Chapter 3

1059 Words
Chapter 3 Hindi ako makatulog... Kaninang hindi ako nakahiga parang antok na antok ako eh, tapos ngayong nakahiga nako, hindi naman ako makatulog. Naninibago kasi ako dito sa tinutulugan ko, Na ho-home sick ba, dahil nga sa unang gabi ko palang dito, Ayos naman tong maids room nila dito. Ako nga lang mag isa eh, dahil may ibang kwarto si Manang Cecilia. Nakakapanibago dahil may kutson tong tinutulugan ko ngayon, nung nasa probinsya kasi ako, ay papag at banig lang. Nakaka home-sick. Nami-miss ko nadin si mamay, wala syang kasama dun ngayon sa probinsya. Pero la eh, kailangan ko tong gawin para makapagpatuloy sa pag aaral, at dapat masanay nadin ako.. Kahit anong gawin kong posisyon, nakadapa naka side, at kung ano ano ng ginawang posisyon ko sa pagtulog pero wala padin, hindi talaga ako makatulog, kaya ang ginawa ko nalang ay umupo.. Suddenly bigla namang kumalam ang tiyan ko, takte nagaalburoto ang tyan ko.  Nagugutom ako. Hindi pa pala ako nakakain, last akong kumain ay kaninang almusal pa, hindi ako nakapag lunch at nakapagdinner. Nakakahiya naman kung gigisingin ko pa si Manang para magtanong lang ng makakain.. Bahala na gutom na gutom na kasi ako.. Tumayo ako habang hinihimas himas ang aking tiyan. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ng dahan dahan at lumabas ako, na parang tanga, dahan dahan kasi ako kung maglakad, mahirap na baka may makahuli sakin. Pumunta ako dun sa kusina. Buksan ko kaya tong ilaw? Huwag nalang. Baka may makahalata, mas ok na tong madilim. Etong flashlight nalang ng cellphone ko ang aking gagamitin. Dumiretso kaagad ako dun sa ref, pagkabukas ko palang lumuwa na kaagad ang mga mata, Grabe napakadaming pagkain! Wala akong mapili, dahil sa sobrang dami, tamang tama, pwede na to.. Mukhang may tira pa naman, ulam siguro nila ito kaninang dinner, andami eh, puro naka tuppepware, binuksan ko yung isa, at sobrang naglaway ako pano ba naman kasi adobo ito! "Kahit eto nalang." Dali dali kong kinuha yung naka tupperware na adobo at kumuha ako ng plato ng dahan dahan padin, tsaka ko binuksan yung rice cooker, buti may laman pa, kumuha din ako ng kanin. Tsaka naka umupo at kumain na. Panalangin ko na sana aywalang makahuli sakin.. Siguro wala nadin naman nyan, tulog na tulog na si Manang, dis oras nadin kasi ng gabi. Hindi na ako gumamit ng kutsara, nagkamay nalang ako. Sanay naman kasi akong magkamay, tsaka talo talo na. gutom na gutom na kasi ako. Ang saya ko, dahil sa wakas nagkalaman din ang aking tyan. huhugasin ko nalang pagkatapos tong mga pinag gamitan ko para hindi halata.. Pero habang busy ako sa paglantak ng adobo dito, bigla namang bumukas ang ilaw na sya namang ikinabulaga ko. PATAY! Napatigil ako sa paglamon, habang nanlaki ang aking mga mata. Nasamid ako bigla.  May lumabas kasi na lalaki, na mukhang naalimpungatan, kinukuskos kuskos nya kasi ang mga mata nya, pero papikit pikit padin. eto siguro yung anak ng may ari ng bahay na to. Anong gagawin ko? Tumakbo na kaya ako?Nakakahiya to pag nagkataon, Pero teka bakit mukha syang pamilyar? Parang nakita ko na sya. Pagkakita nya sakin, napasigaw sya. Parang nabading bigla pagkakita nya sakin, grabe naman mukha ba talaga akong aswang? nagulat ko talaga sya ng sobra, halata sakanya eh. Nataranta ako bigla. "Over, hindi po ako aswang!! Kalma lang po kayo." sabi ko sakanya tapos tumayo ako. Tapos lumapit sya sa kin na para bang sinusuri nya ko, nung nakalapit na sya. nakilala ko na sya! Eto yung nagnakaw ng pera ko! "IKAW!" sigaw naming dalawa, habang nakaturo sya sakin at nakaturo din ako sakanya. "ANONG GINAGAWA MO DITO?" sabay na naman kami. Anu ba yan, parehas yata kami ng laman ng utak. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat, hindi siguro sya makapaniwala, at ganun din ako. Oh my gosh baka yung sinasabi ni Manang na salbaheng anak ng pamilyang pagsisilbihan ko.  Sya nga siguro yun, mukha nga syang salbahe, kahit gabi na andami nya pading hikaw sa tenga, andami nyang piercing. Kakatakot nga sya, hindi nga ako nagkakamali sya nga yung umisntatch sakin kanina! "Wag mokong tanungin ng ganyan, natural lang na nandito ako dahil pamamahay ko to! Ikaw bakit ka andito! Sino ka ba?" "Sabihin mo muna ikaw yung nagnakaw ng pera ko kanina diba!" sabi ko sakanya tsaka ko sya nilusob.. "Akin na yung pera!" sigaw ko tapos pinaghahampas ko sya, wala akong pake kahit di pa ko nakakapaghugas ng kamay.. Sayang din kasi yun, panggastos ko yun habang wala pakong sweldo. "Bitawan mo nga ko panget! Ang lagkit mo! Tsk! Wala na yung pera mo ginastos kuna!" sabi nya tsaka nya ko tinulak ng napakalakas. Wala ngang modo tong lalaking to. "Anong nangyayari dito!" sabi ni Manang, bigla syang dumating na mukhang nag aalala. "Anong nangyare bakit kayo nagsisigawan? Kriza anong nangyari sayo?" Aniya. tapos itinayo nya ko.. "Manang anong ginagawa nyan dito sa bahay?!" sabi nang lalake. "Teejay sya ang bagong katulong natin dito, sya ang bagong makakasama ko." "Bakit yan pa Manang?" "Sa tingin mupa Teejay may papayag pa bang mamasukan dito? Pasalamat kapa nga dapat sakanya eh. Approved na sya ng daddy mo sinabi ko na sakanila na sya na ang bagong katulong natin dito Ok.. Kaya umayos ka." So Teejay pala ang pangalan nya, Grabe naniniwala na nga akong halimaw sya, hindi halimaw ang mukha pero ang ugali daig pa yata ang halimaw, mukha kasing wala syang sinasanto, pati babae nananakit sya, tulad nga ng nangyari sakin ngayon, kala ko nga sasaktan at bubugbugin na nya ko eh, buti nalang dumating tong si Manang Cecilia. "I will make sure na di magtatagal ang mukhang aswang na yan dito." sabi nya at tumalikod na sya sa aming dalawa ni Manang. Pero yung 500 ko, kailangan ko yung mabawi, di bale di ko sya titigilan hangga't di ko sya nasisingil. Sinabi nya na makakasigurado sya na hindi ako magtatagal? Akala nya siguro susuko ako. No! Approved naman pala ako ng mga magulang nya. Teejay's POV So kaya pala nakasulat dun sa kapirasong papel yung address namin, dahil dito sya magtatrabaho? Anak ng tokwa naman oh! Iinom sana ako ng tubig kanina pero bigla nalang bumuluga sakin ang mukha ng babaeng yun, talagang ang ang kapal pa ng mukha nya ah, kumain sya kanina, mukhang patay gutom. And I super hate her, yung bang kahit wala naman syang ginagawa pero naiinis ako sakanya. Makikita mo palang ang pagmumukha nya, mababadtrip kana. Tapos dito sya magtatrabaho? No way! Tapos dito pa sya titira? Lalong ayoko. Haish, nasira tuloy gabi ko dahil dun sa babaeng yun, kailangan di sya magtagal dito, kailangan kong makahanap ng paraan para sya ang kusang umalis dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD