Monique
Kinabukasan ay naabutan ko si Dolce sa kusina na naghahanda ng agahan kasama si Auntie Luisa. Nahihiya akong lumapit sa kanila. Gusto ko rin tumulong sa pagluluto para lang libangin ang sarili ko. Ilang araw na ako rito sa Spain pero wala pa rin akong nabubuo na plano o nakukuhang impormasyon.
"Good morning, Dolce, Auntie," nakangiti kong bati sa kanila.
Sabay silang napalingon ng tingin sa akin, at sabay rin na ngumiti.
"Good morning, Ate Monique." Ngumiti siya sa akin.
Binati rin ako ni Auntie Luisa. Lumapit ako ng tuluyan sa kanila at pinagmasdan ang kanilang ginagawa.
"You're so talented of cooking. You impressed me." Nakangiti kong puri sa kaniya.
Nag-angat siya ng tingin sa akin pagkatapos ay matamis akong nginitian.
"Thank you, Ate Monique. One of my hobbies is to cook different dishes. I'm asking Kuya Andrei to bring me in the Philippines so I can learn more specially a Pilipino's dishes." Nakangiti ito habang kinukwento ang kaniyang pangarap.
Ang swerte siguro ng mapapangasawa ng batang ito. Bukod sa maganda ay magaling pa magluto.
Bigla niya akong binalingan.
"And what about you, Ate Monique?" seryoso niyang tanong sa akin.
Nakaramdam ako ng kaba sa balik tanong niya. Dapat ko bang sabihin na kinidnap ako ng kaniyang kapatid? Na napilitan lang akong sumama dito sa Spain? Ano ba Monique! Mag-isip ka nang tama. 'Yong makakabuti, 'yon dapat ang isagot ko. I cleared my throat, dahil pakiramdam ko ay may maliliit na bato ang nagbarado roon.
"I'm a lawyer," tipid kong sagot.
Mahirap na kapag nagkwento ako dahil baka mas lalo pa akong hindi makauwi sa amin kapag nalaman ni Andrei na nagtatraydor ako sa kan'ya.
Sabay silang napatingin sa akin ni Auntie Luisa. Hindi makapaniwala sa sagot ko at parehong nakaawang ang mga labi.
"Talaga Hija? Akala ko nga noong una kitang makita ay isa kang modelo. Napakahinhin mo kumilos, hindi ka nababagay na magalit sa korte," hindi makapaniwalang sabi ni Auntie.
Napangiti ako ulit.
"You're too delicate Ate Monique. I think if you don't wear a black suit, nobody will know's that you're a lawyer," sabi ni Dolce.
I just smiled at them. Hindi ako masyadong nagbigay ng impormasyon sa kanila. In-enjoy ko na lang na tumulong sa kanila sa paggawa ng agahan. Naputol lang ang kwentuhan namin nang pumasok si Arthur sa loob ng kusina.
"Yes, Arthur?" tanong ni Dolce.
He nodded to Dolce, pagkatapos ay binalingan niya ako nang tingin.
"Pinapatawag po kayo ni boss sa office room niya Ma'am," seryoso niyang sabi.
Nagpaalam ako sa dalawa bago sumama kay Arthur, sa opisina ni Andrei. Medyo malayong pasilyo ang tinahak namin bago narating ang pupuntahan. Kumatok muna si Arthur bago pinihit ang seradora. Niluwangan niya ang pinto at pinaunlakan akong pumasok. Nang makapasok ako sa loob ay saka siya lumabas at sinarado ulit ang pinto.
Pagharap ako ay nakita ko si Andrei na nakaupo sa working table niya pero hindi siya nag-iisa. May isa pang lalaki ang nakaupo paharap sa working table niya. Nawalan ako ng sasabihin. Hindi ko tuloy alam kung paano magsisimula lalo na't nakatitig sa akin si Andrei na para bang wala siyang kasama na nakatingin sa amin.
Ang sarap talaga dukutin ang mata ng lalaking ito!
Tumikhim muna ako para magsalita nang sa ganoon ay maputol ang paninitig niya sa akin.
"Good morning." bati ko sa dalawang lalaki. Pinilit kong maging pormal ang pananalita para naman hindi ako magmukhang tanga.
"Come here?" utos ni Andrei. Binaba ang tingin sa harap ng mesa niya. Nang makalapit ako sa kanila ay tumayo naman ang matandang lalaki at ngumiti sa akin.
"Hello po, Senyorita. I'm Greg, secretary ni Senyorito Andrei." Pakilala niya sa sarili. Seryoso? pati ba naman siya ay tatawagin akong senyorita. Ni hindi naman ako belong sa pamilyang ito.
"Thank you." Nginitian ko siya.
Bumaling siya kay Andrei.
"Lalabas na muna ako Senyorito," hinging pahintulot niya sa amo.
Ngumiti pa siya sa akin bago lisanin ang opisina ni Andrei.
Nang makaalis si Greg ay pakiramdam ko naging awkward ang pagitan naming dalawa.
"Have a set, Monique." Turo niya sa upuan.
Dahan-dahan akong umupo sa itinuro niyang upuan kung saan paharap sa kan'ya.
Tumikhim ako. "Pinatawag mo ako? Anong kailangan mo?"
Tinitigan niya ako ngunit hindi sumagot.
Tumayo siya at dahan-dahan na lumapit sa inuupuan ko habang hindi bumibitaw ng tingin sa aking mga mata. I feel so nervous the way he look at me.
"I talk to my lawyer," he seriously said without cutting his stares at me.
"And, then?" taas kilay kong tanong. Ano naman ang connection ko sa pakikipag-usap niya sa abogado niya?
"I returned the contract, " he said.
Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. Tama ba ang narinig ko? Binalik na niya ang kontratang inagaw niya sa mga Feorenza? Nabigla ako pero agad rin akong nakabawi mula sa pagkagulat.
"Ano naman ang dahilan mo? Bakit binalik mo ang kontrata sa kanila?" sarkastiko kong tanong sa kan'ya.
Hindi kasi kapani-paniwala na sa yaman niyang tao ay nagagawa pa niyang mandaraya sa iba, o baka sadyang sakim lang siya at gahaman sa pera.
"Na- realize kong hindi ko pala kailangan ang negosyong iyon," kalmado niyang sagot sa akin. Bumuntonghininga ito at kinagat ang ibabang labi.
Napailing ako. Hindi lang siya nakakainis kun'di ang sarap pang patayin. Pagkatapos niyang guluhin ang lahat ay bigla siyang magbabago.
"You know what, Andrei? I don't get you? Sa yaman mo ay nagagawa mo pang mandaraya ng iba. Umabot pa tayo sa hearing sa pakikipag argumento mo, at hindi kapa nakutento dahil kinidnap mo pa ako para lang hindi kita masampahan ng kaso. Ano naman kaya ang susunod na gagawin mo? Marami ka sigurong agenda na hindi pa naluluto, Mr. Fernandez de Garcia?" Taas noo kong salita sa kan'ya. Ni hindi ako nakaramdam nang pagkasindak sa kan'ya gayong solo niya ako rito sa loob ng kaniyang opisina.
Hindi siya nagsalita at lalo akong nanggigigil dahil sa hindi niya pagsagot sa mga tanong ko.
"Ano bang kailangan mo sa akin Andrei? Bakit hindi mo na lang ako pakawalan. Kung inaalala mo na kakasuhan kita sa ginawa mo, don't worry, marunong akong tumapad sa usapan. May isang salita ako."
Muli siyang bumuntong-hininga. Para siyang nasasaktan? Bakit kaya ganito ang reaksyon niya?Kinakarma na ba siya? Dapat lang sa kan'ya 'yan!
Nang tumingin siya sa akin ulit ay nakaramdam ako ng kaba. Malakas na dumagundong ang dibdib ko.
"All I want is you, Monique. Ikaw lang ang kailangan ko at wala ng iba."
Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kan'ya nang deretso. Ano? Ako lang ang kailangan? At ano naman kaya ang mahuhuthot niya sa akin?
I smirked at him. "You want me? bakit Andrei? Pinamimigay ba ako na parang pagkain lang. Hindi mo alam 'yang sinasabi mo? Wake up in your dreams, asshole." Hindi ko napigilang tumaas ang boses ko.
Dumilim ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Umigting ang mga panga sabay kunot-noo. Tumayo ako upang lumabas na sa kaniyang opisina. Parang hindi ako makahinga na kasama sa iisang lugar ang demonyong lalaki na ito.
Akma na akong maglalakad nang hablutin niya ang kaliwang braso ko. Napangiwi ako dahil sa diin nang pagkakahawak niya doon.
"Ano ba?!" sigaw ko sabay hila ng braso ko.
"Huwag mo akong talikuran Monique dahil hindi pa tapos ang usapan natin. Kapag sinabi kong umalis ka, ay umalis ka. Pero kapag sinabi kong dito ka lang, manatili ka." Humigpit ang kamay niya sa braso ko.
"And who are you to order me? Abogado ako Andrei!" sabay turo ko sa sarili.
Hindi niya ako sinagot sahalip ay mas diniinan pa ang pagkakahawak sa braso ko.
"Abogado ang kinidnap mo at hindi karaniwang tao lang na napulot mo sa kung saan! You bastard!" Malakas kong hinila ang braso.
Nabitawan niya iyon at nagtaas-baba ang paghinga niya. Gumalaw ulit ang mga panga at madilim akong tiningnan.
Ngumisi ako. "Akala mo hindi ito malalaman ng pamilya ko. Kapag nalaman ni Papa na nawawala ako ay hindi siya magdadalawang isip na hanapin ako. He will search the whole world just to find me!" Niyabangan ko ang salita. "Kaya habang mabait pa ako sa'yo. Pakawalan mo ako. Sumuko ka na bago ka mabulok sa kulungan isang araw." Dagdag ko pa.
Ngumisi siya. Lumapit sa akin at bumulong. "Dream on, Monique. Dadanak muna ang dugo nila bago makapasok dito sa Mansyon ko." He smirked again. "Don't use your tricks on me. Monique. Hindi iyan uubra sa tulad kong masamang nilalang."
Mabilis niyang binaba ang mukha niya sa gilid ng tainga ko at dinilaan 'yon paakyat. Nanindig ang mga balahibo ko sa batok dahil sa ginawa niya.
Malakas ko siyang tinulak. I slapped him!
"How dare you do that! Son of a b***h!"
Hindi ko na napigilan at biglang bumalong ang mga luha ko sa mga mata. It's hurt. Masakit na naiinsulto ka ng kapwa mo, at mas masakit na isang mababang uri ka lang ng tao para sa kaniya.
Hawak niya ang pisngi niyang sinampal ko ay bumalik sa swivel chair niya.
"Like what I said. You're mine. All mine!" Seryoso itong umupo na para walang nangyari. Wala siyang pakiramdam at napakademonyo!
"Disgusting!" sabay talikod ko sa kan'ya.
Patakbo akong lumabas sa opisina niya at tinungo ang hagdan pataas para bumalik sa kuwarto. Imbes na gutom ako ay nawalan ako ng gana ng dahil sa kan'ya. Nilubog ko ang mukha sa kama at tahimik na umiyak. Alam kong mangyayari ito palagi habang nasa puder pa niya ako. I felt like, I was living in hell.