bc

The Billionaire's First Love (My Billionaire Husband Series)

book_age16+
11.3K
FOLLOW
71.1K
READ
billionaire
possessive
arranged marriage
bxg
first love
like
intro-logo
Blurb

Czerinne Khrysstyna Gonzales Del Valle is a certified manhater. Para sa kanya ang lahat ng lalaki ay walang gagawing mabuti.

Ang tunay niyang ama ay iniwan silang magkakapatid noong maliit pa sila. Ang stepfather naman nila tinatrato sila na para bang walang kuwentang tao.

Ang napangasawa ng panganay niyang ate ay nambubogbog ng babae. Kaya kahit maraming nanliligaw kay Khrysstyna ay wala siyang sinagot kahit isa.

Isang araw biglang nakipagtanan ang pangalawa niyang ate upang takasan ang kasal nito sa anak ng amo ng stepfather nila. Napilitan si Khrysstyna na akuin ang responsibilidad ng kapatid para hindi ang bunso nila ang sapilitang ipakasal ng kanilang stepfather.

Nang makaharap niya ang lalaking ipapakasal sa kanya ay inalok niya rito ang sarili niyang katawan upang umurong sa kasal. Ayaw pumayag ni Edrian Mark, ang tagapagmana ng hotel magnate na si Don Edgardo De Castro. Katwiran nito makukuha rin naman daw nito ang puri niya kapag ikinasal sila.

Ngunit nang magkasama niya si Edmark ay iba ang ipinakita nito. Ginagabi ito sa pag-uwi. Hindi rin siya nito kinakausap o kinikibo. Kahit yata maghubad siya sa harapan nito ay hindi siya papansinin ng loko.

Makalipas ang isang buwan ay nagpunta ng Amerika si Edmark. Pagbalik nito ay bigla na lang itong bumait. Hatid-sundo siya nito sa kanyang trabaho. Tinatawagan din siya para lang kumustahin kung kumain na ba siya. Ipinagluluto pa siya nito. Pinagbabawalan din siyang magsuot ng maiikli at seksing damit. Unti-unti nitong tinitibag ang maling paniniwala niya sa mga lalaki.

Ngayon ay nanganganib hindi lang ang kanyang puri kundi pati ang puso niya. Panahon na ba para itapon niya sa hangin ang pagiging manhater niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
“UY! ANO na naman ba iyan? Love letter!” Biglang inagaw ni Edmark ang hawak na papel ng kapatid nito. Tapos ay nagtatakbo ito palayo. “Hoy! Ano ka ba? Akin na nga iyan!” Pilit namang humahabol ang kapatid nito. Mabilis itong tumakbo kaya inabutan siya nito. Pilit nitong kinukuha ang papel na hawak niya. “Nagsasayang ka lang ng pagod. Hindi ka rin naman niya papansinin kahit tambakan mo pa siya ng isang libong love letter. Hindi ka niya type, bro,” pang-aalaska niya sa kapatid nang mahablot nito ang kinuha niyang papel. “Anong pakialam mo? Wala ka na roon,” ganting sagot ng kapatid nito habang itinutupi ng maayos ang hawak nitong papel. “Masokista ka talaga. Kung ibang babae na lang ba ang niligawan mo, siguradong may girlfriend ka na ngayon. Hindi iyong nagtitiyaga ka sa babaeng iyan. Hindi naman siya kagandahan. Mas marami pang seksi at magagandang babae sa buong campus kaysa sa kanya,” pangungulit ni Edmark. “Ikaw na ang manligaw sa sinasabi mong seksi at maganda. Tutal naman babaero ka.” Sinimangutan siya ng kapatid bago ito tumalikod. “Hoy! Saan ka pupunta?” sigaw niya sa kapatid. Hindi niya pinansin ang pang-aasar nito sa kanya. Hindi siya nilingon ng kapatid. Sa halip itinaas nito ang gitnang daliri. “Peste! Marunong ka ng magmura ngayon, ah. Ang sama talaga ng impluwensiya ng babaeng iyon!” Mabilis niyang hinabol ang kapatid. Nang maabutan niya ito ay ipinatong niya ang kamay sa balikat nito. “Lumayo ka nga sa akin. Hindi ako natutuwa sa iyo!” Pilit nitong binabaklas ang kamay niyang nasa balikat nito. “Huwag ka ng magtampo. Bati na tayo. Pagagalitan tayo ni Mama kapag nag-away tayo,” pangungumbinsi niya sa kapatid. “Kasalanan mo. Ikaw itong kumukuha ng hindi mo gamit. Sasabihin ko kay Mama ang totoo. Kapag pinagalitan ka, problema mo na iyon,” balewalang sabi ng kapatid niya. “Huwag ka namang ganyan. Paano ba ako makakabawi sa iyo?” “Wala. Wala kang magagawa,” umiiling na sagot ng kapatid niya. “Bakit ba ayaw mong makipagbati sa akin? Gusto mo bang tulungan kita diyan sa love letter na ginagawa mo?” Umismid ang kapatid niya. “Tapos ko na ito. Hindi ko na kailangan ang tulong mo.” “Tutulungan pa rin kita. Kung gusto mo, ako na ang magbibigay ng love letter mo. Sisiguraduhin kong tatanggapin niya iyan at hindi ibabasura,” nakangiting suhestiyon niya. Napatigil sa paglalakad ang kapatid niya at seryosong tumingin sa kanya. “Ano? Payag ka na?” tanong niya rito nang hindi ito umiimik at nakatitig lang sa kanya. “Hindi na kailangan. May naisip akong mas magandang paraan. Ilagay na lang natin ito sa locker niya para siguradong hindi niya matatanggihan. Baka naman kaya ayaw niyang tanggapin kasi maraming tao ang nakakakita kapag may ibinibigay ako sa kanya.” “Okay. Pero wala naman tayong susi ng locker niya. Paano iyon?” Napangisi ang kapatid niya. “Gawan mo ng paraan. Marunong kang magkalikot ng mga padlock at door knob, hindi ba?” “Oo. Pero...” “Kung ayaw mo, huwag na lang.” Nagmartsa na paalis ang kapatid niya. “Teka lang…” Napilitan siyang habulin ang kapatid. “O, HAYAN, nakabukas na. Dalian mo, ipasok mo na iyong sulat!” Halos bulyawan ni Edmark ang kapatid. “Oo na. Heto na nga.” Inilabas ng kapatid niya ang pink na sobre at isang pumpon ng bulaklak saka mabilis na ipinasok ito sa loob. Hindi pa naisasara ni Edmark ang padlock ng locker nang makarinig sila ng mga papalapit na yabag. “Tara na! Dali! May tao!” Hinila niya ang kapatid palayo sa lugar. Ngunit hindi ito natinag. “Hindi pa nai-lock…” Halos hindi na niya narinig ang sinabi ng kapatid dahil bigla siyang lumiko sa pasilyo. “Hoy, magaling na lalaki! Anong ginagawa mo diyan? Nagnanakaw ka ba ng gamit?” Narinig ni Edmark ang pamilyar na tinig kaya napilitan siyang sumilip dito. “Hindi. Hindi, ah,” kinakabahang sagot ng kapatid niya. “Eh, anong ginagawa mo dito, ha?” mataray na tanong ng babaeng kausap ng kapatid niya. “Ah, napadaan lang ako.” “Puwes! Umalis ka na! Ayaw kong makita ang pagmumukha mo! At puwede ba sa susunod huwag ka nang magbibigay ng kung ano-ano sa akin. Hindi ako interesado sa iyo! Tsupi!” Itinulak pa ng babae ang kapatid niya. Lulugo-lugong tumalikod ang kanyang kapatid. “Sabi ko naman kasi sa iyo, kalimutan mo na siya. Ibaling mo na lang sa iba iyang pagmamahal mo. She is not worth it, bro,” sabi niya sa kapatid nang mapadaan ito sa harap niya. Sinulyapan lang siya nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Nagkakamot ang ulong sinundan na lang niya ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.6K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
432.3K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook