Monique
Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang aking sarili sa harap ng salamin. Nasa loob ako ng lady's room. Pinikit ko ang mga mata at inalala ang huling sanabi sa akin ni Paul, ang matalik kong kaibigan.
"He's coming tomorrow."
Alam ko na sa sarili ko kung sinong tinutukoy niya na darating kinabukasan. Si Andrei Fernandez de Garcia.
Sa unang kita ko pa lang sa kan'ya ay hindi na magaan ang loob ko sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit napakabigat ng saloobin ko sa kan'ya. Siya kasi 'yong tipong lalaki na ang lakas ng tama sa ulo, hambog in short at ang tipong mapapahiya ka pagkinausap mo.
I don't really like him. Oo, aaminin kong napakaguwapo niya. Bukod pa doon ay napakayaman din. Pero 'di bali na lang na nasa kan'ya ang lahat kung wala naman maibubuga sa tipong lalaki na gusto ko.
Napailing ako sabay buntong-hininga. Madalian kong ni-retouched ang lipstick at lumabas na ng banyo.
(1 hours later)
"What we will do to him?" siryoso kong tanong kay Paul.
Nag-angat siya ng tingin sa akin habang ako ay nakatayo sa harap ng working table niya, waiting for his response.
Kasalukuyan namin pinoproseso ang kaso laban kay Andrei. Violation ang ginawa niyang pag-transfer ng isang properties na hindi dapat sa kan'ya. Hindi ko alam kung anong galit ang mayroon siya sa mga Feorenza at nagawa niya itong gawin sa kanila.
"He is powerful than what we expected. I really don't know what to do Monique." Umiling siya sabay kagat ng bullpen na hawak. "My brother run away. He even divorced his wife." Dagdag niya sabay hilot ng sintido.
Napailing ako sa sinabi niya at dahan-dahang umupo sa sofa paharap sa working table niya. Bumuntong hininga ako bago nagsalita.
"He is ambitious and arrogant," mahina kong sambit.
Napaangat siya ng tingin sa akin, kunot ang noo at salubong ang mga kilay.
"If I will spare him this time, Monique, baka ulit-ulitin niya sa mga susunod. Kailangan ko ang tulong mo. Makikipag negotiation tayo sa kan'ya at kapag hindi siya pumayag na ibalik sa akin ang contract ay magpa-file na ako ng kaso laban sa kan'ya."
Bumuntong-hininga muna ako. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang iniisip ang isasagot sa kan'ya.
"I'm always be in your side, Paul," nakangiti kong sabi sa kan'ya.
Since highschool ay magkaibigan na kami ni Paul, kahit na tatlong taon ang agwat namin. Graduating siya no'ng una kaming magkakilala, habang ako ay first year highschool pa. No'ng tumungtong kami sa university ay pangarap niyang maging Police, at bilang kaibigan, supurtado naman ako sa kan'yang pangarap, gano'n din siya sa akin. Simula ng sabihin kong pangarap kong maging isang mahusay na laywer. He pushed me to pursue my dream, hanggang sa naabot ko nga 'yon. Pero sa kasamaan palad niya, paglabas niya ng training ay nagkasakit ang papa nila at kasalukuyan pang nag-aaral ang nakababata niyang kapatid sa London. Kaya naman napilitan siyang hawakan ang business nila sa ibang bansa. Sa London at Dubai. He managed their real estate business.
May hotel din sila dito sa Makati kong saan ako nagbigay ng investment. Hanggang sa kinuha niya akong personal lawyer nila. Masaya din akong katrabaho siya. Para niya akong nakakabatang kapatid. Laging inaalala lalo na kapag nasa ibang bansa siya. Minsan nga madalas kaming mapagkamalan na lovers. Kaya may mga pagkakataon na tini-take advantage ko na rin 'yon at nagpapanggap na girlfriend niya.
"Let's proceed to the next plan," nakangisi itong tumingin sa akin.
"Anong klasing plano naman 'yan, pogi?" tanong ko sa kaniya.
"I know you? A monster lawyer." He teased me. Sinabayan pa niya nang mahinang halakhak. Kilala na niya kasi ako.Kapag gusto kong gawin, ginagawa ko! Katalud na lang ng mga kasong hawak ko, wala akong ipinapatalo. Gano'n ako ka confident sa sarili ko.
Tinaasan ko siya ng kilay sabay irap sa kan'ya.
"Are you afraid of him?" tanong niya . Nag-iba ang reaction niya at tinitigan ako. Para bang nababasa niya sa mga mata ko ang pag-aalangan.
"I'm once a mafia's daughter. Do you think na sa tulad niya ako masisindak?"
Naalala ko pa ang kuwento ng papa ko. Na no'ng kabataan niya ay isa siyang myembro ng gang sa Antipolo.
Natahimik si Paul at natigilan nang marinig ang sinabi ko.
"Anong--mafia's d-daughter?" nauutal niyang tanong habang 'di bumibitaw nang titig sa akin.
I glared at him and sighed.
"Si Papa, no'ng kabataan niya raw, myembro siya ng gang sa Antipolo." Dere-deretso kong paliwanag sa kan'ya.
Ngayon ko pa kasi nabanggit kay Paul ang tungkol dito. Kaya expected ko na ang pagka-shock niya sa confession ko tungkol sa nakaraan ni papa.
"Oh! ngayon alam ko na kung saan ka nagmana. May maibubuga din pala si Tito Ibarra," nangingiti niyang sabi. Tinaas ang kamay sa likod ng ulo at sinadal sa swivel chair niya. Nagkatinginan na lang kami at sabay na natawa.
***
Papasok na ako sa aking apartment, katapat ng Feorenza hotel ang tinutuluyan ko pansamantala habang nandito ako sa Maynila nang biglang may humablot sa akin at tinakpan ang bibig ko gamit ang panyo. Hindi ko na alam ang mga sumunod dahil nawalan na ako nang malay.
***
Andrei's POV
Pinagmamasdan kong natutulog sa kama ko ang babaeng kinasasabikan kong makita. Sa ilang mga araw na inilagi ko sa Spain ay siya lang ang naiisip ko.
Pagkatapos ko siyang ipadukot kila Arthur at Ronald ay dinala ko siya rito sa pag-aari kong subdivision dito sa Muntinlupa.
Napakatahimik dito kaya dito ko siya naisipan na dalhin habang inaayos ang mga papeles namin pabalik sa Spain. Sinisiguro kong makakasama ko na siya pabalik sa Mansyon ko.
Matagal na ko itong pinagpaplanuhan.
Balak ko na rin ibalik ang kontrata sa mga Feorenza dahil sa ngayon ay isa lang ang gusto ko--ang makasama si Monique.
Magustuhan man niya o hindi ay pipilitin ko pa din. Pipilitin kong maging akin siya. Gano'n ako ka obsessed sa kan'ya.
Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya at hinaplos ang malambot niyang pisngi.
Para siyang anghel na natutulog pero kabaliktaran kapag nasa trabaho na. Bukod sa maangas, tipid din kong sumagot at ubod pa ng sungit! Kaya naman pagkakataon ko na itong sulitin habang natutulog pa siya.
Bigla siyang gumalaw kaya hinila ko nang mabilisan ang palad ko na nakalapat sa pisngi niya.
Siryoso ko siyang tinitigan at dahan-dahan naman niyang minulat ang kan'yang mga mata.
Nang masilayan niya ang mukha ko ay agad siyang napabalikwas ng bangon. Tila bang nakakita ng multo. Ngumisi ako sa kan'ya bago nagsalita.
"Finally, you awake, Attorney," mahinahon kong sabi sa kan'ya na may kasamang ngisi.
Kumunot ang noo niya at hinila ang kumot para mas lalo pang takpan ang sarili. Daig pa niya ang pinagsamantalahan ko sa arte niya ngayon. f**k!
"Nasaan ako? why I am here?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Ngumisi ako sa kan'ya sabay tayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama.
"In my place," tipid kong sagot.
"At bakit naman ako nandito sa bahay mo?"
She started to burst out her anger.
"Kinidnap kita. You cannot remember what happened to you a moment ago?" binalingan ko siya ng tingin.
Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. That fast baby! Balak ba niya akong yakapin? Halikan? Hindi ko iyan tatanggihan.
Tinitigan ko siya habang dahan-dahan na papalapit sa kinatatayuan ko. Nang isang dangkal lang ang pagitan namin ay bigla niya akong sinampal nang malakas.
"How dare you!"
Maangas ang mukha niya na tila bang papatayin ako sa mga titig niya.
Hinawakan ko ang pisnging sinampal niya. Binaliwala ko ang sakit at humarap sa kan'ya nang maayos. I smiled at her, na para bang walang nangyari.
"If you slap me again. I will kiss you," siryoso kong sabi na may kasamang pananakot.
She smirked at me, at bahagya pang ini-angat ang palad para sampalin ako ulit.
"Do not dare to do it again, Attorney." Mabilis kong naagapan ang kamay niyang naka-angat sa ere. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit. Nagpumiglas siya.
"Take off your dirty hands, Mr. Fernandez de Garcia?" utos niya pa sa akin. Pero hindi ko 'yon binigyan ng pansin. Nakipagtitigan pa siya sa akin. Totoo pala ang profile ng babaeng ito? Napakatapang niya pala.
"Don't try me, Attorney? Hindi mo pa ako kilala?" sabay bitaw sa kamay niya. Pero ang mga titig ko ay hindi bumibitaw sa kan'ya.
"I don't fuking care who the hell you are! You have no right to command me!" pinag-krus niya ang mga kamay sa tapat ng dibdib.
"Sharp tongue." I smirked at her. Then suddenly I smiled, iyong tipong inaasar ko siya sa mga pagkakataon na ito.
"I'm leaving and don't expect me to say a nice words next time." Nilampasan niya ako at naglakad palapit sa may pinto.
Nang marating niya 'yon ay pinihit niya ang siradora. Unfortunately, I locked the door.
Sinusundan ko lang ang ginagawa niya hanggang sa balingan niya ako nang tingin. She was pissed!
Tinaas ko ang mga kamay ko at ngumisi sa kanya.
"Do you think that you can run away from me?" Muli akong ngumisi.
Pinanliitan niya ako ng mata. Like she's warning me. Mas lalo akong ngumisi at tumawa nang mahina.
"Open the door, you idiot!" madiin niyang sabi.
" I won't," walang buhay kong sagot.
Malalaking hakabang na bumalik siya sa kama at binuhat ang lampshade na nakapatong sa drawer sa gilid ng kama.
Nanlalaki ang mga mata ko. Ano kaya ang gagawin ng babaeng 'to?
"What are you doing?" tanong ko. Balak ko siyang pigilan nang i-angat niya sa akin ang hawak na lampshade.
"Will you open the door nicely or I will punch you by this?" sabay taas pa sa lampshade.
Napaka-angas talaga ng babaeng 'to? Ako pa ang sinusubukan niya.
Did she think that she can get out from me using her child tricks. No! f**k! No!
"Put it down, Monique!" utos ko.
"Open the door," ulit niya.
Bumuntong hininga ako at lumapit sa pintuan, habang siya ay nakatayo pa rin sa paanan ng kama.
"Arthur? Ronald?" Tawag ko sa dalawa.
Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto.