STEPHANIE
Ilang minuto na kaming nakahiga sa sahig. Nakaunan ang ulo ko sa braso niya habang nakasiksik sa dibdib niya ang mukha ko. Nakayakap din ang isang kamay ko sa katawan niya. Ramdam ko na ang pamimigat ng talukap ko. Inaantok na ako. Ilang sandali pa ay nanginginig na ang katawan ko dahil sa lamig. Nakabukas pa ang long sleeve na suot ko. Wala pa akong suot sa ibabang bahagi ng katawan ko, kaya nakalantad pa ang p********e ko.
“SJ,” bulong niya sa akin.
“Hmm?”
“Nilalamig ka na.”
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Nahalata pala niya. Sa halip na sumagot, niyakap ko lang siya at binaon pa ang mukha ko sa dibdib niya para iparating na wala pa akong balak na umalis sa pwesto namin kahit nilalamig na ako.
“Baka sipunin ka, Stephanie, kapag dito tayo natulog. You haven’t eaten yet. Kumain ka muna bago tayo pumasok sa kwarto.”
Pumalatak ako. “Ngayon nag-aalala kang magkasakit ako. Sino ba ang nagdala sa akin sa ganitong sitwasyon?”
“Pero hindi ko kasalanan na ayaw mong umalis dito. Oh, or maybe you’re just enjoying holding me close?”
Mabilis pa sa alas kwatro na lumuwag ang kamay ko at nilayo ang mukha sa dibdib niya. Mayamaya lang ay tinulak ko na siya. Dinala ko agad ang braso ko at tinakip sa mata ko, saka kinapa ang boxer short na hinubad niya sa akin kanina.
“Pagkatapos ng nangyari, ngayon ka pa nahihiya.”
“Gago ka ba? Pinilit mo ako sa bagay na ayaw ko, kaya nagawa mo ang gusto mo!” katwiran ko, nanatiling nakatakip ang braso ko sa mga mata ko. Wala akong pakialam kung CEO siya. Wala kami sa opisina niya para galangin ko siya.
“For real, SJ? No wonder you let out those moans,” he said in a sarcastic tone.
Tumigil akong kapain ang hinahanap ko. Naalala ko ang mga ungol na ginawa ko kanina. Kaya lang naman ako umungol dahil may ginagawa siya sa p********e ko.
“So, ano ba dapat ang maging reaksyon ko? Tumawa habang may ginagawa ka sa akin? Patawa ka, Allendrano?” inis na sabi ko. Ginawa niya akong baliw kapag iyon ang gawin kong reaksyon.
Bahagya ko siyang sinilip nang marinig ko ang tawa niya. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko siyang tumatawa. Muli kong tinakip ang braso ko nang tumingin siya sa akin. Mayamaya lang ay naramdaman kong may sinusuot na siya sa paa ko. Mabuti naman at nakaramdam ang boy labo na ito.
“Halika na. Sabay na tayong kumain.” Pagkatapos kong isuot ang boxer, nagulat ako nang tinanggal niya ang takip sa mata ko. Kaagad nagtagpo ang aming mga mata. “Get up, SJ.” Tumayo siya at nilahad ang kamay sa akin. Inabot ko ang kamay niya at inalalayan niya akong tumayo.
Pagtayo ko, hindi na ako nakahuma nang isa-isa niyang inayos ang butones ng suot ko. Habang ginagawa niya ito ay titig na titig ako sa mukha niya. Wala siyang suot na salamin katulad ko.
I have to admit—he is truly attractive, even without his glasses on.
“Don’t look at me, SJ…” Dahan-dahan niyang nilipat ang tingin sa akin. Huli na para umiwas ako. “As if I’m the only handsome guy in your eyes,” dagdag niya.
Pumalatak ako. Hindi lang pala siya mapanghusgang tao, dahil mayabang din siya. Inirapan ko na lang siya at tumalikod. Oo, gwapo siya sa paningin ko, pero hinding-hindi ko ito sasabihin sa kanya.
“Hihintayin kita sa dining area, SJ. Huwag mong hintayin na ako pa ang pumunta sa ‘yo. I’m still not satisfied, Stephanie Jane. Baka ikaw ang gawin kong panghimagas kapag pinili mo ang katigasan ng ulo mo!” makahulugan niyang sabi habang naglalakad ako palayo sa kanya. Hindi na ako inosente para hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
Diretso agad ako sa banyo. Nararamdaman ko pa rin ang pamamasa sa pagitan ng hita ko, kaya kailangan kong maghugas. Pagkatapos, pumunta agad ako sa closet at kumuha ng boxer at pajama niya. Mas mabuting pajama ang isuot ko para balot ang buong katawan ko. Dinampot ko muna ang cellphone ko bago lumabas ng silid. Baka totohanin niya ang sinabi kanina kapag naghintay pa siya ng matagal.
Mabilis kong nakita ang dining area. Naabutan ko siyang nakaupo at mukhang hinihintay lang ang pagdating ko. May pagkain na rin sa mesa. Nang muli kong binalik ang tingin sa kanya, nahuli ko siyang pinapasadahan ako ng tingin.
“Even with your body covered, I can see you naked, SJ.”
Inirapan ko siya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Umupo na lang ako at kumuha agad ng pagkain. Ngayon ko naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko.
“Bukas na ba tayo magsisimula?” tukoy ko sa interview na gagawin namin.
“Yeah, it’s way better to do it in the morning.”
Natigilan ako at napatingin sa kanya. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko nang makita ang kakaibang tingin na pinupukol niya sa akin. Nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin.
“Bastos ka talaga, ano?”
Malalim siyang bumuntong-hininga at umayos ng upo. Tinuon niya ang atensyon sa pagkuha ng pagkain.
“Kung sino man ang madumi mag-isip sa ating dalawa, ikaw ‘yon, SJ. Binibigyan mo ng kahulugan ang mga sinasabi ko kahit wala naman talaga.”
Umikot ang mata ko. Hindi ako tanga para hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. Tingin pa lang niya, alam kong may naglalaro na sa utak niya. Tinuon ko na lang muli ang atensyon sa pagkain. Ayokong mawalan ng gana dahil lang sa sagutan namin.
“How old are you, SJ?”
“Twenty-four,” sagot ko. Sa gilid ng mata ko ay tumingin siya sa akin.
“Seryoso akong nagtatanong, Stephanie Jane,” matigas niyang saad, kaya binalingan ko siya. Akala siguro niya ay hindi ako nagsasabi ng totoo.
“Seryoso rin ang sagot ko, Allendrano,” ganting sagot ko. Sinagot ko lang ang tanong niya, pero hindi naman pala siya maniniwala.
“Late ka na nag-college?”
“Yes, huminto ako ng dalawang taon.”
“Why?”
Natigilan ako. Naalala ko na naman ang naging dahilan kung bakit huminto ako sa pag-aaral. Pero hindi ko pinagsisihan na huminto ako, bagkus, ginawa ko pa itong inspirasyon para magpatuloy ako sa laban ng buhay.
“Financial problem,” sagot ko na lang. Hanggang doon lang ang kaya kong ikwento. Hangga’t maaari, ayokong ibahagi sa iba ang mga pinagdaanan ko sa buhay sa mga nakalipas na taon. Kahit mga kaibigan ko, wala silang ideya tungkol sa akin. Isa pa, may pinoprotektahan ako, kaya pinili kong maging pribado ang buhay ko sa iba.
“Anong ginawa mo sa dalawang taon na huminto ka?”
Tiningnan ko siya. Nakapagtatakang bigla siyang naging interesado sa buhay ko.
“Naghahanap ka lang ng dahilan para husgahan na naman ako.” Bigla akong nagka-phobia sa panghuhusga niya. Parang inaasahan ko na lagi na kapag nag-uusap kami ay hindi mawawala ang panghuhusga niya sa akin.
Napatitig siya sa akin. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ano kaya ang tumatakbo sa isipan niya ngayon?
Muli niyang tinuon ang atensyon sa pagkain. “I’m just curious about how you met my grandfather.”
“Sinabi ko na sa ‘yo, tinulungan ko si Sir Don. Sabagay, kahit ano naman ang gawin kong paliwanag sa ‘yo, hindi mo ako pakikinggan.” Inirapan ko siya nang tumingin siya sa akin.
“Where did you meet him? Was it at a nightclub?”
Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Napatingin ako sa kanya. He gave me a cold look.
“Paano mong—” Naputol ang sasabihin ko dahil mapang-uyam siyang tumawa. Nagsalubong ang kilay ko dahil biglang dumilim ang mukha niya.
“That’s exactly why I don’t like you being with my grandfather. Dahil alam ko kung saan ka niya pinulot. Bakit kailangan mong magpanggap na inosente ka, Stephanie, kung dati ka palang nagtrabaho sa nightclub?”
Humigpit ang hawak ko sa kubyertos na nasa kamay ko. Hindi ko siya masisisi kung mababa ang tingin niya sa mga nagtatrabaho sa club, pero hindi katanggap-tanggap na maliit ang tingin niya sa mga babaeng nagtatrabaho roon. Hindi niya alam ang kwento ng mga babaeng piniling magtrabaho sa club, kaya sila napunta sa ganoong sitwasyon.
“Ayokong magpaliwanag sa ‘yo. Kung iyan ang tingin mo sa akin, bahala ka. Hindi ko hawak ang utak mo. Kaya bahala ka na kung ano ang gusto mong isipin sa akin.” Kung alam lang talaga niya ang dahilan kung bakit naroon ako sa nightclub ng gabing nakilala ko rin ang lolo niya.
Pagkatapos ng sinabi ko, namayani na ang nakakabinging katahimikan sa dining area. Pero ramdam ko ang titig niya sa akin habang kumakain kami. Pagkatapos kumain, nagpresenta akong maghugas ng pinggan. Hindi ko na rin naramdaman ang presensya niya, kaya nakahinga ako ng maluwag. Mayamaya lang ay natigilan ako nang balikan ko ang sinabi niya. Bigla akong napaisip. Ibig sabihin, pumupunta rin siya sa club na ‘yon?
That nightclub is full of high-profile people. But once you walk through those doors, there’s no getting out. Pero hindi ko nakilala si Sir Don sa loob ng club, dahil sa labas nagtagpo ang aming landas.
Shit, masyado nang lumiliit ang mundo!
Pagkatapos kong maghugas, pumunta ako sa sala. Hindi ko siya nakita sa sala, kaya baka nasa kwarto na siya. Dito na lang ako, kaysa tumabi ako sa kanya. Umupo ako sa sofa at binisita ang cellphone ko. Baka naghihintay ng sagot si Cianne. Pagbukas ko ng chat box, isa-isang dumating ang mga mensahe sa akin. Nang makitang may mensahe si Yohann, ito muna ang binuksan ko. Napangiti agad ako nang makita ang mga larawan na pinadala niya sa akin. Ilang sandali pa ay tumitipa na ako ng mensahe na ipapadala ko sa kanya.
Baka pumunta ako sa Linggo ng gabi.
Naghintay ako sa sagot niya. Makalipas ang ilang sandali, lumabas na ang bubble sa chat box. Lumawak ang ngiti ko nang mabasa ang sagot niya.
Got it. We’ll wait for you. Miss ka na namin, sabi niya, na may kasamang tumatawa na sticker. Alam kong nagbibiro lang siya, kaya natawa ako.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Paano na lang kung wala si Yohann? Hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Kung hindi rin dahil sa kanya, baka sumuko na ako sa buhay. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Ang group chat naman namin ng mga kaibigan ko ang binuksan ko. Ang dami na nilang pinag-usapan. Humingi na lang ako ng pasensya sa kanila at sinabing bukas ko na lang babalikan ang mga pinag-usapan nila. Pagkatapos ko magpadala ng mensahe, biglang nag-chat si Wella sa akin.
Pwede ba kitang tawagan?
Hindi na ako sumagot sa mensahe niya dahil ako na ang kusang tumawag sa kanya. Isang ring pa lang ng telepono niya ay sumagot na siya.
“Bestie!” Napangiwi ako at bahagyang nilayo ang cellphone sa tainga ko. Nabingi ako sa tili niya.
“Hinaan mo naman ang boses mo. Muntik nang mabasag ang eardrum ko sa tili mo,” reklamo ko sa kanya, pero natawa lang siya sa sinabi ko.
“Masyado ka naman nag-enjoy kasama si pogi. So, kumusta? Anong balita sa iyong perlas?”
Umikot ang mata ko. Sa dami ng sasabihin niya, perlas ko pa talaga. Bigla kong naalala ang tagpo sa pagitan namin ng lalaking iyon. Pinilig ko na lang ang ulo ko para iwaglit ang tagpong iyon dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kaibigan ko.
“Tumigil ka nga riyan. Ano pala ang mga pinag-usapan ninyo ni Ci sa group chat natin? Tinatamad na akong balikan. Sabihin mo na lang sa akin.”
Narinig ko ang malalim nitong buntong-hininga sa kabilang linya. “So ito na nga, bestie. Ito kasing si Cianne, nagrereklamo sa akin. Nag-aalala siya na baka hindi mo ituloy na ibigay sa kanya ang interview sa pogi na CEO.”
Kinagat ko ang ibabang labi ko at mariing pumikit. Napahilot na lang ako sa sentido ko. Biglang sumakit ang ulo ko. Umayos ako ng upo.
“Ang totoo niyan, Wel, ayaw pumayag ni Mr. Caivano. Pero susubukan ko pa rin makiusap bukas.”
“Magkasama pa rin kayo?”
Hindi nila pwedeng malaman na kasama ko pa rin ito. Baka kung ano ang isipin niya.
“Hindi. Nasa apartment na ako.”
“Galing kami ni Cianne sa apartment mo kanina. Wala ka kasi sa shop, kaya pinuntahan ka namin sa tinutuluyan mo.”
Natigilan ako. Naalala ko, pinaalam pala ako ni boy labo sa trabaho. Alam kaya nila na hindi ako papasok hanggang Linggo?
“Kararating ko lang. Sinong nakausap n’yo sa shop?”
“Yong isa sa mga katrabaho mo. Naka-leave ka raw hanggang Linggo.”
Ginulo ko ang buhok ko. Bigla akong na-stress. Hindi ko alam kung ano ang ibibigay kong rason.
“Ah, oo. Nag-file ako ng leave. Pasensya na kung hindi ko agad sinabi sa inyo.”
“Sige, mag-usap na lang tayo bukas. Pupuntahan kita riyan.”
Namilog ang mata ko. Mag-iisip na na naman ako ng dahilan para hindi niya ako puntahan sa apartmen.
“Aalis ako bukas, Wel. Sa Lunes na lang.”
“Ganoon ba? Sige, see you on Monday. Sabihin mo kay Cianne ang sinabi mo sa akin. Baka kasi umasa. Para ang Tito na lang niya ang ma-interview ulit.”
“Paano ka?”
“Don’t worry, nakausap ko na si Heide. Papa niya ang ma-interview ko.”
Napangiti ako. Mabuti na lang ay may nahanap agad siya. Mas lalo kong napatunayan na mabait pala talaga si Heide.
Frustrated akong nagbuga ng hangin at mabigat na sumandal sa backrest ng sofa. Tumingala ako at pumikit. Lalo lang sumakit ang ulo ko pagkatapos kong makipag-usap sa kaibigan ko.
“Bakit hindi mo sinabi na kasama mo ako?”
Nagulat ako nang marinig ang boses niya. Lumingon agad ako. Nakita ko siyang nakahalukipkip na nakatayo habang nakasandal ang likod sa pader.
“K-kanina ka pa riyan?”
Umalis siya sa kinatatayuan niya at nakapamulsang naglakad palapit sa akin. Umupo siya hindi kalayuan sa akin. Malamig niya akong tinitigan. “It doesn’t matter kung kanina pa ako dito. Ang tanong ko ang sagutin mo. Bakit ayaw mong sabihin na kasama mo ako?”
Umiwas ako ng tingin sa kanya. “Ayokong may isipin silang hindi maganda sa akin,” katwiran ko.
“Kaya ka nagsinungaling?” Napatingin ako sa kanya ng pagak siyang tumawa. “Gusto mong laging mabait sa paningin nila. Ang hindi nila alam, may kaibigan silang mapagpanggap.”
Humugot ako nang malalim na buntong-hininga. “Ayokong makipagtalo sa ‘yo,” sabi ko na lang. May katotohanan naman kasi ang sinabi niya. Impit akong napatili nang hawakan niya ang kamay ko at bigla na lang ako hinatak palapit sa kanya. Mabuti na lang ay naitukod ko ang mga kamay ko sa dibdib niya, dahil kung hindi ay tatama ang labi ko sa labi niya. “A-ano bang problema mo?” inis na sabi ko. Akma akong aalis, pero pinigilan niya ako.
“Ikaw ang problema ko, SJ,” tiim bagang niyang sabi.
“Hindi mo ako kailangan problemahin, Allen. Hindi ako magiging tinik sa 'yo. Kung iniisip mo na huhuthutan ko si Sir Don, nagkakamali ka. ‘Yong pera na ginagastos ko sa school at sa sarili ko, dugo’t pawis ko ‘yon. Kung ayaw mong maniwala, hindi ko na problema ‘yon!” Sinubukan ko ulit umalis sa harap niya, pero namilog ang mata ko nang muli na naman niya akong hinagkan sa labi.