STEPHANIE
Para lang makawala sa kanya, binaon ko ang kuko ko sa balat niya. Pero parang hindi man lang siya nasaktan sa ginawa ko dahil nanatiling nakalapat ang labi niya sa akin. Hanggang sa may pumasok na ideya sa isip ko. Wala namang mawawala kung susubukan ko.
Akma ko sana siyang kikilitiin sa kanyang tagiliran, pero saka naman niya pinaghiwalay ang aming mga labi. Mabilis naman agad akong sumagap ng hangin. Mayamaya lang ay napasinghap ako nang dinala niya ang kanyang kamay sa leeg ko. Sa laki ng kamay niya, halos sakupin na niya ang buong leeg ko.
“Mahirap ba akong halikan, SJ? Just kiss me back, and then we’re finished here!” matigas niyang sabi. Halatang naubusan na naman siya ng pasensya sa akin dahil hindi ako tumugon sa halik niya.
“Ganito mo ba tratuhin ang mga babaeng dumadaan sa mga kamay mo? Masaya ka ba na ginaganito mo ako? Bakit hindi mo na lubusin para isang bagsak na lang. Hindi ‘yong ganitong oras-oras mong pinaparanas sa akin ang masama mong ugali, Mr. Caivano!” matapang kong saad. Kung ipapakita ko na kaya niya akong manduhan, baka mawili siya. Kaya hangga’t kaya ko siyang kontrahin ay gagawin ko.
Hindi ko siya maintindihan. Una pa lang naming paghaharap ay pinaramdam na agad niya ang pagkadisgusto sa akin. Pwede ring hindi na ituloy ang interview, pero pinilit pa rin niya kahit umatras na ako. Idadahilan pa niya ang lolo niya, kung wala naman itong magagawa kung ayaw talaga niya. Tapos ngayon, namimihasa na siya kakahalik sa akin. Nagagalit pa siya dahil hindi ako tumutugon. Natural na hindi ako tumugon sa halik niya dahil pinupwersa niya ako. Isa pa, hindi naman niya ako kasintahan para halikan niya kung kailan niya gusto.
Walang emosyon siyang napatitig sa akin. Sobrang hirap niyang basahin. Mayamaya lang ay unti-unting sumilay ang pilyang ngiti sa labi ko, dahilan nang pagsalubong ng kilay niya. Bakit hindi ko ito naisip kanina. Lumagkit ang tingin ko sa kanya.
“What are you doing?” nagtatakang tanong niya.
“Baka kaya nawiwili kang halikan ako dahil may gusto ka sa akin.” Hinawakan ko ang kamay niya at nilapit pa lalo ang mukha ko sa kanya. “May gusto ka ba sa akin, Allen? Aminin mo na. Tayo lang naman ang nandito,” pilyang sabi ko. Lihim akong nagdiwang nang naramdaman kong lumuwag ang kamay niya sa leeg ko. Ibig sabihin, naapektuhan siya sa sinabi ko.
“SJ, you’re not even close to my type. Saan ka kumuha ng lakas ng loob para sabihin na may gusto ako sa ‘yo?” sarkastiko niyang sabi.
Malawak akong ngumiti. “Talaga bang hindi mo ako type? Bakit mo ako pinipilit sa mga bagay na ayaw ko? Ilang beses mo na akong hinalikan, Mr. Caivano. Hindi lang ‘yon.” Dumapo ang mata ko sa kamay niya. Hinawakan ko isa-isa ang daliri niya. “Pati daliri mo, dumantay sa p********e ko. Ano sa tingin mo ang iisipin ko?” nanghahamon na dagdag ko. Ilang sandali pa ay tinanggal na niya ang kamay sa leeg ko, kaya matagumpay akong napangiti.
Dinala niya ang kamay sa pisngi ko. Mayamaya lang ay unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya bago marahang tinapik-tapik ang pisngi ko.
“You’re making me laugh, SJ. I love it. But let’s be real here—you’ll never meet my standards, SJ. Hinalikan ka lang, nag-assume ka na agad na gusto kita. Pero sige, pagbibigyan kita ngayon. Libre lang naman ang mangarap ng gising,” mapang-uyam niyang sabi bago siya tumayo at lumabas ng cabin.
Ilang segundo na ang lumipas simula nang lumabas siya, pero nakatitig pa rin ako sa pinto. Nagsisi ako na sinabi ko ang bagay na ‘yon—napahiya tuloy ako. Nabawasan din ang self-confidence ko dahil sa sinabi niya. Para akong nanliit sa mga binitawan niyang salita. Sabagay, sino ba ako para magustuhan niya? Isa lang akong hamak na estudyante at wala pang napapatunayan sa buhay. Samantalang siya ay isang CEO ng kumpanya na pag-aari ng pamilya niya.
Bumalik ako sa kwarto na mabigat ang loob. Pero kahit paano, nakatulog pa rin ako. Paggising ko kinabukasan, agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Cianne. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag ko.
“Ci, pasensya ka na kung hindi na kita binalikan kahapon,” hingi ko agad ng paumanhin sa kaibigan ko.
“It’s okay, SJ. So, anong balita?”
Magsasalita na sana ako nang bumukas ang pinto. Pumasok si Allen sa loob. Sa sala yata siya natulog dahil hindi ko naman siya naramdaman dito kagabi. Nagtagpo agad ang aming paningin, pero agad din ako nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko pa nakakalimutan ang nakaka-offend niyang salita kagabi, kaya medyo dinaramdam ko pa ito ngayon.
“Susubukan ko ulit siyang kausapin. Tatawagan agad kita kapag nakausap ko na siya,” sagot ko sa kaibigan ko. Sa gilid ng mata ko, napahinto siya. Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig niya. Sa tingin ko naman ay may ideya na agad siya kung tungkol saan ang tinutukoy ko, kaya siya napahinto.
“Okay, I’ll wait, but I really hope it doesn’t take until the evening, SJ. I need his answer as soon as possible.”
“Sige.” Pagkatapos namin mag-usap ni Cianne, tinapunan ko agad ng tingin si Allen. Naglalakad na siya papunta sa banyo. “Allen!” tawag ko sa kanya, kaya napahinto siya.
“My answer is still ‘No,’ SJ. Give your friend a call and tell her my decision is final,” he stated firmly, then headed into the bathroom.
Inis na tinaas ko ang kamay ko sa tapat ng banyo at para akong kumuyumos ng isang papel sa sobrang gigil ko sa kanya. Ang aga nasira ng umaga ko sa sagot niya. Hindi pa nga ako nagsisimulang makiusap, may sagot na agad siya.
“Boy labo!” nanggigigil na sabi ko. Eksaktong bumukas naman ang pinto, kaya mabilis kong binaba ang kamay ko at nagkunwaring abala sa cellphone ko. Hindi naman siguro niya nakita. May kinuha lang siya at muling pumasok sa banyo. Tinawagan ko ulit si Cianne para sabihin ang sagot ni boy labo.
“Nakausap ko na si Mr. Caivano, Ci.”
“Anong sabi niya? Pumayag na ba siya?”
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Sana hindi siya magalit sa sasabihin ko.
“Ayaw niya, Ci. Ako ang gusto niyang mag-interview sa kanya,” diretsong sagot ko.
Namayani ang katahimikan sa kabilang linya. Mayamaya lang ay narinig ko na ang malalim niyang buntong-hininga.
“It’s okay, SJ. See you on Monday,” walang emosyon nitong sagot. Mayamaya lang ay nawala na ito sa kabilang linya. Napaisip ako kung sumama ba ang loob niya sa pagtanggi ni Allen sa kanya ng dalawang beses.
Binagsak ko ang katawan sa kama. Tinatamad akong kumilos. Parang mas gusto ko na lang humilata buong maghapon. Gusto kong sulitin ang araw na nagawa kong makapagpahinga mula sa walang katapusang school works at work loads. Simula ng magkaroon ako ng trabaho, nakalimutan ko na kung paano magpahinga. Gusto kong samantalahin habang nandito ako. Pero naisip ko, kapag hindi ko pa tinuloy ang interview ngayon, makikita ko pa siya sa mga parating na araw. E, ayoko na nga siyang makita.
Pumikit ako. Makalipas ang ilang segundo, muli rin akong napamulat nang maalala kong hindi pa ako nag-good morning sa kanila. Nagpadala agad ako ng mensahe kay Yohann para batiin sila. Ilang sandali lang ay may larawan na siyang pinadala sa akin. Napangiti ako nang makitang mahimbing pa rin ang tulog nila.
Ipapasyal ko sila bukas, sabi ni Yohann. Tumipa agad ako ng sagot.
Thank you, Yohann. Makakabawi rin ako sa lahat ng kabutihan mo sa amin, sagot ko.
Makita lang kita, bawing-bawi ka na.
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang mabasa ko ang sagot niya. Napahugot na lang ako ng malalim na buntong-hininga at pinusuan na lang ang mensahe niya sa akin.
Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Mabait na tao si Yohann. High school pa lang ay magkaibigan na kami. Siya lang din ang walang pag-aalinlangan na tumulong sa akin noong panahon na kailangan ko ng tulong. Siya ang umalalay sa akin noong lugmok na lugmok ako. Sa kanya ako kumapit at hindi siya nagdalawang-isip na hawakan ako. Noong panahon na nakabawi ako at may pinanghuhugutan na ako ng lakas, nagtapat na siya ng nararamdaman niya sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko nang hawakan ni Yohann ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. I was stunned to see unfamiliar emotions showing in his eyes.
“Yohann…”
“Alam kong magugulat ka sa ipagtatapat ko, pero hindi ko na kayang itago, SJ. We’ve been best friends ever since we were in high school. Sa ‘yo umikot ang mundo ko kahit noong nag-aaral na tayo pareho sa college. Sinubukan ko naman itaboy itong nararamdaman ko. Pumasok ako ng ilang beses sa isang relasyon, pero hindi rin ako nagtagal. Alam mo kung bakit?”
“B-bakit?” tanong ko kahit may kutob na ako.
“It’s all because of my best friend—it’s because of you, SJ.” Tinuro niya ang puso niya. “Ikaw ang laging hinahanap ng puso ko. Pangalan mo ang nakatatak dito. Alam ko, kaibigan lang ang turing mo sa akin, pero ako, hindi, SJ.”
“Y-Yohann, alam mo naman na—”
“Hindi ako humihingi ng kapalit kung iyon ang iniisip mo. Hindi ko intensyon na ma-pressure ka dahil lang sa nagtapat ako sa ‘yo. Alam ko naman na kaibigan lang talaga ang kaya mong ibigay sa akin. Masaya akong tulungan ka. Bukal lahat iyon sa loob ko. Sinabi ko lang ang nararamdaman ko dahil baka pagsisihan ko pa sa bandang huli kapag hindi ko ito sinabi sa ‘yo. Kung may lalaki man na magpatibok sa pihikan mong puso, tatanggapin ko. Pero hanggat wala kang pinapakilala sa akin, hindi ako titigil na mahalin ka.”
Hindi mahirap mahalin si Yohann, pero hindi madidiktahan ang puso ko kung sino ang gustong mahalin nito. Ayoko rin maging choice lang si Yohann. Gusto ko na kapag pinapasok ko siya sa puso ko, hindi lang dahil napilitan ako o gusto ko lang tumanaw ng utang na loob sa kanya, kundi talagang siya na ang lalaking gusto kong makasama hanggang sa tumanda ako. I’ve always cherished our friendship, kaya kahit nagtapat na siya sa akin, walang nagbago sa samahan namin.
Narinig kong bumukas ang pinto sa banyo. Nanuot agad sa ilong ko ang amoy ng sabon.
“Hihiga ka na lang ba riyan buong maghapon, SJ? Hindi ba ngayon ang interview?” masungit niyang sita sa akin.
“Alam ko. Pwede bang mamayang konti? Kagigising ko lang kasi,” mataray kong katwiran at tinuon ang atensyon sa cellphone ko. Binisita ko ang wall ng social media account ko dahil may nakita akong mga bagong komento at reaksyon sa post ko. Pero nagulat ako nang bigla niyang hinawi ang kumot sa katawan ko.
“Mag-aalmusal pa tayo. Mamaya, tanghali na naman. I already told you, Stephanie Jane—I hate wasting my time. Now get up kung ayaw mong pwersahin pa kita para lang kumilos ka,” panenermon niya sa akin, na parang siya ang nakatatanda kong kapatid.
Sa halip na bilisan, binagalan ko. Gusto ko siyang inisin. Pambawi man lang sa pagkapahiya ko sa sinabi niya.
“Ito na po, sir. Babangon na po,” sabi ko, saka bumangon sa kama.
“Iniinis mo ba ako, Stephanie Jane?” Nararamdaman ko na ang inis sa boses niya.
“Hindi ko na alam kung saan ako lulugar sa ‘yo. Lahat na lang may sinasabi ka!” bubulong-bulong na sabi ko. Ang laki ng problema niya sa akin.
Napasinghap ako sa gulat nang hinawakan niya ang kamay ko at marahas akong pinihit paharap sa kanya. Bumaba agad ang mata ko sa hubad niyang katawan. Mabuti na lang ay nakabalot ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya, dahil kung hindi, baka may nakita na ako. “Bitawan mo nga ako!” Piniksi ko ang kamay ko, pero humigpit lang ang hawak niya sa akin, kaya napatingin na ako sa kanya. Madilim ang mukha niya at pinupukol ako ng matalim na tingin.
“Huwag mong inuubos ang pasensya ko, SJ. Baka paluhurin kita ngayon. Tamang-tama, hindi ka pa kumakain ng almusal. You might even get full if I let you taste my raw Italian sausage!” makahulugan niyang sabi, sabay ngumisi, kaya’t tumayo ang mga balahibo ko sa katawan.
Napalunok ako. Biglang akong nabahala sa huli niyang sinabi. Nagkaroon agad ako ng ideya sa sinabi niya, kaya tinikom ko ang bibig ko at piniling hindi na makipagtalo sa kanya.