Chapter 1 - Bad News

2044 Words
NAPABALIKWAS ng bangon si Khrysstyna nang marinig ang sunod-sunod na katok sa kanyang pintuan. Dinampot niya ang wristwatch na nasa side table. Alas-siyete na ng umaga ayon sa relo niya. Sino kaya ang nanggigising sa kanya sa ganitong oras? Sabado naman ngayon at wala rin siyang pasok sa bangko. Nagkakamot ang ulong bumaba siya ng kama. Saka siya naglakad patungo sa pintuan. Pagbukas niya ng pinto ay nabungaran niya ang nag-aalalang mukha ng kasambahay nila. “Good morning po, Ma’am,” bati nito sa kanya. Hindi niya pinansin ang pagbati nito. “Ang aga mo namang manggising, Manang Nelly,” nakataas ang kilay na sabi niya. Napakamot ng ulo si Manang Nelly. “Eh, Ma’am, nakahain na po ang almusal. Kayo na lang po ang hinihintay sa baba.” Napakagat-labi ito. Uh-huh! Lagot ka Khrysstyna. Napabuga ng hangin si Khrysstyna. “Ah, sige po. Pakisabi na lang sa kanila na magbibihis lang ako.” Pagkasabi nito ay isinara na niya ang pinto at dumiretso sa banyo. Mabilis siyang nag-shower at nagmamadaling magbihis. Kakaupo pa lang ni Khrysstyna sa kanyang puwesto sa hapag kainan ay ramdam na niya ang tensiyon. Tahimik ang lahat. Walang nag-uusap o nagsasalita man lang. Pagkatapos manalangin ng kanilang ama ay nagsimula na silang kumain. “Nasaan si Ate Keanna?” pabulong na tanong ni Khrysstyna sa bunsong kapatid na si Krichelle. Napansin niya kasi na wala ang nakatatandang kapatid sa upuan nito. “Anong pinagbubulungan ninyo diyan?” Narinig niya ang nagagalit na tinig ng ama. Napakagat-labi si Khrysstyna at napatingin siya dito. “Tinatanong ko lang po kung nasaan si Ate Keanna.” Kailangan niyang sabihin ang totoo dahil nasisiguro niyang pagagalitan silang dalawa ng kapatid niya. Ayaw niyang madamay si Krichelle dahil lang sa pagkakamali niya. “Wala na siya. Sumama na sa walang-kuwenta niyang nobyo,” may diing sabi ng Daddy nila. Nahihimigan niya ang matinding galit sa boses nito. Hindi na nagtanong pa si Khrysstyna kung paano nangyari ang sinasabi ng ama. Baka lalong magalit ito at bulyawan pa siya sa harap ng hapag-kainan. Itinuloy na lang niya ang kanyang pagkain. Patapos na siya sa kanyang kinakain nang muling magsalita ang kanilang ama. “Ngayong wala na si Keanna, si Krichelle ang magpapakasal sa anak ni Don Edgardo.” Napaubo si Khrysstyna sa narinig. Lumikha naman ng ingay ang nahulog na kutsara ni Krichelle. “Sabihin mong nagbibiro ka lang, Anselmo. Hindi ka seryoso sa sinasabi mo?” sabad naman ng Mommy nila. “Tingin mo ba nagbibiro ako?” Matalim ang mga matang tinitigan ng Daddy nila ang kanilang Mommy. Sinulyapan naman ni Khrysstyna ang kapatid habang umiinom ng tubig. Nakatulala ito at nangingilid ang luha. Bumigat ang dibdib niya sa nakikitang anyo ng kapatid. May kung anong kumurot sa puso niya. “Hindi mo maaaring gawin iyon, Anselmo. Bata pa si Krichelle. Nag-aaral pa lang siya,” pakiusap ng Mommy nila. Umiiyak na rin ito tulad ng kanyang bunsong kapatid. “Walang problema doon. Mas makabubuti nga sa kanya iyon dahil siguradong pag-aaralin siya ng mapapangasawa niya sa magandang eskuwelahan. Hindi na natin siya kailangang problemahin pa. Makababayad na rin tayo sa mga utang natin sa bangko,” balewalang sabi ng Daddy nila. “Pero Anselmo…” “Huwag ka nang mangatuwiran pa, Andrea. Pinal na ang desisyon ko. Magpapakasal si Krichelle kay Sir Edrian, sa ayaw at sa gusto ninyo.” Pagkasabi nito ay tumayo na ang kanilang ama. Nakatalikod na ang Daddy nila nang magsalita si Khrysstyna. “Daddy, sandali lang.” Mariing nakagat niya ang kanyang labi. Hindi siya pinansin ng ama. Diretso lang ito sa paglalakad. Napilitan siyang tumayo. “Daddy ako na lang po ang ipakasal ninyo. Huwag na po si Krichelle,” may kalakasan ang tinig na sabi niya rito. Bigla namang huminto sa paglalakad ang Daddy niya at humarap sa kanya. “Ulitin mo nga ang sinabi mo,” serysong utos nito. Huminga nang malalim si Khrysstyna bago siya nagbukas ng bibig. “Ako na lang po ang ipakasal ninyo sa anak ng inyong boss. Hayaan na lang po natin si Krichelle. Bata pa po siya at kailangan pa niyang mag-aral,” lakas-loob niyang sabi habang pilit na sinasalubong ang titig ng ama. Tumaas ang sulok ng labi ng Daddy niya. “Mabuti naman at naisip mo iyan, Khrysstyna. Siguradong matutuwa si Don Edgardo sa desisyon mo,” makahulugang sabi nito sabay ngisi sa kanya. Napalunok si Khrysstyna ng ilang beses. Tama ba ang naging desisyon niya? Napatingin siya kay Krichelle. Matipid siyang nginitian ng kapatid niya habang nagpupunas ito ng luha. Nang sulyapan