Monique
One month later; Philippines.
"Ma'am Monique! Ma'am Monique!" mahihinang boses na tawag sa akin ni Tia, ang dalagitang anak ni Manang Ester. I passed out habang naghahain ako para sa hapunan namin. May kaunting salo-salo kami sa Hacienda Alessandro dahil kaarawan ng Papa ko. Umuwi na rin dito ang dalawang Kuya ko kasama ang bawat pamilya. Christmas eve, New year, at birthday party lang namin nakakasama ang mga Kuya ko dahil may kan'ya-kan'ya na rin itong pamilya.
Kaya noong kunin akong personal law ng mga Feorenza ay sila manang Ester lang at mang Jose ang kasakasama ni Papa dito sa mansyon namin.
Si kuya Marco ang panganay. Sa Tagaytay na ito nakatira dahil doon ang resort niya. Si kuya Franco naman ang pangalawa, kaya lang malayo na ito dahil sa Mindanao na nakatira, siya na kasi ang namamahala ng resort namin doon. Pero kapag ganitong kaarawan ni Papa ay hindi sila nawawala. He gives time to celebrate my dad's birthday here at Hacienda Alessandro, Antipolo.
"Anong nangyari?" hingal na hingal pa si Manang Ester nang pumasok sa kusina. Paano ba naman kung halos si Tia na ang himatayin.
"Hinimatay po si Ma'am Monique. Nay." Paliwanag niya.
Dinaluhan nila akong mag-ina at pinaupo. Inabutan naman ako ng tubig ni Manang Ester.
"Salamat po, Manang." I smiled at her.
"Okay ka lang ba, Hija?" Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
"Okay lang po ako. Siguro po ay dahil lang sa puyat 'to," sagot ko.
"Hay naku! Ninirbiyos ako sa sigaw ni Tia," binatukan pa ng magaan ang anak.
Napakamot naman ito ng ulo. "Eh, kasi naman, Nay! Natakot talaga ako ng biglang natumaba si Ma'am eh!"
Napangiti ako kay Tia nang irapan siya ni Manang Ester.
"Huwag mo akong tawagin Ma'am. Tawagin mo akong Ate dahil hindi naman kayo iba sa amin." nakangiti kong sabi sa dalagita.
Nag-aaral pa si Tia. Ako ang sumagot sa lahat ng gastusin niya dahil sa private school ko siya in-enrolled. She is a smart girl, and I can't stand for this young lady not to push her to achieve her dreams.
Nahiya pa siya sa akin bago tumingin sa nanay niya. Nginitian diyan siya ng Ina.
"Sige po, Ate Monique." mahina niyang sabi.
"Good girl." Ngumiti ako at inubos ang tubig sa baso.
Habang naghahain kami ay nag-ikot-ikot muna sa Hacienda sina Kuya at Papa kasama ang mga bata para libangin sila. Masaya namin ipinagdiriwang ang kaarawan ni Papa. He's sixty years old now.
"Tita Monique, paglaki ko po gusto ko rin maging Abogado." Naagaw lahat ni Francis. ang attention namin nang magsalita siya. I smiled at him and caressed his rosy cheeks.
"Talaga? I'll be proud of you." giliw kong sabi sa pamangkin kong lalaki. Natawa naman ang mga Kuya ko pati ang mga asawa nila
"Kaya apo, mag-aral ka ng mabuti huh?" paalala naman ni Papa.
"Yes po, Lolo!" nakangiting sagot ni Francis.
"Ako rin po, Lolo. Gusto kong maging teacher paglaki ko." sabi ni Flor habang nginunguya ang spaghetting kinakain.
Muli naman kaming nagkatawanan. They are so cute. I just hope that we could live together para laging masaya ang mansyon namin araw-araw.
"Eh ikaw naman, Fia?" nakangiting tanong ko sa pinakabata kong pamangkin.
Nginuya muna ang nasa bibig niyang pagkain bago sumagot.
"Gusto ko po maging artista, Tita." Nagkatinginan pa sina kuya Franco at ang asawa niya. Their only daughter wants to be an actress someday.
"Talaga? May paborito ka na bang artista?"
"Opo, si Cinderella. Gusto ko po maging Cinderella, Tita!" Napangiti kaming lahat sa bawat pangarap ng mga bata. They are still little but full of dreams and hopes.
***
Kinabukasan ay nag-drive ako papunta sa malapit na clinic sa amin. Masama kasi ang pakiramdam ko, simula nang paggising ko ay panay na ang pagsusuka ko. Ano kayang nakain ko? May nakain ba akong panis na pagkain?
Kailangan kong magpacheck up dahil next month ay balak ko ng bumalik sa trabaho. Pinarada ko ang sasakyan ko sa may gilid at pumasok sa loob ng clinic.
"Morning, Attorney." Nakangiting biro sa akin ni Carl, ang security ng clinic. Friend ko kasi si Dra. Amelia, kaya kilala na ako ng security nila sa tuwing dadalawin ko siya dito sa klinika.
"Morning rin, Carl. Si Dra. Amelia nasa loob na ba?" nakangiti kong tanong sa kaniya.
"Yes po, Attorney."
Ngumiti ako sa kaniya ulit bago naglakad papasok sa loob.
Nang buksan ko ang pinto sa office niya ay gulat na napatili ang kaibigan ko.
"Monique!" abot hanggang langit ang ngiti. I miss her too.
Tinakbo niya ako at niyakap ng mahigpit. Bukod kay Paul, ay si Amelia ang pangalawang maituturing kong kaibigan. Siya ang tumitingin sa health ni Papa kaya naman naging kaibigan ko na siya.
"I miss you, beautiful," nakangiti kong sabi sa maganda kong kaibigan.
"Ako rin, ang tagal mo ng hindi nadalaw rito. Mukhang ini-enjoy mo na ang Manila." Tumawa pa ito ng pagak.
Pinanliitan ko siya ng mata. Kaya sa huli ay sabay kaming natawa.
"Teka, ano bang sakit mo? Muntik na nga kitang puntahan sa inyo no'ng ma-recieved ko ang text message mo?"
"Naduduwal ako palagi sa umaga eh. Tatlong araw na."
Namilog ang mga mata niyang napatitig sa akin sabay takip ng bibig.
"Oh my god! May boyfriend kana ba? Baka naman buntis ka na?" hindi makapaniwalang sabi niya.
Natulala ako. What? I'm pregnant? No! That can't be! Pero paano nga kung buntis nga ako? Simula nang galawin ako ni Andrei ay wala naman siyang ginagamit na proteksiyon at hindi lang isang beses namin ginawa kun‘di maraming beses. Bigla akong kinabahan at nag-alala. Kahit na hindi ko pinapahalata ang sakit na nararamdaman ko ay sariwa pa rin sa puso ko ang mga nangyari sa amin. Lalo na't masakit ang paghihiwalay namin.
Umiling ako habang nakatitig sa kaniya.
"No way that can't be!" Nanalangin pa ako na sana hindi tama ang hula ni Amelia.
Pinag-PT niya ako sa loob ng bathroom sa opisina niya. Pero laglag ang balikat ko nang makita ko ang two red lines. Inulit ko pa iyon para siguraduhin pero kapareho din sa una. Napasapo ako ng noo. I'm pregnant! Oh damn! Anong gagawin ko ngayon? Naguguluhan ako pero may halong excitement dahil magkakaanak na ako.
Amelia confirmed that I'm 3 weeks pregnant. She even introduced me to my Ob-gyne Doctor.
***
Kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng kwarto ko at tinitigan ang dalawang maliit na itim na litrato. My ultrasound. Kahit hindi ko iyon maintindihan ay magkahalo pa rin ang kaba at excitement na nararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil paano ko na haharapin ang bukas na mag-isa lalo na't buntis ako at ang ama nang nasa sinapupunan ko ay nasa kulungan?
Anong gagawin ko Andrei?
I murmured his name many times. Tumulo ang mga luha ko. Tinakip ko ang dalawang kamay sa bibig ko para hindi makagawa ng ingay mula sa aking paghikbi. Masakit dahil sa paglabas ng anak ko ay walang tatay na magigisnan. Masakit dahil ang lalaking pinakulong ko ay ang ama ng batang nasa sinapupunan ko ngayon.
Napaangat ako ng tingin nang biglang bumukas ang pinto. Si Papa. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at umupo sa aking tabi. Pinunasan ko ang magkabila kong pisngi. Napansin niya ang picture na hawak ko. Sa tingin ko ay hindi gano'n ka ignorante ang papa ko para hindi maintindihan ang hawak kong litrato.
"Ang tarantadong lalaki ba 'yon ang tatay niya?" mahina niyang tanong sa akin.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nahuli kong nakatingin siya sa litrato mula sa mga kamay ko.
"I'm s-sorry po, p-papa. I'm s-sorry p-po." Niyakap ko siya ng mahigpit at humagulgol sa kaniya.
Alam kong hindi ito ang klasing buhay na gusto sa akin ng Papa ko, pero ito siguro ang kapalaran ko at binigay sa akin ng Diyos.
"S-sorry po, papa. P-patawarin ninyo po ako.." I suppressed a sob.
Paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kaniya. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at marahan iyon hinaplos. Dinampian niya ng halik ang aking buhok. Niyakap niya ako ng mahigpit na siyang kinaiyak ko lalo.
"Wala kang kasalanan anak, at mas lalong walang kasalanan ang batang nasa sinapupunan mo. Kaya 'wag ka ng umiyak, makakasama 'yan sa dinadala mo." Para akong bata na inaalo ni papa para tumahang umiyak.
"Patawarin ninyo po ako, Papa. Nagkamali po ako." Nag-angat ako sa kan'ya ng tingin. Kinuha ko ang mga kamay niya at dinampian 'yon ng halik.
"Hindi ka nagkamali, anak. Wala kang kasalanan anak ko. Mahal kita kaya mamahalin ko na rin at tatanggapin kung sino man ang mahalin mo." Pinunasan niya ang namuong luha sa aking mga mata.
"Kaya tahan na. Bukas ang mga palad ko para sa inyo nang magiging anak mo. I can't wait to see my grandchild." nakangiti niyang sabi sa akin. Gumaan ang loob ko sa mga sinabi ni Papa.
"Salamat po, Papa." Niyakap ko siya. Napangiti na rin ako sa taos pusong pagtanggap ng Papa ko sa anak ko na hindi pa naisilang.
"Mahal mo ba ang tatay ng anak mo? puwede kong iurong ang demanda laban sa kan'ya."
Napaangat ako sa kan'ya ng tingin. Nagulat ako sa sinabi ng Papa ko. Isang tango lang ang naibigay kong sagot sa kan'ya dahil hindi ako makapagsalita.
Kinabukasan ay agad kong binalita kay Paul ang pag-urong nang demanda laban kay Andrei para tuluyan na siyang makalaya. Sa una ay hindi siya agree sa disisyon ko, pero nang sabihin kong nagdadalang tao ako at si Andrei ang ama ay tila nabalian siya ng mga sunggay at napapayag ko na rin.
Humingi na rin ako ng tawad sa kan'ya na hindi na ako makakabalik sa trabaho. Pero syempre, mas importante raw naman ang kalusugan ko kaysa trabahong naiwan. He will find a new personal law. Naging madali sa akin ang lahat. I have my family with me through my ups and down. Kasama na rin ang mga kaibigan ko.
Love myself and accepts everything. Kasi sabi nga nila, we are born to be real not to be perfect, hindi ba? And make yourself a priority once in a while because how you love yourself is how you teach others to love you back.