Chapter 3-Spain

2217 Words
Monique’s POV Nang bumukas ang pinto ay iniluwa nito ang dalawang lalaki na may mga hawak na baril. Namutla ako nang makita ang mga baril nila. Itsura pa lang nitong mga lalaki na tinawag niyang Arthur at Ronald ay mukhang sanay na sanay nang humawak ng baril. Kinakabahan akong tumingin kay Andrei na mas malapit sa pinto. Dahan-dahan kong naibaba ang lampshade sa paanan ng kama. I'm shaking! "Boss, may problema ba?" tanong n’ong isang matangkad. Hindi ko alam kung si Arthur ba ito o si Ronald? Biglang hinablot ni Andrei ang baril ng nagtanong at tinutok sa akin nang mabilisan. Namutla ako sa takot at ginapangan ng kaba ang buo kong katawan. Papatayin ba ako ng lalaking 'to? Halos pinipigilan ko ang huminga sa sobrang takot na nararamdaman ko ngayon. "Dismiss!" maangas na sabi ni Andrei sa dalawang tauhan at sabay sara ng pinto. Binalingan niya ako habang nakatutok pa rin sa akin ang baril na hawak niya. Kung may sakit lang ako sa puso ay malamang paglalamayan na ako bukas. "P-put that g-gun d-down." Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko kaya ako nauutal. "I won't. Matapang ka, ‘di ba? Ipakita mo sa akin ang tapang mo ngayon, Attorney Monique Alessandro," madiin niyang sabi sabay igting ng panga at seryosong nakatingin sa akin. "Andrei, please." Namumutla na ako mula sa takot. Baka 'di ko na ito kayanin at himatayin ako bigla. "In one condition, Attorney." Seryoso pa rin ito na para bang walang pakialam sa nararamdaman kong takot sa kaniya. "Everything." Pikit mata akong tumango sa kan'ya dahil hindi ko na kayang tingnan ang baril na nakatutok sa akin. Narinig ko siyang bumuntonghininga nang malakas. Napadilat naman ako at huling-huli ko ang ngising aso niya. Hindi pa rin ako nakakabawi sa takot na nararamdaman ko kani-kanina lang kaya naman hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. "Madali ka rin pa lang kausap, Attorney. Pinapahirapan mo pa ako" Nakangisi siya habang papalapit nang papalapit sa akin. Nang isang dangkal lang ang pagitan namin ay hindi ko na magawang huminga at baka itutok naman ulit sa akin ang hawak niyang baril. "What do you want?" Pinilit kong maging mahinahon ang aking pananalita. "Leave the case, na balak mong ipataw sa'kin at sumama ka sa'kin sa Spain." Seryoso ito. Kinabahan ako, oo puwede kong i-urong iyong kaso, pero hindi ko kayang sumama sa Spain dahil may pamilya akong naghihintay sa akin. "W-what?" gulat akong napatitig. "Iuurong ko ang kaso pero hindi ako sa-sasama sa iyo." "Sa ayaw at sa gusto mo Attorney, sasama ka pa rin sa'kin." Nang balakin na itaas ulit ang baril sa akin ay agad kong tinaas ang dalawang kamay. Muli akong binalot ng takot at kaba. "You cannot do this to me." Pagmamakaawa ko. Kumunot ang noo niya na para bang naiirita sa hindi ko pagsagot nang deretso sa kan'ya. "Attorney?" tawag niya sa akin, may halo pa itong pagbabanta sa pananalita niya. Nanginig ako ng tuluyan. Bumalong ang mga luha mula sa mga mata ko nang hindi ko namamalayan. Matalim ko siyang tinitigan. Gusto kong iparating sa kan'ya ang galit ko sa pamamagitan ng pagtitig ko sa kan'ya ng masama. Hindi ako kumurap habang ang mga luha ko ay walang tigil sa pag-agos sa aking mga pisngi. Pero tingnan mo naman ang walang hiyang sira ulo, mukhang mas natutuwa pa sa nasasaksihan niyang nangyayari sa akin. "Anong karapatan mong utusan ako?" Sa wakas ay nasabi ko na rin ang aking saloobin. "Wala akong pakialam sa karapatang sinasabi mo? You better accept it. Sasama ka sa'kin Monique!" Para bang isa lang akong tuta na kung mautusan niya ay akala mo siya na ang amo ko. "No! Hindi ako sasama sa'yo!" Tumaas ang boses ko. "You dare." Bumuntonghininga siya. "Arthur, Ronald!" ulit niyang sigaw nang hindi ko kumilos. Mabilis pa sa alas-kuwatro ay nakapasok sa loob ang dalawang tauhan niya. Pakiramdam ko pa ay takot na takot rin sila sa amo. "Kumuha kayo ng pen at paper, ibigay ninyo kay Attorney," utos niya sa tauhan. Madali ang kilos ng isa sa mga ito na binuksan ang drawer at inabutan ako ng pinag-utos ni Andrei. Hindi ko 'yon kaagad na tinanggap, tumingin muna ako kay Andrei. "Anong gagawin ko dito?" kuryoso kong tanong. Hindi ko pa rin inaabot ang binibigay sa akin ng tauhan niya. "Isulat mo ang excuses mo para kay Mr. Feorenza. Sabihin mong aalis ka at uuwi sa inyo. Gano'n din sa pamilya mo." F*ck you Andrei! Abogado ang inuutusan mo! Hindi ako sumagot at nanginginig ang mga kamay kong inabot ang binibigay sa akin ng tauhan niya. "Free yourself, Attorney. At h'wag na h'wag mong subukan na tumakas o magmagtigas sa akin dahil kapag nawalan ako nang pasensiya sa’yo…" sabay taas pa niya sa baril niya, "You know what will happen," he added sarcastically. Lumunok ako at masama siyang tiningnan. "Stay here, and better write your excuses before I come back." ulit niya. Lumabas silang tatlo sa silid kaya naman nakahinga ako nang maluwang. Wala na akong idea kung saan niya inilagay ang bag ko, nandoon pa naman lahat ng mga importanteng papeles, pati passport ko ay nandoon rin. Bumuntonghininga ako bago nag-umpisang magsulat ng excuses para kay John Paul. Alam kong magugulat 'yon sa biglaan kong pag-uwi, which is hindi naman totoo dahil inutusan lang ako ng demonyong Andrei. Nagdahilan na lang ako na uuwi muna sa Antipolo dahil may emergency ang pamilya ko. Sumulat din ako sa pamilya ko na hindi ako makakauwi at h'wag na silang mag-alala sa akin dahil nasa mabuting kalagayan ako. Nang matapos ko iyon ay tumayo ako sa harap ng glass window at pinagmasdan nang tahimik ang paligid. I scanned his room. Walang masyadong gamit at mukhang wala naman nakatira. Sa tingin ko ay pansamantala lang siya dito. "Let me think!" sinabunutan ko ang buhok. Sa ngayon ay kailangan ko muna sumunod bago ko iisipin kung paano ko siya tatakasan. PALUBOG na ang araw nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako doon. I saw the demon. Walang reaksyon ang mukha pero may dala itong tray na puno ng pagkain. Bigla akong nagutom, syempre maghapon akong hindi nakakain bukod sa tubig lang. Ni-lock muna niya ang pinto at pinatong ang tray sa glass table malapit sa kama. Sinusundan ko na lang siya nang tingin. "Eat?" utos niya sa akin. Napakabastos talaga ng lalaking ito. Ano ako, aso? Hindi ako sumagot sa halip ay tumingin ako sa kan'ya. "Eat now, Monique. Hindi ka pa kumakain maghapon." Nagbago ang boses niya, na para bang may pagmamakaawa na kumain ako. I cleared my throat. Hindi ko siya sinagot. Lumapit ako sa glass table at umupo sa sofa. Wala na akong pakialam kung tinititigan niya ako, gutom na ako kaya kakainin ko lahat to! Nagsimula akong magsandok ng kanin at ulam. Hindi ko siya tinatapunan ng tingin habang ginagawa iyon. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko. Umusod ako para hindi madikit sa demonyong balat niya. Hindi siya nagsalita, nakaupo lang ito at tinititigan ako, hanggang sa matapos akong kumain ay hindi ko pa rin siya kinikibo. Tumayo ako at kinuha ang dalawang papel na nakatupi. "Here's my letter." Inabot niya 'yon at ibinulsa agad na hindi man lang tiningnan kung anong nakasulat doon. Kampante ba siya na susunod ako sa utos niya? "You didn't even take a look? Hindi mo ba aalamin kung anong sinulat ko?" "What for? Alam kong tumutupad ka sa usapan, Attorney. " Tinaasan ako ng kilay. Oh Really! Gano'n ba talaga ang tingin niya sa akin? Well, tama naman siya. "I will arrange everything tonight. Aalis tayo bukas," sabi niya sa akin na seryoso ang pagmumukha. Hindi ako sumagot. Dahil magkahalo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Iniisip ko pa kung anong buhay ang madadatnan ko doon at hanggang kailan niya ako gagawing bihag niya? "Don't worry, Attorney. Hindi kita papahirapan doon. Hindi ka magsisisi sa pagsama sa akin. You will like what life waiting for you in Spain." Nakangisi itong hinaplos ang kabila kong pisngi. Tinabig ko ang kamay niya. Kumunot ang noo niya at hinawakan ako ulit. "Marumi pa rin ba ang mga kamay ko sa'yo, Attorney?" "Kahit maghugas ka pa ng mainit na tubig, Mr. Fernandez De Garcia, ay hinding-hindi mawawala ang dumi sa mga kamay mo." Biglang dumilim ang mukha niya at umigting ang panga. Hindi siya nagsalita pero nagulat ako ng hawakan ako sa magkabilang braso. Mahigpit ang pagkakahawak niya, na para bang dudurugin ang mga buto ko. Kaya naman pakiramdam ko ay nasasaktan ako sa mga kamay niya. "Nasasaktan ako, Andrei! Take off your hands?" utos ko sa kan'ya. Nakangiwi na ang mukha ko. "How dare you, Attorney!" Itinulak niya ako sa kama. Buti na lang at sa kama ako napaupo at hindi sa sahig. Tinitigan niya ako nang nakakamatay na tingin na para bang gusto akong burahin sa paningin niya upang maglaho nang tuluyan. Lumapit siya sa akin at bumulong sa tainga ko. "Sa susunod na ma-offend mo ako, using your sharp tongue again, I will make you pay!" mabilis niya akong hinalikan sa pisngi. Nanindig ang balahibo ko sa simpleng dampi ng labi niya sa aking pisngi. "Try me, and you will know." Tinitigan niya muna ako bago tumalikod. Nakatulala akong nakatingin sa kan'ya habang papasok siya sa banyo. Bakit gano’n ang pakiramdam ko? Sa simpleng dampi lang ng balat niya sa akin ay para na akong nakukuryente. Ang init ng hininga niya, at pakiramdam kong naiwan pa 'yon sa pisngi kong ginawaran niya ng simpleng halik. *** Dalawang araw pa ang lumipas, na ang buong akala ko ay makakaalis na kami kinabukasan. He’s working on my papers going back to Spain with him. Tingnan mo nga naman ang magagawa ng pera. Impossible may turn into possible. Lalo na sa isang Andrei Fernandez De Garcia, a multi-billionaire man Kinabukasan ay maaga kaming bumiyahe sa airport kasama ang dalawa niyang alalay. Hindi niya binibitawan ang mga kamay ko, na para bang dudukutin ako sa kan'ya. Nang makasakay kami ng eroplano ay doon lang niya binitawan ang kamay ko. Business class ang upuan namin kaya pagkarating namin sa upuan ay agad kong isinandal ang likod para ma-relax. I closed my eyes and let out a deep sigh. "Are you hungry?" Bigla kong narinig na tanong niya. Hindi ako kumibo. Nakapikit pa rin ang mga mata kong sumagot sa kanya. "I am," walang buhay kong sagot na hindi pa rin dumidilat. "What do you want to eat? I can request what you want?" Dumilat ako at tumingin sa kan'ya. Laking gulat ko nang mapagtanto kong nakatitig pala ito sa akin. Binaba ko agad ang tingin. "Anything. I don't mind. Hindi ako mapili,” walang bahid na kaplastikang sagot ko sa kan'ya. Bumuntonghininga siya. Maya-maya ay tinawag ang stewardess at sinabi ang request niya. Habang hinihintay ko ang pagkaing in-order niya para sa akin ay hindi ko maiwasang sumulyap sa gawi niya. He’s seriously looking on his phone screen. Para bang ang lalim nang iniisip niya. Siguro kung nakilala ko siya sa mabuting paraan ay baka isali ko na siya sa listahan ng mga crush ko. He's so damn handsome. Walang babaeng hindi hahanga sa kan'ya. Ang malalalim niyang mga mata, ang matangos na ilong at ang malantik na mga pilik-mata ay lubos na nakakabighani. Isama mo pa ang maganda niyang katawan at matipunong mga braso, na sa tingin ko ay alagang-alaga niya ang kan'yang pangangatawan. Tinapos ko ang panunuri ko sa kan'ya at binaling ang tingin sa likod ko. I saw his two side kick men. Busy din ang mga ito sa kani-kanilang mga cellphone. Hindi nagtagal ay dumating ang pagkain namin. Kaya habang lumilipad ang eroplano ay in-enjoy ko na lang ang pagkain. Binuksan ko na rin ang maliit na flat screen TV sa harap ng upuan at naghanap ng mga American movies. Halos pagtulog lang ang ginawa ko sa buong biyahe namin. Hanggang sa marinig ko na papalapag na pala kami sa Spain airport. Doon lang ako kinabahan nang husto. Malayo na ako sa pamilya ko. Nag-init ang mga mata ko pero pinigilan ko ang mapaiyak. Gabi na sa Spain nang makarating kami. Paglabas pa lang namin sa airport ay may nakita na akong anim na lalaking pare-pareho ang suot. Lahat sila ay nakaitim. Tumango sila kay Andrei habang papalapit kami sa kanila. Hindi na rin binibitawan ni Andrei ang mga kamay ko. "Welcome home, Sir." Isa sa kanila ang naglakas loob na magsalita. Tumango si Andrei sa kanila. Sa tingin ko ay sobra-sobra siyang nirerespeto rito. Sumakay kami sa Bentley car na kulay puti kasama sina Arthur at Ronald. Arthur was the driver. Katabi naman nito si Ronald sa harap, kami ni Andrei ay nasa backseat. Napansin ko na rin ang dalawang itim na sasakyan na sumusunod sa amin. I guess, diyan nakasakay ang anim na lalaking sumundo sa amin. Hindi nagtagal ay narating namin ang mala-palasyong bahay. Na sa tingin ko ay sa lawak niya ay baka kasing laki ng buong hacienda namin sa Antipolo. Namangha ako sa laki ng mansyon ito. May nakasulat pa sa main gate na... ‘FERNANDEZ DE GARCIA’ So, dito siya nakatira? I wonder, nasa loob kaya ang mga magulang niya? Bigla akong kinabahan. Inisip ko tuloy kung anong isasagot ko in case na tanungin nila ako. "We're here. Welcome to my place, baby." Kinabahan ako at nangilabot sa tinawag niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD