Chapter 5

1446 Words
Chapter 5 Maaga akong nagising kinabukasan. Agad kong binuksan ang cellphone ko habang nagkukusot ng mga mata. Alas singko na pala kailangan kunang tumayo. dali-dali akong tumayo tsaka nag unat. liniligpit ko na ngayon ang aking higaan, habang naghihikab padin. "Kuya, Kuya. . . Sorry Patawarin moko kuya." Nakuha bigla ang atensyon ko, dahil narinig kong nagsalita si Teejay. Nag i-sleep talk sya. "Kuya..Sorry." Puro kuya ang bukambibig nya, Teka? May kuya sya? Pero bakit wala akong nakikitang ibang lalake dito.. "Shhh." Tinapik-tapik ko sya, para tumigil na sya sa pag i-sleep talk, mahirap na baka mabangungot sya ng tuluyan, sayang naman mababawasan ang mga gwapo sa mundo. Pinagmasdan ko sya, Mukhang malungkot sya eh. Napa kabait ng mukha pag tulog. He's so cute when he is sleeping, sana lagi nalang syang tulog. Para kasi syang tigre kapag gising eh. Baka matunaw na sya sa wagas na pagtitig ko. Sigurado ako na babalik na yan sa pagiging monster pagkagising nya.  Lumabas nako ng kwarto, para magtrabaho na, yung palang bilin ni Manang, kailangan kong mamalengke ngayon. Yun kasi ang sabi nya kagabe, nasa kin nadin naman yung pera tsaka yung mga kailangan bilhin. Nag tootbrush muna ko tsaka nagtimpla ng milo tsaka kumain ng konting tinapay, tsaka ako nagpalit ng suot.. At pagkatapos nun lumabas nako ng bahay para mamalengke na.. "Ang sabi ni Manang isang sakay lang daw ng jeep mula dito papunta ng palengke." nagpaturo talaga ako, dahil nga sa di ko pa naman kabisado dito. Wala naman daw akong kaligaw dahil malapit lang daw yun. *** Teejay's POV "Oi Teejay gising na! Gising!" sabi ni Manang, habang inaalog alog ako. "Manang naman eh, gusto ko pang matulog! Ang aga-aga pa." inis na sabi ko, ayaw ko pang tumayo dahil masakit pa ulo ko.. "Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka, napaka batugan mo!" Naramdaman kong binagsak nya yung pintuan umalis na siguro sya.. Buti naman. Naramdaman ko nalang bigla na bakit parang ang tigas at ang liit ng kama ko. At bakit iba ang aura, parang hindi ko naman to kwarto ah. Minulat ko ang mga mata ko. Then narealize ko na hindi ko nga pala ito kwarto. Napatayo ako at biglang nawala ang pagkaantok ko sa aking nakita. Teka kwarto to ni shrimp bakit ako andito? Umupo muna ko saglit at hinawakan ang aking ulo para alalahanin yung mga nangyari kagabi kung bakit nga ako napadpad sa kwarto ni shrimp. - Flashback - "Alam mo ayos kana sana eh, hot and sexy ka sana kaso yang mukha mo ang problema," sabi ko habang pilit na lumalapit sakanya. "Umalis ka nga sabi eh!". sigaw nya tapos. tapos. Wala nakong maaalala sa susunod pang nangyari!  Hindi kaya may nangyari saming dalawa ni Shrimp? No way! Umiling iling ako dun sa naisip ko, imposible yung mangyari kahit lasing ako never kong gagawin yun sa pangit. Hindi kaya sya ang nangrape sakin? Eww! pero hindi malabong mangyari yun. Baka sya nga ang pumilit sa 'kin. Pero bakit parehas padin naman ang suot ko. Sa suot ko kahapon? Mukhang wala namang nangyari eh. Kailangan kong makausap ang shrimp na yun! Lumabas ako ng kwarto nya ng galit, binagsak ko ng napakalakas yung pinto. "Shrimp nasan ka! Mag usap nga tayo!" sigaw ko pero walang sumasagot. Pumunta ako ng kusina pero wala sya. "Oi shrimp! Bakit ayaw mong magpakita?!" "Ano ba Teejay! Ke aga-aga! Nagsisigaw ka jan! Sinong shrimp ang hinahanap mo! Nababaliw kana yatang abnormal ka, Wala tayong shrimp ang pangalan na kasama dito sa bahay!" "Manang hindi! Si shrimp! Yung bagong katulong!" "Sira ulo, hindi shrimp ang pangalan nya, si Kriza yun!!" tsk, si Manang di nya gets kung bakit shrimp ang tawag ko dun sa pangit na yun. Matanda na kasi kaya di gets.  "Nasan sya!" sigaw ko ulit, dahil kasi naiinis nako, baka nga tumakas sya dahil nahihiya sya ginawa nyang pag molestya sakin, malilintikan yun pag nakita ko sya. "Wala sya! Namalengke! At pwede wag kang magsisigaw nakakahiya ka!" sabi ni Manang tsaka nya ko pinaghahampas sa braso. "Sumisigaw kadin naman manang eh! Kailan ba ang balik non?" "Maya maya pa yun babalik, bakit muba sya hinahanap may papagawa ka na naman sakanya katulad ng ginawa mo kahapon na pinaglaba mu sya ng sandamukal na damit!" so sinabi nya pala yun kay Manang, palibhasa sipsip. "Hindi Manang! May itatanong lang ako sakanya." "Maya maya pa ang balik nya, at pwede Teejay wag mu syang biktimahan sa kabulastugan na ginagawa mo, pasalamat ka at mabait sya, pasalamat kadin dahil may naghahaba ng pasensya sayo. Kailangan mu syang alagaan dahil di ko na alam kung san pako ulit kukuha ng katulong pag umalis sya." Ano daw alagaan ko yung Shrimp na yun?No way! in her dreams, mabuti nga umalis na yung na yun eh. Because her existence pisses me off. 'Di ko nalang pinansin si Manang kahit nagpupuputak sya, sanay nadin naman ako. Dumiretso nalang ako sa banyo upang maligo, nandidiri ako dahil nagawa kong makatulog sa kwarto ng shrimp na yun! Kadiri talaga, wish ko lang wala talagang nangyari kung hindi, ikasusuka ko kung may nangyari man, yun na ang pinakanakakadiring nangyari sa buhay ko.. Kung wala mang nangyari, nakakadiri padin. Dahil panigurado ako na tabi kaming natulog, bakit pa kasi umepal sa buhay ko yung shrimp na yun, lagi tuloy akong stress ng dahil sakanya. *** Kriza'sPOV Tapos nadin akong mamalengke. Napasubo ako sa pakikipagtawaran, ang mahal kasi ng mga bilihin dito. Tapos napakahirap pang makipagtawaran samantalang dun sa probinsya namin ang dali kong makatawad, reyna ako ng tawaran dun eh, tsaka di masyadong mahal mga bilihin dun, dito mahal na kasi linuluwas pa eh. Habang dino double check ko ang pinamili ko bigla namang nagvibrate ang cellphone ko. Sino kaya to? kinapa kapa ko yung cellphone ko sa aking bulsa, pagkatingin ko dito laking gulat ko nung number lang yung nagtext. Hoy! Shrimp pagkauwi mu sa bahay panguha moko ng damit at pumunta ka dito sa Kenneth's Gym. Bilisan mo pag hindi moko sinunod malilintikan ka sakin. K! Si Master mo to! At may paguusapan pala tayo, kaya bilisan mo. - end of text - Pano nya kaya nalaman number ko? Baka kay Manang Cecilia siguro. Kinuha nya dahil may kailangan sya? Grabe kahit sa text nalang napakaantipatiko at napakasungit padin nya, pede naman kasing sa maayos na paraan sya mag utos diba? Dapat ganun talaga pasungit? Nakakabwisit. Pero may pag uusapan daw kami, Ano naman kaya yun?  Iniuwi ko muna yung mga pinamili ko sa palengke, at sinunod ko yung utos nung lalakeng yun na panguha sya ng damit. Tinanong ko si Manang kung san banda yung Kenneth's gym na yun, buti nalang alam nya, at madali lang daw tong puntahin dahil malapit lang, buti naman. Yung gym palang yun ang favorite gym nya, kaya pala maganda ang katawan nya dahil palagi syang nag wo work out. Pagpasok ko palang ng Kenneth's gym sobrang na o awkwardan nako pano ba naman kasi napakadaming abs, biceps at pogi sa paligid. Bigla akong nakaramdambg pagka-ilang Pinagtitinginan din ako ng iba, tapos biglang tatawa, at alam ko na ang dahilan doon. Luminga linga ako para hanapin kung nasan si Teejay, at buti kaagad ko syang nakita, busy syang nag ba barbel. Pagkakita nya sakin tinawag nya ko. Pagkalapit ko sakanya, puro tawanan lahat ng mga kasama nya. "Who is she Teejay? Girlfriend mo ba?" May halong yabang doon sa tanong ng isang kasama ni Teejay. "Sa tingin mo ba papatulan ko yang ganyan?" Parang gusto kong mag evaporate nalang dahil sa pinagsasabi nila. Ang yayabang kasi. Napayuko nalang ako. "Sabagay pero ayos sya ah, Ang sexy pero ang mukha.." sabi nang isa at muling humalakhak, si Teejay hinahayaan nya lang silang laitin at pagtawanan ako, haler kung ipagtanggol nya kaya ako no?. Kaso malabo yun, nasisiyahan at tuwang tuwa pa nga sya. Habang ako nasasaktan na. Nakapanlulumo kasi, tao lang din naman ako, may feelings at nasasaktan din, palibhasa kasi mga gwapo sila di nila alam ang feeling na linalait. "Pwede ng pagchagaan ang katawan, kaso katawan lang ha. ang baduy nya pare, ka ano-ano mo nga kasi sya?" "Katulong namin sya. Akin na nga yan shrimp." sabi ni Teejay at kinuha nya yung damit.. Hindi ko na napigiling umiyak, dahil sobrang nasasaktan na ako sa mga pinagsasabi nila. "Teka, umiiyak yata sya mga pare!" sabi nung isa, napansin nya yata ako na nagpupunas ng luha. "Oi lagot kayo! Pinaiyak nyo sya." sabi nung isa.. "Oi shrimp umiiyak kaba?" sabi ni Teejay, gusto ko sana syang sagutin ay hindi tumatawa ako. "Hindi. hiyang hiya naman kasi ako sa inyo, kepe-perfect nyong lahat. Oo pangit ako. Pero sana isipin nyo din ang mga binibitawan nyong salita!" sabi ko tsaka ko na sila tinalikuran, at tumakbo ako palabas na ng gym. "Oy Shrimp may sasabihin pako wag ka munang umalis!" sigaw ni Teejay, gagu pala sya eh. Bwiset. Kung di lang talaga mahaba ang pasensya ko. Habang palabas ako, bigla naman akong may nakasalubong kaya nagpunas agad ako ng luha, mukha syang nagtataka..  Nagkatitigan kami ng saglit. "Ayos kalang miss?" tanong nya.. "Ah Oo. Sorry ha. Sige bye." sabi ko tapos umalis na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD