Chapter 17

1918 Words
Monique Dalawang araw na akong abala simula nang makarating ako dito sa Maynila. May importanting kleyente ako ngayon tungkol sa lupa at nag-attend din ako ng trials. Dito ako pinatuloy ni Paul sa Feorenza's hotel. Yayayain sana niya ako sa bahay nila ni Dolce pero agad na akong tumanggi. Knowing that Andrei is back, baka makita ako ni Dolce ay hindi makapagpigil na tawagan ang kapatid niya. Katatapos ko lang tumawag sa Hacienda, naiiyak pa ako nang makita ang anak ko. Nahirapan rin akong makatulog noong unang gabi ko dito. Lumabas ako sa veranda. Humawak ako sa railings at pinikit ang mga mata. Nakakalungkot mag-isa. Hindi na ako makapaghintay ng linggo at gusto ko ng umuwi. * Kalalabas ko lang sa Presidential office ni James Kurt Feorenza dahil mayroon kaming pinag-usapan tungkol sa negosyo. Nakasuot lang ako ng full black suit na pinarisan ko ng red heels. Simple lang ito at usual na ginagamit ko noon. Bitbit ko ang hand bag habang nasa pasilyo na ako palabas ng Fraggo Corporation. Itong Fraggo Corporation ay minanang kompaniya ng asawa ni James. Ngayon ko pa naalala ang pag-invite sa akin ni Araya sa bahay nila dahil ninang rin ako ng three years old niyang anak na babae. I will never forget that, bago ako uuwi sa linggo ay dadalawin ko sila. Tumayo ako sa gilid at hinintay na mag-green light ang pedestrian line. Pero parang may napapansin akong itim na sasakyan na minamataan ako kanina pa. Nasa kabilang side lang nakaparada. Hindi ko 'yon pinansin at nagkunwaring hindi nakita. Binaba ko ang mga mata sa heels ko at kunwaring sinipat iyon kung may sira. Pero itong dibdib ko ay nakakaramdam ng kaba. Isang tawid lang naman ay mararating ko na ang Feorenza's hotel. Nang mag-green light ang pedestrian ay mabilis kong hinakhang ang mga paa. Walang lingon at deretso lang ang tingin. Ni hindi ko nagawang batiin ang security ng hotel. Agad akong sumakay sa elevator at mabilis na hinanap ang unit ko. Pagkapasok ko sa loob ay ni-lock ko ang pinto at malalim na huminga. May nakasunod sa akin? Nakaramdam ako ng kaba kanina. Sinusundan ako ng sasakyan na iyon dahil kaninang umaga ko pa iyon napapansin. Sino kaya iyon? Kidnappers! Humawak ako sa tapat ng dibdib sabay pikit. Nagbuga ako ng malakas na buntonghininga dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hangin sa sobrang kabang nararamdaman. Gusto kong tawagan si Paul pero ayaw ko namang mag-alala siya sa akin, kaya pinili ko na lang na pakalmahin ang sarili. * "Thank you so much, Atty. Alessandro. " Nilahad niya sa akin ang palad. Jayson my client, he's buying a properties. I'm handling the contract and negotiating to the other side party. "May pleasure." Inabot ko ang kamay niya at nginitian. Nag-usap pa kami tungkol sa binibili niyang properties bago ako nagpaalam na mauuna ng umuwi. Dumaan muna ako sa maliit na grocery store para mamili ng pagkain ko. Hindi naman marami ang pinamili ko dahil pauwi na rin ako ngayong linggo. Bitbit ko ang dalawang puting plastic bag na lumabas ng grocery store. Walang pedestrian sa tatawiran ko ngayon dahil nasa likod lang ito ng Feorenza's hotel. Hinihintay ko lang ang matinding traffic bago kumaripas ng tawid. Gustong-gusto ko ng makapasok sa loob ng kwarto ko dahil naiingayan ako masyado sa iba't-ibang tunog ng sasakyan. Nang nasa gitna na ako ng kalsada ay hindi ko napansin ang isang sasakyan. Huli na para umatras ako. Parang napako ang mga paa ko sa kalsada sabay panlalaki ng aking mga mata. Hindi ako makagalaw. Natakot ako at biglang nanghina. Narinig ko ang malakas na pagpreno ng sasakyan na akala mo ba'y tumalsik ang mga gulong sa lakas ng paghinto. Tumilapon ako sa gilid ng kalsada. Maraming Tao ang dumalo sa akin pero nanghihina na ako. I heard someone calling my name three times. I will never forget that thunder voice, never in my life time, then, I passed out. Andrei’s POV Parang sinisindihan ng apoy ang aking pang-upo. Hindi ako mapalagay at palakad-lakad ako sa labas ng emergency room. Gusto kong sigawan ang doktor at magwala dito sa labas. Hindi ako binigyan ng pahintulot na makapasok sa loob kung saan nila sunusuri ang condition ni Monique. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya. I can't! I can't forgive myself. "f**k! f**k!"I cursed many times. Tahimik na nakatingin sa akin sina Ronald at Arthur. Sa tuwing napapatingin naman ako sa kanila ay tahimik lang rin silang nakatingin sa akin. This is kinda hard! Ang tagal ng doktor. Parang gusto kong sirain ang pintuan para makapasok sa loob. Hindi na rin ako makasilip sa maliit na bintana dahil nakatakip rin ito. "What is going on? Bakit ang tagal nila sa loob, dammit!" Napalingon ako ng maglakas loob si Arthur na tawagin ako. "Boss, relax ka lang. Maupo ka muna," mahina nitong sabi. I closed my eyes, hinilot ko ang sentido ko. "How can I calm down, Arthur? Monique is inside that room." Sabay turo ko sa loob ng emergency room. "I have no idea about her condition. f**k! I'm frustrated!" Nahihirapan kong dugtong. Gusto kong sapakin si Ronald dahil siya ang nagmamaneho kanina. Gusto kong ilabas sa kan'ya ang galit ko pero hindi naman niya kasalanan iyon. It's not his fault. It just an accident. Nagbiniruan kami sa loob ng sasakyan kaya hindi niya napansin na may patawid pa lang tao. At bakit si Monique pa? Napasabunot ako sa buhok ko habang patuloy ang paglakad-lakad sa labas ng pintuan. Napahinto lang ako nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ko na hinintay na magsalita ang Doktor. Agad ko na itong binato ng maraming tanong. "How's my girlfriend Dok? Is she fine? Is she awake? I want to see her?" Napatitig sa akin ang doktor at ang dalawang nurses na nasa likod niya. Naramdaman ko rin sina Arthur at Ronald na lumapit sa akin. "What? Tell me?" Nawalan ako ng pasensya at hinawakan ang balikat ng Doktor. Dumiin ang kamay ko nang hindi siya nagsalita kaagad. Narinig kong napasinghap ang isang babaeng nurse sa likod niya. Maybe because of my boldness. Nagpahinga ng malalim ang Doktor. Hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal sa kaniyang balikat. "Calm down, Sir. Wala pong nangyaring masama sa girlfriend mo. Tsinek ko ang ulo niya pero wala namang sugat. May galos lang na kaunti sa noo, braso at paa. But to be sure and you can rest assured ay ipapa-ultrasound natin siya." Kalmadong paliwanag niya sa akin. Napasapo ako ng mukha. "Oh, gosh! thank you Dok. Can I see her now?" hinging pahintulot ko sa kan'ya. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa ginawa ko sa kaniya kani-kanina lang. Tumikhim ako. "Patawad po sa ginawa ko kani-kanina lang." Ngumiti siya sa akin at tinapik ako sa balikat. "No problem. As usual na nangyayari dito sa hospital. Hindi ito bago sa akin Sir. Sige na pumasok kana sa loob." May mga pinaliwag siya sa akin bago sila tuluyang na umalis kasama ang mga nurses. Nilipat namin si Monique sa private room dahil hindi pa siya nagigising. Sumailalim din siya sa mga test pero wala naman siyang bali o sugat sa loob. Baka dala lang ng takot kaya siya na unconscious. Hindi na rin pumasok sa loob sina Arthur at Ronald. Kaya naman malaya kong napagmasadan ngayon ang mahal ko habang natutulog. Mag-iisang oras ko ng hawak ang kamay niya at paulit-ulit na dinadampihan ng halik. She look pale while lying on the bed. "Baby, please gumising kana?" I whispered to her. Tumaas ang kamay ko sa mukha niya at masuyong hinaplos iyon. Down to her nose and end it on her lips. Ang lambot ng labi niya. f**k my d**k! Tila nabuhay ang alaga ko sa matagal ng pagkakatulog nang mahaplos ang balat niya. I cursed. Binalik ko ang pagkakahawak sa kamay niya at dinampian ulit ng matunog na halik. "Baby, if you don't wake up in five minutes magwawala ako dito." Banta ko na akala mo naman ay naririnig niya ako. Ilang sandali pa ay bigla niyang ginalaw ang kamay na hawak ko. Gulat akong napatingin sa kan'ya. "Monique!" Oh, my baby is wake. Pero nang tingnan niya ako ay para bang nakakita ng multo. Deretso siyang nakatingin sa akin. Kunot ang noo at salubong ang mga kilay. Hindi siya nagsasalita pero nakatitig lang sa akin. Lumunok ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang kamay. "Okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo? Nagugutom ka? Nauuhaw?" Natataranta ako nang hindi ko maintindihan. Hindi siya sumagot at nakatingin pa rin sa akin hanggang ngayon. "Wait baby. Tatawagin ko ang Doctor. " Tumayo ako at dinampian siya ng halik sa noo bago ako lumabas. Sabay na napatayo sina Arthur at Ronald mula sa kinauupuan. Tumingin sa akin at magkasabay silang lumapit. "Boss!" "Gising na si Monique. Tawagin ninyo ang doctor!" utos ko sa kanila. Masayang masaya ako. Masaya ako dahil walang mangyaring masama sa kan'ya. Kasabay ko ng pumasok sa loob ang doctor at ang nurse. Sumunod rin sina Arthur at Ronald. Tumabi ako kay Monique at ginanap ulit ang palad niya habang nagpapaliwag sa kan'ya ang doctor tungkol sa kondisyon niya. Hindi siya nagsalita at nakikinig na lang hanggang sa makaalis ang Doctor. Nanaig ang katahimikan sandali nang maiwan kaming apat sa loob ng kuwarto. "Kumusta po, Ma'am Monique? Long time no see." Nahihiya pa si Arthur habang nagsasalita. Monique looked at him. Pinilit niyang ngumiti kay Arthur bago niya ako tiningala. "Bakit kayo nandito?" Pinaglipat-lipat niya kami ng tingin. "Last kong naalala ay nabangga ako ng sasakayan." Dugtong niya na hindi bumibitaw ng tingin sa akin. I nodded and caressed her wavy hair. Lumapit sa paanan ng kama si Ronald. Monique looked at him. "Ma'am, pansensya na po kayo. Ako po ang nakabangga sa in'yo. Hindi ko sinasadya. Huli na nang mahagilap kita nang tingin." Na-set ko na rin ang dalawang Pulisya kanina. Nang mag-investigate sila kanina ay agad kong pinaliwanag na kilala ko ang biktima. At sinabing ako na ang bahalang kausapin kapag ang biktima kapag ito ay nagising. "Patawarin ninyo po ako, Ma'am." ulit ni Ronald. Nag-angat siya nang tingin kay Ronald. "It's okay. Hindi mo naman sinasadya at okay lang naman ako." Inagaw ko ang atensiyon niya. "Gutom kana ba? What do you want to eat? Magpapabili ako?" malambing kong tanong sa kan'ya. "I want to go home," matamlay niyang sagot. Hindi man lang siya nag-abala na tingnan ako. Nalaglag ang mga balikat ko sa malamig niyang pagsagot sa akin. "Okay, ihahatid na kita. Saan kaba tumutuloy?" Pinilit kong maging kalmado. Ang makitang walang nangyaring masama sa kan'ya ay sapat na 'yon para sa akin. Dahil kong nagkataon na may nangyaring masama sa kan'ya ay baka pinapatay ko na ang sarili ko ngayon. "Sa Feorenza hotel," sagot niya. Hinila ang kamay sa akin kaya nabitawan ko 'yon. Para siyang napapaso na lumayo sa akin. Lumunok ako. Okay lang ito, Andrei. Okay lang ito. "Let's go." Tinulungan ko siyang tumayo at inalalayang maglakad. Kahit ramdam ko ang kalamigan niya sa akin ay hindi ko pa rin siya hinayaan na maglakad mag-isa. Nakasunod naman sa amin sina Ronald at Arthur. Sila na rin ang kusang nagdala ng mga gamit ni Monique. Lahat ng neresitang gamot ng doctor kanina ay pinabili ko kay Arthur. Hinapit ko siya sa baywang nang makalabas na kami. Tumigil siya sa paglalakad at tinanggal ang kamay ko sa baywang niya. "I'm okay, Mr. Fernandez de Garcia." Kumirot iyong puso ko nang marinig ang apilyedo kong tinawag niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD