mark my words baby!" Napasinghap ako. He's still that territorial and possessive man I met. The man I admired secretly. The man I loved. The father of my son. Kinagat ko ang ibabang labi. Tinanggal ko ang ano mang hiya sa aking sarili. I sealed his face in my warmth hands. I tiptoed and kissed the tip of his nose. Parang nagulat pa siya sa aking ginawa. He stared at me with his amazed face. I smiled at him and claimed his lips! Naiinis lang naman ako sa kan'ya dahil sa hindi niya pagpapakita ng mas maaga. We kissed. Matamis ko siyang hinalikan na parang ayaw ko ng bumitaw. Sunuklian niya ang halik ko ng mas mapusok. Pakiramdam ko ay painit na nang painit ang buong katawan ko. And he's the only man who made me feel this way. Tinanggay kami ng init ng katawan. We almost made love on the sofa. Kung hindi lang niya naalala na may galos pa ako sa gilid ng noo ko ay hindi siya magpapaawat. "I miss you so bad baby. I can't stop myself not to kiss you. I miss you so much!" hingal niyang wika. Napanganga ako nang makita ang sarili na nakalihis na pala ang pang-itaas ko at nakikita na ang boobs ko. Agad ko 'yon hinila pababa at inayos ang bra kong nakalas niya ng ilang minuto lang. I saw him smirked. Tiningnan ko siya at pinadilatan. Mas lalo siyang ngumisi at tumawa pa ng mahina. Namula tuloy ako sa hiya. Dinaig ko pa ang teenager na nahuli ng crush niya. "It's okay. I can wait, Monique." He smiled and kiss me again on my forehead. Parang may nagtulak sa akin na kumustahin ang naging buhay niya sa loob ng limang taon. Binasa ko ang labi at mahinang tumikhim. "How do you doing in past five years?" I asked. He looked at me in a serious way. "I was in a hard time. I was hoping and asking for forgiveness." Nagulat ako sa naging sagot niya. Hindi ko makuha kong anong ibig sabihin ng pahingi niya ng tawad. "Have you been well in the. . .jail?" nanginig ang boses ko. Pakiramdam ko ay bumalik ang lahat ng sakit dito sa dibdib ko nang mabanggit ko ang kulungan. Ano kaba naman, Monique? Anong inaasahan mo sa loob ng kulungan? Masaya ba? Parang gusto kong batukan itong sarili ko. "Alam mo ba na balak kong pumunta ng Antipolo ngayon para hanapin ka?" Pag-iiba niya sa usapan. Napanganga ako at nagulat. Ano kamo? Balak niya akong puntahan sa amin? Hindi pa ba siya sabon sa mga kamao ni Papa? "A-ano?" "Yes, I'm planning to go there with Arthur and Ronald, kung hindi nangyari ang aksedente kanina." Tumitig pa siya sa akin. "But it's okay. Nakita rin kita, and you cannot get away from me anymore. You are mine." He kissed me. "Mine." And kissed me again. "Mine forever." He kissed me again and this time mas tumagal. Parang nangapal ulit ang mga labi ko sa sobrang diin ng halik niya. "I entitled you to be mine, Monique. Mine only!" mayabang niyang salita. Napangiti ako. I kissed him back. We did not stop kissing not until we run out of breath. "Okay, forgiven," I smiled before I hug him tightly. He chuckled. Naramdaman kong ngumiti siya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nabunutan ka ng tinik sa dibdib. ~~Ang mga pagkakataon ay hindi dapat pinapalampas~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD