Monique
Months later...
I have realize that the best step to take when you are trying to move forward in life is to accept that sometimes we have to let go of the life we expected. Para magkaroon at magsimula kung anong buhay ang binigay sa atin ng Diyos.
Hawak-hawak ko ang maumbok kong tiyan habang nakadungaw sa may veranda ng aking kwarto. Katatapos ko lang kausapin si Dra. Amelia. May mga kaunting advice pa siya sa akin dahil kabuwan ko na ngayon. I'm so excited for my baby boy. Halos hindi ako makapaghintay na makita siya. Saan kaya siya nagmana? I giggled while caressing my swollen tummy.
Seven months ago ay inurong ko ang kaso laban sa ama ng anak ko. Pero wala na akong impormasyon sa kan'ya simula noon. Hindi ko alam kung tuluyan na siyang lumaya at nagsimula ulit nang bagong buhay. Ngunit parang tinutusok ng karayom itong puso ko dahil lumaya na siya mula sa kulungan pero hindi man lang niya ako hinanap. Suddenly, tears skip from my eyes.
Bakit gano'n? Akala ko ba ako lang kailangan niya sa buhay niya? Kung babasihan ko ang mga matatamis niyang salita noon ay parang gano'n nga ang ibig sabihin. He can't live without me. Pero sa tingin ko ay mamumuti na lang ang mga mata ko sa kakahintay sa kan'ya. Buwan na ang nakalipas, manganganak na ako pero hindi pa rin siya nagpapakita sa akin.
Muli kong hinipo ang tiyan.
Mahal na mahal kita anak. Aalagaan kita at mamahalin hanggang nabubuhay ako.
Simula nang malaman ko ang gender niya ay mas lalo akong na excited. He is a boy and, I named him Aldrin Drie Alessandro. Hinango ko rin sa pangalan ni Andrei.
Hindi lang ako ang excited sa paglabas niya kun'di pati Sina Papa at Kuya. Masaya ako dahil tanggap nila ang nangyari sa akin. Masaya ako dahil hindi nila ako iniwan. Lagi silang nandiyan para sa akin at sa magiging anak ko.
"Papa! Ano naman po 'yan?" gulat kong tanong sa Papa ko.
Naabutan ko siyang inaayos ang mga binili niyang gamit sa apo niya kasama sina Manang Ester at Tia.
Six months pa lang ang pinagbubuntis ko ay halos kinumpleto na ang kagamitan ng magiging apo niya.
"Anak, para ito lahat sa apo ko. Kulang pa nga ito. Bibili pa ako ng besikleta niya at motorbike." Hindi ako pinansin at pinagpatuloy ang pag-aayos sa mga damit, laruan at diapers.
"Alam mo na ang Papa mo Hija. Kung makapamili itong si Ibarra eh panic buying, akala mo naman mauubusan," pailing-iling pang hirit ni Manang sa usapan.
"Naku, Ester! Hintayin mo lang na magkaapo at baka mas malala pa kayo sa akin ni Jose!" singhal niya kay Manang.
Paglingon ko kay Tia ay namumula na ang mukha niya. She's cute when she's blushing. Natawa ako.
"Excited lang si Tito, ate Monique " nahihiya rin na sabi ni Tia.
Binalingan siya ni Papa.
"Kaya ikaw, Tatiana Sofia hah? Magtapos ka muna ng pag-aaral bago mag-asawa." Paalala niya kay Tia.
Sabay kaming tumawa ni Manang pero si Tia ay parang nasunog na ang mukha sa pamumula nito.
"Tito naman e," sabay hawak pa sa magkabilang pisngi.
PAGSAPIT nang hapunan ay sabay-sabay na kaming kumain. Hindi na rin iba sa amin ang pamilya ni Manang Ester. Sa katunayan ay para na silang magkapatid ng Papa ko.
"Alam mo Jose, hindi na ako makapaghintay na may batang tumatakbo dito sa mansyon," masayang sabi ni Papa kay Mang Jose.
"Ako din naman Ibarra. Sigurado akong magiging makulay na ang bahay araw-araw."
"Oo naman, tapos tatawagin niya tayong Lolo. Naku sobrang saya ko,"
Habang nagkukuwentuhan sila ay nagsimula ng magligpit si Manang Ester. Kami naman ni Tia ay kumakain pa ng ice cream. Craving ko 'yon hanggang ngayon kaya naman sinasabayan ako ni Tia.
Nang tumayo ako para ligpitin ang bowl na ginamit ko ay bigla akong namilipit sa sakit. Manganganak na yata ako? Napangiwi ako at napansin iyon ni Manang.
"Hija okay ka lang ba?" lumapit ito sa akin.
Naramdaman ko na hinawakan ako ni Tia sa braso. Napahawak ako sa humihilab kong tiyan.
"Manganganak na yata ako. Manang."
Lumapit rin sina Papa at Mang Jose.
"Ibarra, kailangan na natin siyang dalhin sa hospital bago pa pumutok ang panubigan niya." Nag-panic na si Manang
"Hold on, anak! Dadalhin na kita sa hospital. Jose, ihanda mo ang sasakyan."
Hinawakan nila ako at inalalayan pababa. Nakakapaglakad pa naman ako pero masakit na ang tiyan ko.
Nang marating namin ang sasakyan ay dahan-dahan nila akong pinaupo sa likod. Inalalayan naman ako nina Manang at Papa. Si Mang Jose ang nagmamaneho.
Bago niya pinaandar ang sasakyan ay nag bilin siya kay Tia na ayusin ang mga gamit na kailangam at ihatid sa hospital. Habang nasa biyahe din kami ay tinawagan ng Papa ko ang mga kuya ko pati na rin sina Paul at Amelia.
Pagkaparada pa lang ng sasakyan sa labas ng hospital ay nahagilap na ng mga mata ko si Amelia. May mga kasamang nurses at isa pang doctor. Mabilis pa sa alas kwatro ang kilos nila. Nakahanda na ang lahat.
Normal delivery ito ang sabi ng doctor ko sa akin. Kaya habang pawisan ako para lang makaraos sa panganganak ay hindi ko maiwasang isipin si Andrei. Maraming beses kong binulong ang kaniyang pangalan at umaasang
sana nasa tabi ko siya ngayon, hawak ang mga kamay ko habang umi-ere.
Andrei’s POV
"Run Monique! run!" pasigaw kong sabi kay Monique habang hawak ko ang may tama kong braso.
Kasalukuyan kaming nasa Granada Spain, sa aking mansyon nang isang gabing pasukin kami ng mga hindi kilalang armado. I doubted na baka mga tauhan lang ito ng mga kaaway ko sa negosyo.
Lumingon siya sa akin habang ang mga mata ay luhaan. "I c-can't leave you...A-andrei. May tama ka sa balikat." Umiling siya habang umiiyak.
I can see the pain through her teary eyes.
"You have to go, leave now!" pasigaw kong sabi, "please, leave." ulit ko sabay kalabit ng gatiliyo ng baril at pinutok ko 'yon sa bandang kanan kung saan ang mga armadong sumusunod sa amin.
Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Gusto ko man siyang manatili sa tabi ko pero hindi sa ganitong pagkakataon. We are ambushed. I need to let her go...to save her!
"Mangako ka sa akin na hindi ka masasaktan?" walang tigil ang pag-iyak niya.
It's break my heart. I nodded and smiled.
"I promise. So, please go.."
She smiled and kissed me. Agad siyang tumakbo palabas. Pinapanood ko siya habang patakbong lumalabas.
Napalipat lang ako ng puwesto nang may tumama na bala sa gilid ng pinagtataguan ko. f**k! I need to survive, to save my love. Balak ko ng iputok ang baril pabalik nang makarinig ako ng isa pang putok sa labas.
Napalingon ako sa gawi ni Monique.
My eyes shut! hawak niya ang dibdib na may tama ng bala habang nakatingin sa akin. Nahihirapan siyang nakatingin sa akin habang dahan-dahan na napapaupo.
Para akong inipit ng langit at lupa nang makita ang pinakamamahal kong babae na duguan sa aking harapan.
"Monique!" I screamed.
Wala akong kakayahan para protektahan siya. Hindi ko siya naipaglaban sa mga armadong sumulong sa amin.
"No!" umaagos ang mga luha kong nilalapitan ang mahal kong nakahandusay sa sahig.
Malapit ko na siyang marating nang tamaan ako ng bala sa binti. Napadapa ako sa sementong sahig at pilit na inaabot ang kaniyang kamay. Isa lang ang nasa isip ko ngayon.
We will die together.
Nang magtagumpay akong maabot ang kaliwang kamay niya ay bigla akong nawalan ng malay.
"NO!" hingal na hingal akong napabangon sa takot sabay hawak sa aking dibdib.
I woke up panting and gasping for an air. It was just a dream. Napahilamos ako ulit ng mukha at tuluyan ng nagising. Kasalukuyan pa akong nasa loob ng kulungan. walong buwan na ako rito sa loob. Nang makita ko si Monique na duguan sa sahig habang pilit kong inaabot ang kaniyang mga kamay ay napaiyak ako. Mabuti na lang at panaginip lang ang lahat.
Hindi ko pa nasasabi sa kan'ya kung gaano ko siya kamahal. I was about to confess that time noong magkasama pa kami pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Hindi pa siguro tamang panahon para sa amin.
"f**k!" I cursed.
Hanggang ngayon ay binabangungot pa rin ako ng pangyayari noon. Hindi ko makalimutan ang mukha niyang luhaan. Sinusundan niya ako ng tingin habang hinihila ako ng mga Pulis palabas sa mansyon.
I miss her so much!
Noong isang buwan ako rito sa kulungan ay naka recieve ako ng summon galing sa kanila na inurong na nila ang demanda laban sa akin. Labis akong natuwa. Susundan ko siya sa pilipinas para humingi ng tawad at sabihin kung gaano ko siya kamahal.
But that b***h Alana was a big threat for me. Nakipag negotiations siya sa mga kalaban ko sa negosyo para e blackmail ako tungkol sa pinapatayo kong condominium sa London. Nalugi ang project ko dahil maraming stockholders ang nag-back out. Sinampahan ako ng kaso kaya nandito pa rin ako para pagbayaran iyon.
Nang malaman ni Dolce na nakulong ako, nadurog ang puso ko. Dinalaw nila ako ni uncle Roan, but all I can do is to comfort her. Sinabi ko na lang sa kanila na dapat kong pagbayaran ang pagkidnap ko kay Monique. Pinagtapat ko sa kanila ang lahat. It was all my intention, na hindi ko totoong girlfriend si Monique. Kinidnap ko siya upang harangang ang plano nilang sampahan ako ng kaso laban sa pandadaya ko sa negosyo.
Hindi naging madali ang buhay ko sa kulungan. Pero kahit papaano ay nakatulong naman ako sa mga kapwa kong nakakulong.
Nakapagpatayo ako sa loob ng foundation charity.
Unti-unti kong naintindihan ang buhay. Na hindi nasusukat ang lahat sa yaman at kapangyarihan. Kundi kung sino ka at paano ka makibagay sa kapwa mo tao.
I'm on the hunt for who i've not become. . .to change is the only constant in life and courage is the power to let go all of the past. Because the last chapter of your life is not been written yet. You hold the pen Andrei and write the story you want to read in the end.