STEPHANIE Hindi na ako nagsaing ng kanin dahil hindi raw talaga siya kumakain ng kanin sa gabi. “Will you get full if you only eat boiled eggs?” he asked. “Oo. Eh, ikaw, mabubusog ka ba sa boiled eggs lang?” balik tanong ko sa kanya. “Kaya kong hindi kumain sa gabi, SJ. Kaya kahit hindi ako kumain nito, okay lang.” Tumango-tango ako at tinuon ang atensyon sa pagbabalat ng nilagang itlog. “Pareho lang tayo.” “Are you like this every day?” “Kapag wala akong pasok sa trabaho, hindi na talaga ako nagluluto. May mga stocks akong canned foods at noodles. Iyon ang ginagawa kong ulam. Mag-isa lang naman kasi ako dito, kaya hindi na ako nagluluto. Baka masayang lang,” paliwanag ko. “Hindi maganda sa katawan ang processed foods at noodles. Mas mabuting magpa-deliver ka na lang ng pagka

