Chapter 4
"Oi shrimp! Labhan mu tong mga to ha! Gusto ko paputiin mo to ng husto, pati nadin to! Ito din! Lahat ng yan!." sabi ng Teejay na to habang pinaghahagis sakin yung mga damit nya na gabundok sa dami.
Pagkakita ko sa mga damit nya, parang gusto ko ng mag collapse dahil sa sobrang dami ng mga ito. Talagang pinapahirapan siguro talaga ako ng lalakeng to, tulad nga ng sabi nya, gagawa daw sya ng paraan para umalis ako dito, pero sorry nalang sya never kong gagawin yun.
"Sigurado ka lahat ng yan?" tanong ko habang nakaturo dun sa mga marurumi nyang damit.
Hinila nya yung isang upuan tapos umupo sya doon ng pabaligtad, nakabukaka sya tapos nakaharap sya dun sa sandalan ng upuan.
"Malamang!" sarcastic na sabi nya tapos inismid nya ko.
Napaka antipatiko talaga.
"Oo na po, bigay mo muna yung 500 pesos ko." sabi ko tsaka ko pumalad sakanya..
"Nagastos ko na. 'Wag kang mag alala mababayad din yun! Bilisan mu nga jan, wag kang babagal bagal! Hindi porke close kayo ni Manang, eh tatamad tamad kana, paka tandaan mo ako parin ang boss mo dito!"
Ayaw nya pading ibigay yung limang daan ko.. Ang bastos nyang magsalita. Kulang ito ng love and attention kaya sya siguro ganito. Napaka ugaling kalye nya eh. Wala syang good manners and right conduct.
"Oo na!" sabi ko tsaka ko pinagpupulot yung mga maruruming damit na pinaghahagis nya, sobrang dami talaga. Di bale, sigurado akong magagalit si Manang Cecilia pag nalaman nya to.
"Nasan pala si Manang?" tanong ko habang nagpupulot parin ng mga damit.
"Nasa ilong ko, nagkakape." pabalang nya ulit na sabi.
Napaka walang kwentang kausap.
"Nagtatanong po ako ng maayos, pwede bang sumagot ka din ng maayos?"
"Wala sya, Nagsimba! at tsaka yung paraan ng pagsasalita mo dapat hindi ganyan, wala kang galang sa boss mo, magsimula ngayon tatawagin mo ko lagi ng master ok? Ayoko ng sir lang, nagkakaintindihan ba tayo??"
Karapat dapat ba syang galangin eh napaka antipatiko nya?
"Opo master." sabi ko nalang para wala ng usapan.. Now I know tama nga yung sinasabi ni Manang, kaya siguro walang nagtatagal na katulong dito, dahil sa bwisit na to..
"Good." sabi nya, tumayo nako, lalabas na sana ako para maglaba, pero bigla nya ulit akong tinawag.
"Oy! sandali lang shrimpy!"
Kanina shrimp, tapos ngayon shrimpy naman. Kakainis talaga. Buti talaga mahaba ang pasensya ko, at hahabaan ko talaga dahil alam ko na may worst pa syang gagawin sa akin..
Humarap ako sakanya. "Yes, bakit master?" sabi ko ng nakangiti, talagang pinipilit kong ngumiti, para mainis sya. Akala nya matitinag ako sakanya ah.
"Pagtimpla mo muna ko ng kape." sabi nya na parang hari kung makapag utos, nagkakape din pala ang mga ganitong klasing tao.
Binaba ko yung mga labahan.
"Sige, anong gusto nyo master may creamer o wala?"
"Wala," Aniya, kaya dali dali ko naman syang pinagtimpla.
May naiisip akong evil idea.
Linagyan ko ng mainit na tubig yung tasa at sinimulan kunang magtimpla ng kape, linagyan ko to ng tatlong kutsarang kape, tignan ko lang kung di sya mapapaitan dito. kala nya ah.. Di ko rin to binigyan ng asukal.
Pagkatapos kong timplahan yung super bitter na kape ko lumapit ulit ako sakanya at binigay ko na ito sakanya.
"Eto na po master." sabi ko kinuha nya naman to..
Pinanuod ko sya habang hinihigop nya to, pero saktong pagkahigop palang nya, bigla namang kumunot ang noo nya.
At iniluwa nya to, talsik sa mukha ko yung kape! With matching laway pa. Eeew!
"Ang pangit ng lasa? Bakit sobrang pait sinadya mu yun ano?!!" galit at pasigaw na sabi nya, kahit papano nakaganti ako, pero kainis sumulpit sakin yung kape sa mukha ko.
"Hindi ko naman po yun sinadya master! Ganun lang po talaga akong magtimpla ng kape." sabi ko habang nakapikit padin.
"Langya ka." sabi nya tsaka nya ko binitawan.. Tapos umalis na sya. At iniwan ako.
Pagkaalis nya, napatawa ako bigla, dahil kasi nakaisa ako dun! nakaganti ako kahit papano, pero nangangamoy kape ako. Tsk naghilamos muna ko tsaka kuna linabhan ang mga damit ng bwisit na Teejay na yon.
***
"Bwisit kasing Teejay na yon, ayaw nyang ipagamit yung washing machine." Kaya eto ako ngayon mano mano ang paglaba sa mga damit nya.
Gagamitin ko na sana yung washing machine, pero bigla nya ba naman akong pinigil.
Kaya eto, manuhan tuloy, ang lalaki pa naman ng mga damit nya, ang dami dami pa! at hindi madaling maglaba ah. Di naman ako makapagreklamo dahil anak sya ng mga boss ko, kaso abusado, pero kaya ko to.
Wala akong magawa, kailangan kong tiisin to.
Mag iisang oras nako sa pagkusot, pagpiga at pagbabrush, bago ko nakalahati ang mga damit na linalabhan ko.
Nakakabwisit talaga.. Ang sakit na ng likod at kamay ko..
All of a sudden bigla na naman syang sumulpot this time napalunok at napanganga ako. dahil kasi topless sya ngayon mukha syang bagong ligo! Uwaaaa anong balak nyang gawin! Naka tapis lang sya ng twalya half naked sya ngayon.
"Labhan mo pati ang mga yan!" aniya sabay hagis ng mga, boxers at mga briefs ang nya.
Eww!
Pati ba naman ang mga yan, papalaba nya sakin!
"H-huh?! Pati ba naman ang mga to?"
"Bakit? Nagrereklamo ka? Utos ko yan kaya kailangan mung sundin, kung ayaw mung sumunod umalis ka nalang dito!" sabi nya. Halimaw talaga ang lalaking to, wala akong masabi. kakaiba sya. Jesus.
"Kakadiri kaya!"
"Mas malinis pa kaya yan sayo!"
Hindi nalang ako sumagot pa, dahil kasi wala naman akong magagawa. At sya umalis na.
Tinignan ko yung mga underwears nya, kaderder naman yung bwisit na yun, underwear nya lang di nya malabhan, kakahiya sya.
Siguro talagang sadya nya lang yon.
Tinignan ko yung mga underwears nya. Grabe hiyang hiya naman ako, pano ba naman kasi puro sila branded, Calvin Klein, Handford, Bench tsaka Hanes, pak na pak diba! puro mamahalin, samantalang yung mga panties ko ay yung puro mumurahin lang, yung mga nabibili lang sa bargain, tiangge at bangketa. Minsan bacon pa nga yung garter eh pero sinusuot ko padin..
Nawiwirduhan lang talaga ako sa lalakeng yun, mayaman pero nagnanakaw.. Buti hindi sya nakukulong, Ano kayang nangyari sakanya, Bakit sya ganun?
Sinimulan kunang labhan ang mga to, inalis ko na ang pandidiri ko, kailangan ko ng sanayin ang sarili ko, dahil sure ako na di lang ngayon ang last time na papagawa nya sakin to.
Lumipas ang ilang oras nakita ko syang lumabas, habang nagsasampay ako ng mga damit, mukhang aalis sya, san kaya palaging pumupunta ang lalaking to? Sure ako mamayang hating gabi na ulit ang uwi nyan..
Sinunandan ko sya ng tingin, Gwapo ka sana eh, kaso yung ugali mo naman, failed. Wala din.
Inaamin ko na gwapo talaga sya, kahit mukha syang gangster, bagay sakanya to. Bad boy look kasi sya, andami nyang piercing sa tenga, kilay at kung saan saan pa, pati nga yata dila may butas eh, di naman sya nakakatakot tignan dahil sa mga hikaw nya, bagay panga sakanya to eh.. Di sya katulad ng iba na mukhang addict..
Tapos ang tangkad pa nya, tapos ang laki pa ng katawan.. Bigla ko tuloy naalala yung kanina, lumapit sya sakin ng nakatapis lang.. Physically ayos sya kaso sa ugali bagsak talaga.
Pero ganun pa man nakakacurious parin ang kanyang pagkatao para kasing may something, ang alam ko kasi ang mga taong ganyan ay kulang sa love eh, baka siguro family problem? Di ko lang sure, makikichismis nalang ako kay Manang Cecilia pag may time, aalamin ko ang tungkol sa pagkatao ni Teejay, baka sakaling pag nalaman ko, ay magawa ko syang intindihin..
***
Pagsapit ng gabi, habang masaya akong nanaginip about sa dream boy ko.
Bigla nalang akong nagising dahil may naramdaman ako na humihimas himas sakin.
Pagdilat ng aking mga mata nakita ko bigla si Teejay na nakayakap sakin. Naitulak ko sya sa sobrang gulat ko.
"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko na natatakot, nagulat nalang kasi ako bigla na nandito sya!
Suminghot singhot ako. Bakit nangangamoy alak?! Lasing sya!
"Ikaw anung ginagawa mo dito, kwarto ko to! Ikaw ang umalis dito shrimpy!" sabi nya, tono palang ng boses nya confirm na lasing nga sya.
"Ikaw ang umalis dito! Kwarto ko to! Ano ba!" Bigla nalang syang lumapit sakin, at itinutok ang mukha nya sa mukha ko, naiinis ako sa amoy nya, tinutulak ko sya, pero ayaw nya kong tigilan.
"Alam mo ayos kana sana eh, hot and sexy ka sana kaso yang mukha mo ang problema." sabi nya, talagang ang lakas padin nyang manlait kahit na lasing na sya. Ilang araw palang ako dito sumasakit na ulo ko dahil sa lalaking to!
"Umalis ka nga sabi eh!" tinulak ko sya, pero muli syang bumalik at lumapit ulit sakin, natatakot na talaga ako, ang creepy kasi ng tingin nya, mukha syang may balak na hindi kanais nais.
"Pero pwede kanang pag chagaan, ang sexy mo kasi eh, takpan nalang natin ng dyaryo ang mukha mo." sabi nya, at wagas padin ang pagtitig nya sakin, hindi lang sya nakakainis manyak pa sya.
"Sira ulo bitawan mo 'ko!" Tsaka ko sya sinipa sa mukha.
Dahil sa takot ko, nasipa ko sya, nakakatakot kasi sya mukhang may balak syang gawin, hindi ko pa kayang ibigay ang V-card ko, porke pangit ako, di na nya ko nirespeto.
Pero tinignan ko sya. Hindi sya gumagalaw at di umiimik. Napasobra yata ang pagsipa ko sakanya, nawalan yata sya ng malay!
Kinulbit kulbit ko sya pero hindi parin sya umiimik, then suddenly bigla ko nalang narinig ang kanyang pag hilik, tulog na pala. Buti nalang! Grabe talaga ang lalaking to.
Hinayaan ko nalang sya, hindi ko na sya ginising, inayos ko nalang ang pagkakahiga nya tsaka ko sya kinumutan.. Pasalamat ka mabait ako.
Sya nalang ang pinatulog ko sa kama at ako nalang ang nagtiyaga sa sahig.