bc

TEARS OF A BILLIONAIRE'S WIFE JADE MONTEMAYOR ( TAGALOG )

book_age18+
123.8K
FOLLOW
988.4K
READ
billionaire
revenge
second chance
dare to love and hate
others
billionairess
drama
tragedy
addiction
like
intro-logo
Blurb

Billionaire Jade Montemayor at Famous Designer Sofia Sandoval ang itinuturing na perpektong mag-asawa.

Hinahangaan sila ng lahat—mga kaibigan, kakilala, at maging ng kanilang mga pamilya. Para sa lahat, sila ang larawan ng isang pag-ibig na hindi kailanman masisira.

Ngunit sa isang iglap, gumuho ang kanilang masayang pagsasama.

Sa gitna ng business trip ni Jade, nahuli ni Sofia ang kanyang asawa na kasama ang ibang babae. Sa sobrang s4kit ng pagt4taksil, pinili niyang iwan ang lalaking pinakamamahal. Ang hindi alam ni Jade, dinadala na ni Sofia sa sinapupunan nito ang kanilang quadruplets.

Mag-isang itinaguyod ni Sofia ang apat nilang anak sa loob ng maraming taon

Ngunit sa pagbalik nila sa bansa, hindi inaasahang nagkrus muli ang landas ng dating mag-asawa. Ngunit sa halip na pagkakataong maghilom ang sug4t ng nakaraan, isang matinding komprontasyon. At saksi pa ang isa sa mga anak nila na nauwi sa tr4hedya—isang tr4hedyang nagpabago sa kanilang buhay at nagdala kay Jade Montemayor sa kulungan.

Pagkalaya ni Jade, isa na lamang ang hangarin niya—ang mabawi ang babaeng hindi niya kailanman nakalimutang mahalin at ang apat na anak na hindi niya nakasama sa paglaki.

Ngunit paano niya mababawi ang isang pamilyang matagal nang nawala, kung ang mismong mga anak niyang Quadruplets ay g4lit na g4lit sa kanya at ayaw siyang tanggapin bilang kanilang ama?

May pag-asa pa bang maibalik ang pagmamahalan na minsang win4sak ng pagtataksil, mga lihim, at mga taon ng paghihiwalay?

chap-preview
Free preview
Chapter- 1
Tatlong taon na silang kasal, ngunit hindi pa rin sila biniyayaan ng anak. Gayunpaman, wala namang nagbago sa kanilang pagsasama. Masaya pa rin sila dahil mahal na mahal nila ang isa't isa. Isang araw, may kumatok sa gate nila ngunit binalewala iyon ni Sofia. Lately, hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. Naninibago rin siya sa sarili dahil parang may kakaiba. Madalas siyang sumakit ang ulo, mahilo, at magsuka. Kaya't nagpasiya siyang mahiga muna at ipikit ang mga mata, baka sakaling gumaan ang kaniyang pakiramdam. Agaw-antok na siya nang katukin siya ng isang kasambahay. "Ma'am, ipapaalala ko lang po ang pagpunta ninyo sa clinic, baka makalimutan ninyo." "Hindi ho, Manang. Medyo masama lang ang pakiramdam ko kaya nakahiga ako." "Sige po, Ma'am. Magpahinga muna kayo. Kung may kailangan kayo, tawagin n'yo lang ako." "Salamat ho." Halos isang oras din siyang nakatulog, at nang magising ay maayos na ang kaniyang pakiramdam. Mabilis siyang pumasok sa banyo upang maligo. Dapat ay makabalik na siya ng bahay bago dumating ang kaniyang asawa. Pagdating niya sa information desk ay may maikling interview muna. "Mrs. Montemayor, sa OB-GYN po kayo dumiretso," nakangiting pahayag ng staff. "Ha? Bakit doon? Hindi naman ako buntis." "Ang mga sintomas ng nararamdaman ninyo ay katulad ng sa isang buntis." Matapos magpasalamat ay agad siyang tumalikod. Hindi niya maiwasang umasa na sana ay buntis nga siya. Nagtungo siya sa silid ng OB-GYN at naabutang may tatlong buntis na nakaupo sa waiting area. Palihim niyang minasdan ang malalaki nilang tiyan. Maya-maya'y naisip niyang siya rin ay may malaking tiyan. Napangiti siya sa naisip at marahang hinaplos ang impis niyang tiyan. "Mrs. Montemayor, pasok na ho kayo." "Ah, okay. Salamat, Nurse," masayang tugon niya. Naupo siya sa loob ng cubicle ng doktora. Nakangiti ito matapos basahin ang kaniyang personal information. "Halika, Mrs. Montemayor. I-check natin para makasiguro na healthy ang nasa tiyan mo." "Doc, a-ano po ang ibig ninyong sabihin?" "I think buntis ka, Mrs. Montemayor. Mahiga ka rito." Matapos siyang mahiga ay itinaas ng doktora ang kaniyang blouse at bahagyang ibinaba ang kaniyang damit. Nilagyan nito ng gel ang kaniyang tiyan at dahan-dahang iniikot ang hawak na aparato. "Mrs. Montemayor, you are pregnant. At hindi lang iisa ang dinadala mo. Tingnan mo sila—hindi lang kambal, mas higit pa. Hindi pa natin masasabing eksakto kung ilan dahil masyado pang maaga. Sa palagay ko ay nasa two weeks pa lang sila sa tiyan mo." "Doc, salamat ho." Hindi maipaliwanag ang sobrang saya na kaniyang naramdaman. Sigurado rin siyang mas matutuwa ang kaniyang asawa kapag nalaman ang balita. Matapos mabigyan ng reseta para sa vitamins ay nagpaalam na siya sa mabait na OB-GYN. Sobrang saya niya. Sa wakas ay nagbunga rin ang kanilang pagmamahalan. Hindi na siya makapaghintay kaya muli niyang tinawagan ang asawa, ngunit wala pa ring signal ang cellphone ni Jade. Dalawang oras na nakatulog si Sofia matapos uminom ng vitamins. Pagkagising ay sinilip niya ang kaniyang cellphone kung may mensahe o tawag ang asawa, ngunit wala pa rin. Madilim na sa labas kaya bumangon siya at naghanda ng lulutuin—ang paboritong ulam ng kaniyang asawa. "Ma'am, ako na ho ang magluluto. Baka hindi pa rin maganda ang pakiramdam ninyo." "Okay na ako, Manang. Salamat." Ayaw niyang ipagkatiwala sa iba ang paghahanda ng pagkain ng kaniyang asawa. Mas gusto niyang siya mismo ang magsilbi rito, at masaya siya sa ginagawa niya. Maya-maya ay nakarinig sila ng sasakyang huminto sa tapat ng gate. Pinuntahan iyon ng isang kasambahay upang alamin kung sino ang dumating. Pagbalik nito ay may dala itong isang brown envelope at ipinatong sa mesa. "Ano 'yan?" "Nakita ko ho sa labas ng gate." Agad niya iyong dinampot at nagtungo sa living room. Naupo siya sa sofa at mabilis na binuksan ang envelope. Pagkabuhos niya ng laman sa ibabaw ng center table ay hindi siya agad nakagalaw sa sobrang pagkabigla. Unti-unti siyang napaluhod sa carpet dahil pakiramdam niya ay anumang sandali ay babagsak siya. Ilang ulit niyang tinitigan ang mga larawan, umaasang namamalikmata lamang siya. Ngunit malinaw na ang lalaking nasa mga larawan ay ang kaniyang asawa, kasama ang isang babae na kung pagmamasdan ay masaya silang nagsasama. Walang tigil ang pagpatak ng mga luha ni Sofia habang nakatitig sa mga larawang nasa harapan niya. Wala nang mas sasakit pa kaysa makita ang asawang may iba. At hindi lang iyon—magkakaiba ang petsa ng mga larawan. Ibig sabihin, matagal na siyang niloloko ng kaniyang asawa. Kahit pakiramdam niya ay pinipiga ang kaniyang puso sa sobrang sakit, tiniis niya iyon. Itinago niya ang mga larawan dahil gusto muna niyang makasiguro. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ng kaniyang asawa dahil mahal na mahal siya nito. Kumakapit pa rin siya sa munting pag-asa. "To see is to believe." Kahit nakalatag na sa kaniyang harapan ang mga ebidensya, ayaw pa ring tanggapin ng kaniyang isipan ang katotohanan. Gusto pa rin niyang isipin na walang katototohan ang mga larawan… pilit pa rin niyang pinaniniwalaan ang sarili na mahal siya ng kaniyang asawa. Baka edited lamang ang mga iyon at may taong gustong sirain ang kanilang pagsasama. Hindi pa rin niya tinanong ang asawa, naghintay pa siya ng ilang araw. At habang lumilipas ang mga araw, lagi nang gabing umuuwi ang kaniyang asawa, ngunit ni minsan ay hindi niya ito tinanong. Ayaw niyang aminin sa sarili na natatakot siyang marinig mismo sa bibig ni Jade na totoo ang lahat ng nasa mga larawan. Hanggang isang araw… "Honey, please pakiayos ang mga gamit ko para sa isang linggong stay doon. May conference ako sa Davao." Agad naman siyang tumalima. Inihanda niya ang lahat ng kakailanganin ng kaniyang asawa at maingat na inilagay ang mga iyon sa isang maleta. Palihim din niyang inalam ang schedule at oras ng flight nito. Nang makaalis na si Jade, dali-dali niyang kinuha ang kaniyang mahahalagang gamit. Hindi siya nagsayang ng oras at agad ding lumipad patungong Davao. Malakas ang kabang may halong takot, ngunit kailangan niyang gawin iyon. Nag-check in si Sofia sa isang hotel na malapit sa tinutuluyan ng kaniyang asawa. Nagsuot siya ng blonde wig at black shades na lalong bumagay sa kaniyang maputing kutis. Kahit magkasalubong pa sila ni Jade ay hindi siya nito makikilala sa bago niyang ayos. She's so beautiful, parang isang Hollywood actress. Kaya bakit nagawa pa rin siyang ipagpalit ng asawa sa iba? Palihim niyang sinundan si Jade nang pumasok ito sa isang five-star hotel. Diretso sa loob ng restaurant, sumunod parin siya at umupo sa bahaging malapit sa table inuupuan nito… halatang may hinihintay panay sulyap sa relong pambisig’. Ten minutes later, isang magandang babae ang lumapit at hinalikan sa pisngi ang kaniyang asawa. Akala ni Sofia ay uupo lamang ito sa katapat na upuan, ngunit muli nitong hinalikan si Jade—sa labi pa. Doon ay hindi na niya kinaya. Nagmamadali siyang tumayo upang umalis. Mahigpit niyang kinuyom ang kaniyang kamao sa galit. Ang babaeng iyon ang nasa mga larawang natanggap niya at siyang kaniig ng kaniyang asawa. Habang nag-uunahan ang kaniyang mga luha sa pagpatak, mabilis siyang lumabas ng hotel. Sofia is going back to Manila. Hindi siya martyr, at hinding-hindi siya magmamakaawa kay Jade para lamang balikan siya nito. Siya si Sofia Villamor Sandoval at hindi kailanman luluhod upang pigilan ang isang lalaking gustong umalis. Wala rin siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ginusto iyon ng kaniyang asawa, kaya dapat nitong panindigan. Si Sofia Villamor Sandoval ang bunso sa tatlong magkakapatid. Galing siya sa isang mayamang pamilya, at hindi lang basta mayaman—isa sila sa pinakamayaman sa buong bansa. Agad siyang lumipad patungong Europe. Hindi siya ang tipo ng babaeng magmumukmok sa isang sulok. Sapat na ang isang araw na pag-iyak para sa kataksilan ng asawa. Tatanggapin niyang muli ang kaniyang pagiging isang sikat na designer. At kahit tatlong taon siyang nahinto sa industriya, hindi iyon nakabawas sa kaniyang kasikatan. Makalipas ang isang linggo, panay ang busina ni Jade sa harap ng gate, ngunit walang nagbubukas. Sinubukan niyang tawagan ang asawa, ngunit naka-off ang cellphone nito. Wala siyang ibang nagawa kundi akyatin at talunin ang bakod. Madilim ang buong bahay kaya nagtaka siya kung nasaan ang kaniyang asawa. Wala din ang mga kasambahay? Nagmamadali siyang pumasok at binuksan ang mga ilaw. Pagod siya sa biyahe kaya umakyat agad sa kanilang silid upang magpahinga. Inisip niyang baka nasa lakwatsa lamang si Sofia at nalibang. Ngunit natigilan siya nang mapansin ang nakapatong sa side table. Annulment papers... at ang mga hubad nilang larawan ng babaeng kasama niya. Bigla siyang kinabahan. Agad niyang binuksan ang closet, ngunit wala na roon ang lahat ng damit ng kaniyang asawa. Nanghina siya at napaupo sa kama. Tuluyan na nga siyang iniwan ni Sofia. Gusto niyang magwala, ngunit kanino nga ba siya magagalit? Kung hindi sa sarili, dahil hinayaan niyang masira ang kanilang pagsasama. Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan, ngunit walang nakaaalam kung nasaan si Sofia. Ibig sabihin, wala na ito sa bansa. At dahil maimpluwensiya rin ang pamilya Sandoval, walang nagawa ang yaman niya hindi talaga matunton ng nga tauhan kung saan ito nagtatago. Agaw kamalayan siya nang isang malakas na ring ng telepono ang gumising sa kaniya. Sinagot niya ang tawag. “Yes, speaking?" "Pare, buksan mo ang CNN News, bilis!" Kahit alimpungatan pa ay agad niyang sinunod ang kaibigan. Latest News: Interview with the famous designer, Ms. Sofia Villamor Sandoval. "Marami ang nagsasabing iniwan mo noon ang matagumpay mong career para kay Jade Montemayor. Gaano ito katotoo? Bukod pa riyan, usap-usapan ding hiwalay na kayo ng asawa mo. Third party ba ang dahilan?" Halos hindi makahinga si Jade habang hinihintay ang sagot ng kaniyang asawa. "Yes! We are already annulled, at may bago na siyang pamilya. That's all." Hindi na niya hinintay ang iba pang sasabihin ni Sofia at agad niyang pinatay ang TV. Hindi kailanman tayo maghihiwalay! Mananatili kang Montemayor, Sofia! Tandaan mo 'yan. Akin ka lang! Mula nang iwan siya ng asawa, naging mainitin ang kaniyang ulo at palaging nakasigaw sa loob ng kumpanya. Dave is calling him. "Yes, Kuya?" "Pumunta ka dito sa mansion. Mom is waiting for you. Dito ka na mag-dinner." "Okay. Within thirty minutes, I'll be there." Pagdating niya sa mansion ay sinalubong siya ng kaniyang makukulit na mga pamangkin. "Uncle!" Napangiti siya, ngunit may kirot sa dibdib. Naiinggit siya sa mga kapatid dahil may mga anak na ang mga ito, samantalang siya ay iniwan ng asawa nang hindi man lamang sila nagkaroon ng anak. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang pag-alis ni Sofia. Ngunit alam niyang siya ang may kasalanan. Nagsinungaling siya at hindi sinabi rito ang buong katotohanan. Kahit magsisi pa siya ngayon, huli na ang lahat. Kilala niya si Sofia, isa itong Sandoval na walang kinatatakutan. Mabuti na lamang at hindi siya ipinabugbog ng mga pinsan nito. "Malalim na naman ang iniisip mo, Jade?" puna ng kaniyang mommy. "Bakit hindi mo subukan sundan ang asawa mo at kausapin?" Umiling lamang siya. - Years have passed. "Welcome to Mactan Airport." Sofia is here in the Philippines. May schedule siya sa isang sikat na modeling agency para sa launching ng kaniyang mga bagong design. Sa SMX Cebu Convention Center gaganapin ang event. Umaasa siyang hindi sila magkukrus ng landas ng kaniyang dating asawa. Yes, she is still married to Jade. Ilang beses na siyang humingi ng kopya ng annulment papers na iniwan niya, ngunit nalaman niyang hindi pala iyon pinirmahan ni Jade. Hanggang ngayon ay masakit pa rin, dahil kahit baligtarin man ang mundo, mahal na mahal pa rin niya ang kaniyang asawa. Naputol ang kaniyang pag-iisip nang tawagin siya ng manager ng modeling agency. "Ms. Sofia, nagkaroon ng emergency ang isa sa aming modelo at hindi siya makakarating. Siya pa naman ang magsusuot ng pinakaimportanteng design ninyo. Pasensya na, pero puwede bang kayo na lang ang rumampa?" Wala siyang choice dahil mga design niya ang ila-launch. Tumayo siya at mabilis na nag-ayos. "Pang-ilang number ako?" "Ikaw ang pinakahuli." Halos hubad na ang buong likod niya dahil sa tabas ng couturegown at naiilang siya. "Ms. Sofia, be ready!" Wika ng event organizer. Namatay ang lahat ng ilaw at isang malaking spotlight ang tumutok sa kaniya. Lumakas ang mga bulungan nang magsimula siyang maglakad. Pakiramdam ni Sofia ay naging slow motion ang bawat hakbang niya. Samantala… sa Montemayor Mansion, napamulagat si Laurice sa kaniyang nakita. "Mommy! 'Di ba si Ate Sofia 'yan?" Naglapitan din ang kaniyang mga kuya upang panoorin ang modeling show. "Oo, si Ate mo nga 'yan! Bilis, tawagan mo ang Kuya Jade mo!" Agad nitong tinawagan ang kapatid. "Kuya, buksan mo ang TV, bilis! Si Ate Sofia nasa Pilipinas! Nasa Cebu siya!" Hindi napigilan ni Jade ang mapaluha habang pinapanood si Sofia sa malaking screen ng TV. Muntik pa niya itong hindi maabutan dahil halos tapos na ang fashion show. "My wifey... I miss you so much," anas niya. Habang umiinom ng whisky ay tinawagan niya ang kaniyang kapatid. "Kuya Dave, I need the private plane. Lilipad ako patungong Cebu." "Okay. Mag-ingat ka, and good luck." Hindi na ako sumagot agd kong sinara ang cellphone ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy Granpa

read
312.6K
bc

Wife For A Year

read
74.3K
bc

His Six Months Rule

read
34.6K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
70.4K
bc

My Cousins' Obsession

read
197.7K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
66.9K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
289.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook