Monique
Five years later
"Aldrin! baby be careful." Habol ko sa apat na taong gulang kong anak. Tumatakbo siya pababa ng hagdan mula nang masilip niya sa may veranda ang sasakyan ni Paul. Hindi ko na siya napigilan nang lumabas sa kwarto mamin at nagsisigaw sa excitement. He loves his Ninong so much.
Palagi kaming dinadalaw ni Paul dito sa Hacienda. Kahit magkasama sila ni Dolce ay tinupad niya ang pangako sa akin na walang sasabihing impormasyon sa asawa niya. Ayaw ko na rin makarating kay Andrei na nagkaanak kami. He's late for many years. Hindi na rin niya ako hinanap. Balita ko nga ay in-enjoyed niya ang sarili sa pagta-travel sa iba't ibang bansa.
Tumigil ako sa pagtatrabaho. Gusto kong mag-fucos na lang muna sa pag-aalalaga sa anak ko. Saka na ako magtatrabaho kapag pumasok na siya ng grade one. Gusto ko muna siyang bantayan pero kailangan na ako ni Paul sa kompaniya. Gusto niya akong bumalik na maging personal law nila kaya hindi ko na 'yon matanggihan. Hindi naman raw ako full time sa trabaho. Naiintindihan pa rin niya na may anak akong naghihintay sa akin kaya naman tinaggap ko ang alok niya.
Hindi madali ang pagpapalaki ko sa anak ko. Pero sa tulong ng aking pamilya ay nakaya ko ang maging single-mom.
Naging madali rin sa akin ang hindi niya pagtatanong tungkol sa tatay niya. Pero kong sakali man na itanong niya iyon sa akin ay hindi ako magdadalawang isip na sabihin ang totoo.
"Ninong! Ninong!" Tumakbo na ito kay Paul at sinugod ng yakap. Napapailing na lang ang Papa ko habang nakaupo sa sofa at pinagmamasdan ang apo.
"I miss you, baby boy." Ganting yakap ni Paul. Lumuhod pa ito sa kan'ya para mapantayan.
"I miss you po, Ninong."
"Good boy kaba lately, hah?" tanong niya sabay hipo sa ulo ni Aldrin.
"Opo. Hindi na po ako makulit."
Napangiti ako sa sinabi ng anak ko. Bilin kasi ni Paul ay huwag siyang pasaway at laging makinig sa akin.
"Dahil good boy ka, marami akong pasalubong sa iyo."
Siya namang pasok ni Mang Jose na may mga bitbit na laruan. Masyado na yata niyang in-spoiled itong anak ko.
"Yehey!" itinaas ni Aldrin ang kamay at nagtatalon sa tuwa.
"Ito na ang mga laruan mo." Masayang inabot ni Paul sa anak ko ang mga pasalubong niya.
"Thank you po, ninong. I love you po." Paul caress his rosy cheeks.
Nagpasalamat rin si Aldrin kay Mang Jose. Parang nakalimutan na ako ng anak ko sa sobrang tuwa dahil may mga bago na naman siyang laruan. Halos puno na nga ang playroom niya sa rami ng natatanggap niya mula sa pamilya ko at kaibigan.
Umupo ako sa tabi ni Papa. Niyaya ko na rin maupo si Paul sa sofa kong saan paharap sa amin ng Papa ko. Dinalhan kami ni Manang Ester ng maiinom.
"Kumusta po, Tito?" Panimula ni Paul.
Nabalita ko kasi sa kan'ya na minsan nang inataki ng rayuma si Papa. Bumuntonghininga ang Papa ko. Sumulyap rin ako kay Aldrin na nakaupo na ito sa carpeted floor habang nilalaro ng mga cars niya.
"Okay, naman ako Hijo. Kayang-kaya ko pang sumipa," mayabang niyang sagot.
Nagkatinginan kami ni Paul at sabay na tumawa. Napangiwi si Papa.
"No'ng nakaraan nga Papa ay halos 'di kana makalakad eh," nakangiti kong sabi sa kaniya.
Suminsim si Paul sa juice niya habang nangingiti.
"Anak, tumatanda na ako," sagot niya sa amin.
"Kulang ka lang siguro sa exercise, Tito. Baka gusto ninyo po mag-enrolled ng boxing." Biro sa kan'ya ni Paul.
"Aba! Gusto ko iyan, Hijo. Saan ba puwede?"
Tumawa ako ulit. "Tumawag ka na lang ng Trainor mo papa kung gusto mo ang boxing."
Muli siyang nagbiro kaya natawa kami ulit.
Tuloy ang biruan nila ni Paul nang maalala ko ang sadya niya. May importante raw siyang sasabihin kaya siya pumunta ngayon. I cleared my throat, para maagaw ang attention nila.
"Ah ano nga pala ang importanteng sasabihin mo sa akin?" tanong ko.
Sumeryoso ang mukha niya. Napatingin rin si Papa kay Paul.
Muling tumingin si Paul kay Papa. Na para bang alanganin kung sasabihin niya ang nais.
Kumunot ang noo ko.
"Hey, ano ba kasi iyon? sabihin mo na. Parang hindi kapa kumportable na nandito si Papa." Nakangiti kong biro.
Tiningnan niya ako ng deretso. Kinabahan ako kahit hindi pa niya nasasabi ang gustong sabihin.
"He is back, Monique,” he whispered.
Huminto sa pagsasalita at tiningnan si Aldrin na hanggang ngayon ay naglalaro. Muli siyang tumingin sa akin.
“Andrei is back Monique."
Nalaglag ang mga balikat ko pagkarinig pa lang ng kaniyang pangalan.
Hindi ko siya makalimutan lalo na kapag nakikita ko ang anak kong kamukhang-kamukha niya. Galit ako dahil ni minsan ay hindi niya sinubukan na hanapin ako. Galit dahil hindi siya nagpakita sa loob ng limang taon. Pero itong trydor kong puso ay nakaramdam ng tuwa nang marinig ang kaniyang pangalan. Bullshit Monique! Dapat ay kalimutan mo na siya.
"For good na ba iyan?"
Doon pa ako nakabawi nang magsalita si Papa. Napaangat ako ng tingin sa kanila.
"Yes, for good na po Tito. Ito ang balita sa akin ng asawa ko. Anyway sinundo nga namin sa airport kahapon. He changed a lot." He commented.
Muling banalingan ng tingin si Aldrin.
Hindi tuloy ako makapagsalita. Bigla akong nawalan nang sasabihin. Parang gusto kong umakyat na lang sa kuwarto at umiyak nang umiyak. Maraming beses ko nang pinagdarasal na sana dumating siya at hanapin ako. Pero palagi akong bigo. I feel sorry for myself. Aaminin kong mahal ko siya, napatunayan ko iyon no'ng magkahiwalay na kami.
Ngumisi si Papa at sumandal sa sofa na para bang isang hari.
"Huwag lang siya magkamali na pumunta dito kundi dadaan muna ang mga kamao ko sa mukha niya bago niya makilala ang aking apo."
Sinulyapan niya si Aldrin. Mabuti na lang ay nalilibang pa sa paglalaro ang anak ko.
"Papa," mahina kong sabi
Sinaway ko siya dahil baka marinig ng anak ko. Aldrin is a smart boy. Hindi nakakalimutan ang mga naririnig na usapan kaya kapag ganitong mga private conversation ay hindi ko hinahayaan na may marinig siya.
"Oh, bakit? Limang taon na ang lumipas anak. Apat na taon na ang anak ninyo pero hindi ka pa rin niya sinubukang hanapin. Nakakahiya ang lalaking iyon. Walang kwenta. Kaya huwag mo akong sisihin kung nararamdaman ito sa kaniya. Basta galit ako sa lalaking iyon."
Naiintindihan ko si papa. Pati siya noon ay umaasa na dumating si Andrei at alam na rin niyang mahal ko ang lalaking iyon. Hindi ako nakapagsalita. Dad is right. Five f*****g years pero wala man lang siyang ginawa.
"The decision is yours, Monique. Ang mahalaga naibalita ko na sa 'yo."
"Salamat, Paul."
Inirapan ako ni Papa na para bang hindi sang-ayon sa pasasalamat ko.
Dito nagtanghalian si John Paul bago umuwi. Hinabol pa siya ni Aldrin at sinabihan na bumalik ulit. He nodded and promise to my son. Napag-usapan na rin namin ang pagbabalik ko sa trabaho.
***
"Baby. Maging big boy kana hah? Limang araw lang na mawawala si Mommy. I need to work po in Manila, tapos uuwi din ako kaagad. Okay." Paliwanag ko sa anak ko. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng manggaling dito si Paul.
"Why you can't bring me po, Mommy?" malungkot na tanong sa akin ng anak ko. I bit my lower lip. Nalulungkot din ako dahil ito ang unang beses na maiiwan ko siya.
"Next time po isasama kana ni Mommy, at walang kasama ang lolo mo po dito." Sabay tingin ko kay Papa.
"Isama mo po kami ni Lolo ngayon mommy." Maktot niya. Ngumuso pa siya sa akin.
Tumawa si Papa. "Apo, hindi tayo puwedeng sumama doon kasi may importanting trabho si Mommy mo. Pero babalik din siya sa linggo." Paliwanag ni Papa.
Napakamot siya ng ulo. Pinagsalubong ang mga kilay niya which remind me to his father. Oh Aldrin, bakit mo siya kamukha?
"Sige po, Mommy. Pero tawagan mo po ako palagi." Ngumiti na ito sa akin kaya napanatag ang loob ko.
"Promise po, baby. I love you so much po." I hug him tightly and kiss his rosy cheeks many times. He hug me back and kiss me on my cheeks up to my forehead.
"I love you too, Mommy."
Niyakap ko siya ulit nang mahigpit. Oh, I miss my son already. It will gonna be hard for me to sleep at night without him.
I hug my dad too. Marami din akong bilin kay Manang Ester. Mabuti na lang at walang pasok si Tia kaya hindi masyadong malulungkot si Andrin. Simula nang manganak ako ay nagdagdag kami ng isa pang kasambahay. Si Ate Gina, kamag-anak rin ni Mang Jose.
Ang kuya Marco ko naman ay buwan-buwang dumadalaw sa amin kasama ang pamilya. Pero dahil malayo si kuya Franco ay minsan lang ito makadalaw sa amin.
"Take care po, Mommy!"
Kinawayan ko ang anak ko habang papalayo ang sasakyan ko sa mansyon.