STEPHANIE Makalipas ang ilang minutong paghihintay, dumating ang inorder na pagkain ni Allen. Agad akong natakam nang nanuot sa ilong ko ang amoy ng pagkain. “Can you walk?” tanong niya. Tumango naman agad ako. “Follow me,” utos niya, kaya sumunod ako. Huminto kami sa puting pader. Nakita kong diniin niya ang palad niya rito, na parang tinutulak niya ito. Mayamaya lang ay nakita kong may bahagyang umusli. Napaawang na lang ang labi ko nang tuluyan na niya itong tinulak. Tumambad sa mata ko ang isang malawak na silid. May mesa at kama rin dito. Para lang silid sa bahay ang tema ng silid sa opisina niya. Malaki ang opisina niya at nag-iisa lang sa floor na ito, kaya hindi malabong maglagay talaga siya ng silid dito. Tanaw na tanaw pa rito ang mga gusali sa labas, kaya parang ang sarap

