Monique
Tahimik kaming nakaupo sa labas ng waiting area, waiting for his sister to come out. Pero napapansin ko sa kan'ya na kanina pa nakahawak sa kamay ko na para bang tatakbuhan ko siya anytime. Gano'n naba talaga siya ka OA. Hindi ba niya maisip na wala akong mapupuntahan kahit makatakas ako sa kaniyang puder.
What a lunatic mindless?
Hindi nagtagal ay nakita namin ang matangkad na dalagang kumakaway sa amin. She was smiling to us. Maputi at balingkinitan ang katawan. Sa mukha pa lang niya ay masasabi ko ng ito nga si Dolce. Carbon copy ng kuya niya, girl version lang siya.
Binitiwan ni Andrei ang mga kamay ko sabay tayo, sinalubong ang kapatid at mahigpit na niyakap.
"I missed you, Kuya"
Humigpit din ang yakap sa kan'ya ng kapatid.
Hinalikan ni Andrei ang ulo niya. How sweet to her baby sister. Sa nasaksihan ko ngayon ay hindi mo aakalain na siya ang walang pusong Andrei.
Tahimik lang akong nakatingin sa kanila.
"Miss you too. How's my baby?" narinig kong tanong ni Andrei sa nakakabatang kapatid.
Kumalas ito sa pagkakayakap at napunta ang paningin niya sa akin. Nag-alangan siyang ngumiti. I smiled at her. Magsasalita sana ako para batiin siya nang lumingon sa akin si Andrei.
"Dolce, she's my girlfriend. Monique Alessandro." Magiliw niyang pakilala sa akin sa kapatid. Sobra na talagang nagsisinungaling ang lalaking na ito. He lied to his sister.
She sweetly smiled at me. "Nice to meet you, Ate Monique." Sabay yakap sa akin. Nagulat ako pero agad rin nabawi sa huli.
Kumalas siya nang pagkakayap sa akin at tinitigan ako.
"May pleasure," tipid kong sagot.
Lumapit sa akin si Andrei sabay hapit sa baywang ko. Napasinghap ako nang mahina dahil sa gulat. He's showing his boldness in the front of her sister. Unbelievable!
"Shall we go home now?" sabi sa amin. Tumango lang ako. Ngumiti naman si Dolce sa amin. Nakita kong tinulak na nina Arthur at Ronald ang suitcase ng dalaga.
Si Andrei ang nagmaneho ng isang sasakyan kung saan kami ni Dolce sumakay. Habang ang isa ay sina Arthur at Ronald ang sakay.
Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang ako. Si Dolce lang ang laging may pasabog. Minsan nagtatanong pa tungkol sa relationship namin ng kuya niya. Kapag doon napupunta ang usapan ay nanahimik ako at hinahayaan si Andrei na sumagot ng tanong niya. She's cute and talkative. Magaan ang loob ko sa kan'ya. Lalo pa't lagi siyang nakangiti sa akin.
Hindi nagtagal ay narating namin ang mansyon nila. As usual, nakita ko naman sa labas ng main door ang mga tauhan niya at ang mga maids nila. Auntie Luisa was there too.
Mabilis bumaba si Dolce at tinakbo niya ng yakap si Auntie Luisa. Nagmano pa dito, napakagalang na dalaga.
"I missed you, Auntie," narinig ko sabi ni Dolce sa matanda.
"I miss you too, Senyorita," masayang sagot rin ng matanda.
"Kagagaling mo nga rito last month eh," sabi ni Andrei sa kapatid.
"I knew," inirapan pa nito ang kuya niya. Napangiti naman ako. I can see myself to her. Ganito din kasi kami minsan ng mga kuya ko.
"Oh siya tara na loob at handa na ang hapunan." Alok sa amin ng matanda.
Binalingan ako ni Andrei sabay hawak sa kabilang kamay ko at hinala na rin ako papasok sa loob.
Masaya ang hapunan namin. Pinipilit ko na lang na makisabay sa kanila. 'Yong mga tanong sa akin na hindi ko nasasagot ay si Andrei na lang ang sumasagot para sa akin.
Nalaman ko rin na hindi nakakapagsalita ng tagalog si Dolce. Pero nakakaintidi naman raw ito. And she's planning to add more lessons at gusto niya ay tagalog language naman.
Nang pumasok ako sa kwarto ni Andrei ay dumeretso na ako sa banyo para makapaglinis ng katawan. Nang matapos ako ay saka ko pa lang na-realize na hindi ko pala nadala ang damit ko pamalit. Tinuyo ko muna ang buhok ko sa maliit na tuwalya saka inipon ito sa akin kabilang dibdib bago ako nagtapis.
Ngunit laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko si Andrei na nakaupo sa sofa. Para bang kay lalim ng iniisip. Tumikhim ako. Napalingon siya sa akin bigla. Dahil sa gulat ay tumilapon ang hawak niyang baso.
He is drinking.
Nakaawang pa ang labi niyang nakatitig sa akin. hindi man lang pinansin ang dumulas sa mga kamay niyang baso. Hindi naman 'yon nabasag dahil carpeted ang sahig.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kan'ya.
Hindi siya sumagot kaya naman walang hiyang lumapit ako sa kan'ya at pinulot ang nalaglag. Alam kong sinusundan niya ako ng mga mata pero hindi ko 'yon pinansin. Nang hindi siya nagsalita ay naglakad ako papasok sa walk in closet niya para magbihis.
Nakita ko ang long pajama na may pares na sexy strap, ito ang pinili kong isuot. Cotton ito kaya masarap sa balat. Naka-bra lang ako at hindi pa nasusuot ang top strap ng biglang pumasok si Andrei. Nagulat ako doon. I gasped when he started eyeing me. Lalo na nang madako ang mga mata niya sa dibdib ko. Pinag-cross ko bigla ang mga bisig ko sa dibdib sabay talikod sa kan'ya. Hindi siya nagsalita at kumuha din ng pamalit sa closet at tahimik na lumabas.
Nakahinga ako nang maluwang at mabilis na sinuot ang top ko.
Umupo ako sa harap ng vanity mirror at nagsuklay ng buhok pagkatapos kong e-blower. Pero parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba lalo na't naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. He is taking shower. Sa bawat lagaslas ng tubig ay nagbibigay sa akin ng nerbyos.
Nag-inhale exhale ako sa kabang nararamdaman ngayon. Pinagdadasal ko na rin na sana hindi rito matulog sa kuwarto niya.
Pagkatapos ko magpahid ng lotion sa katawan ay humiga na ako sa kama. Tumalikod ako sa bandang pinto ng banyo para hindi makita ang kaniyang paglabas.
Nang marinig kong bumukas ang pinto ay pumikit ako ng mariin dahil sobra akong kinakabahan.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko siyang sumampa sa kama. Inangat niya ang comforter at pumaloob rin dito. Hindi ako gumalaw, kahit ang paghinga ko ay pinipigilan ko na rin.
Naramdaman ko na lang na umusod pa siya sa akin. I feel him smelling my shoulder at pinaulanan ng matutunog na halik. Nag-init bigla ang mukha ko. Iba ang nararamdaman ko kapag ganitong skin to skin na kami. I can't refuse him. Kahit ang itulak siya ay hindi ko kayang gawin. Palagi akong nanghihina kapag malapit na siya sa akin.
"I know you're not sleeping" mahina niyang sabi habang hindi tinitigil ang paghalik sa balikat ko. He snipped on my hair too.
Pero nanaig ang hindi ko paggalaw at magsalita.
"You are pretending, that's no use to me."
Parang magaspang na ang pananalita niya.
Nang hindi ko siya pinansin ay nagulat ako nang maramdaman ang mga kamay niya sa baywang ko. Pinulupot niya 'yon at mas lalo pang siniksik ang mukha sa leeg ko.
"Goodnight, baby," mainit niyang bulong. Doon pa ako nakahinga ng maayos.
Dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Samantalang itong kasama ko ay payapang natutulog sa aking tabi. Nakasubsob pa rin ang ulo sa leeg ko at nakayakap rin ang braso sa baywang ko. Pero hindi na kasing higpit no'ng una. Laking pasasalamat ko dahil hindi niya ako pinilit.
He didn't touch me.
Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi man lang ako dalawin nang antok. Iniisip ko ang naiwan kong pamilya at trabaho. Hanggang sa hindi ko na namalayan kong anong oras akong dinalaw ng antok.
Naalimpungatan ako na tila may nararamdaman akong balat sa panga ko. Paakyat sa ilong hanggang noo. I'm still sleepy pero nakakainis naman itong nang iistorbo sa akin. Minulat ko ang kabilang mata. Napadilat ako nang tuluyang mapagtanto, si Andrei pala ang gumagawa no'n sa akin. He's showering me a shallow kisses.
"Good morning, baby." He sweetly said.
Bihis na bihis na ito. Bumungad sa akin ang guwapo niyang mukha. Ang magagandang mata niya, that I admired the most. Dahan-dahan akong bumangon. Naamoy ko pa ang mabango niyang amoy sa sobrang lapit niya sa akin.
"Take shower, I'll wait for you," mahina niyang sabi. Alam kong sinusundan niya ako nang tingin.
"Ha?" baling sa kan'ya.
"Sabay na tayong mag-breakfast. Dolce is waiting for us."
Naalarma ako. So, ako lang pala ang hinihintay. Why I became a sleepy head? Napailing ako.
"Okay." Tumalikod na ako sa kan'ya at mabilis pumasok sa banyo para maligo.
Sabay kaming bumaba ni Andrei hapag. Hawak niya ang kabilang kamay ko habang papasok kami sa dinning area.
Nabungaran namin sina Dolce at Auntie Luisa na naghahain ng pagkain sa mesa.
"Good morning." Nakangiting bati sa kanila ni Andrei. Binati ko rin sila.
Nakangiti namang huminto sa ginagawa ang kapatid niya at matamis kaming nginitian. Si Auntie Luisa ay pinagpatuloy ang ginagawa.
"Good morning, Kuya, Ate." Si Dolce.
I smiled at her. "Good morning."
Andrei looked at me. "Have a seat." Pinaghila pa niya ako ng upuan. Tahimik akong sumunod sa kaniya.
Habang kumakain kami ay panay rin ang kwento ni Dolce tungkol sa Kuya niya, at sa Uncle nila sa London kong saan siya nakatira.
"You must visit London Kuya with Ate Monique." Panimula ni Dolce.
"We will, sweetheart," tipid niyang sagot sa kapatid.
Naisip ko tuloy na para bang wala siyang balak na pakawalan ako nang maaga. Baka seryoso 'yong sinabi niyang, he will keep me as long as he wants.
"Which country you have been Ate Monique?" masayang tanong sa akin ni Dolce.
I cleared my throat. "This is the first time I travel," mahina kong sagot.
Pinilit kong ngumiti sa kan'ya. Ang hirap magsinungaling.
"Oh, I see. Have fun here at Spain. I will tour you around. Trust me." Sabay kindat pa sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya.
"Sure, thank you."
Lumingon ako kay Andrei pero tahimik itong kumakain.
Nang matapos kami mag-breakfast ay tahimik kaming nagkwentuhan ni Dolce sa balcony. Nagpadala pa siya ng tea para sa amin. Iniwan muna kami ng Kuya niya dahil may aasikasuhin raw ito sa office niya. Pero nagulat pa ako nang pagdungaw ko sa labas ay nakapalibot ang mga tauhan niya. Daig pa nila ang may seremonya. Wala talaga akong pag-asa na makaalis sa mansyon na ito.
Ang sayang kausap ni Dolce. Gumaan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa kan'ya. Naikwento niya rin sa akin ang hilig niya sa pagluluto. 'Yon ang laging bonding nila ni Auntie Luisa sa tuwing nandito siya sa Spain. Nangako rin siyang ito-tour niya ako rito sa lugar nila bago siya uuwi ng London sa susunod na linggo.