naman niya ang kanyang ina ay tinanguan lang siya nito. I guess it’s goodbye to being single, Khrysstyna. Brace yourself. You can’t take back your decision anymore. “SERYOSO ka ba sa sinasabi mo, Khrysstyna?” namimilog ang mga matang tanong ni Kaye. “Akala ko ba, wala kang boyfriend. Besides, galit ka sa mga lalaki, hindi ba? Bakit ngayon bigla mo na lang sasabihin na ikakasal ka na? Anong nangyari sa iyo? Na-in love ka na ba?” magkakasunod na tanong nito. Marahas na napailing si Khrysstyna. Nasa paborito nilang coffee shop sina Kaye at Khrysstyna. Sinadya ni Khrysstyna na imbitahan ang kaibigan niya para makausap ito. Dalawang araw na kasing gulong-gulo ang isip niya mula nang pumayag siyang magpakasal sa anak ng boss ng Daddy niya. Parang gusto niyang bawiin ang binitiwang salita sa kanyang amain. Ngunit tuwing maiisip naman niya ang kalagayan ng bunsong kapatid ay nagi-guilty siya. Masyado pang bata ang bunso niyang kapatid para magpakasal. Mas maigi nang siya ang umako sa iniwang responsibilidad ng Ate Keanna niya. Tutal naman nasa tamang edad na siya. Twenty-six na siya noong nakaraang buwan. Wala rin siyang boyfriend na dapat pa niyang alalahanin. Kaya tama lang siguro ang naging desisyon niya. “Yeah, I’m serious. I’m getting married next month,” tugon ni Khrysstyna saka sumimsim ng kape. “Bakit biglaan naman yata?” nakataas ang kilay na tanong ni Kaye. Biglang tumalim ang mga mata nito. “Don’t tell me na buntis ka kaya magpapakasal ka na? I wasn’t aware that you have a boyfriend. May inililihim ka na ba sa akin ngayon?” Pinandilatan pa siya ng kaibigan. “Sana nga buntis na lang ako. Sana rin boyfriend ko iyong groom. Pero sa kasamaang palad hindi, eh. May ibang dahilan kung bakit ako magpapakasal,” sambit ni Khrysstyna sa mapait na tinig. Gusto niyang sisihin ang Ate Keanna niya sa magiging kapalaran niya. Kung hindi sana ito nakipagtanan sa boyfriend nito, hindi sana siya aabot sa puntong magpapakasal siya sa lalaking hindi pa niya nakikita o nakilala man lang. Pero kung tutuusin puwede naman siyang makaiwas dahil hindi naman siya ang pinili ng Daddy niya para pumalit sa puwesto ng Ate Keanna niya. Iyon nga lang hindi maatim ng konsensiya niya na ang bunso niyang kapatid ang magpapakasal sa lalaking iyon. Napakamot ng kanyang ulo si Kaye. “So, ano namang dahilan at bigla ka na lang magpapakasal? At sino ang masuwerteng lalaking iyon?” Napangiti nang mapait si Khrysstyna. “Masuwerte talaga siya kasi virgin pa ako. Hindi pa ako laspag tulad ng iba. Pero sisiguraduhin kong magiging impiyerno ang buhay niya sa piling ko,” may diing sabi niya. Gagawin niya talaga iyon dahil hindi siya makapaniwalang pakakasalan siya ng lalaking iyon kahit hindi pa siya nakikita. Alam niyang uso ang arranged marriage sa mga mayayamang negosyante. Pero hindi sa sitwasyon nila. Ni wala silang ideya tungkol sa isa’t isa. Siguro tinakot ang lalaking iyon tungkol sa mana nito kaya pumayag sa gusto ng magulang na ipakasal sa kanya kahit hindi nila kilala ang isa’t isa. Ah! The things rich people do just for money. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko,” untag ni Kaye sa bigla niyang pananahimik. “Actually, si Ate Keanna ang ipapakasal ni Daddy sa anak ng boss niya. Pero nakipagtanan si Ate kaya si Khrichelle ang naisip niyang ipalit. Hindi ko naman gustong mapahamak ang bunso namin, so, nag-volunteer ako na akuin iyong responsibilidad,” paliwanag niya. “Oh! I see.” Napatango si Kaye. “Arrange marriage pala ang tinutukoy mo kaya biglaan. So, sino iyong groom? Nagkita na ba kayo? What does he look like?” Napakagat-labi si Khrysstyna. “I have not seen him yet. Mamayang gabi pa lang kami magkikita.” Napatingin siya sa suot na wristwatch. Six-thirty na pala. Ang sabi ng Mommy niya ay mamayang alas-otso dadalaw sa bahay nila ang pamilya ng lalaking iyon. “Ah, okay! Pero alam mo ba kung sino siya? I mean, what’s his name?” muling usisa ni Kaye. “He is Edrian Mark De Castro. Panganay na anak ng may-ari ng Glorious Hotel,” balewalang sabi niya. Napaawang ang bibig ni Kaye. Halatang nagulat sa sinabi niya. “What’s wrong?” nagtatakang tanong ni Khrysstyna. May alam ba ang kaibigan niya tungkol sa lalaking iyon? She needs to know. “Oh my gosh! As in OMG! You’re such a lucky girl!” halos pasigaw na sambit ng kaibigan niya. “I could not believe it, my friend,” napapailing pa nitong sabi. “Hey! Ano bang pinagsasabi mo diyan? Paano naman ako naging masuwerte aber?” hindi makapaniwalang usisa niya. Tinaasan siya ng kilay ni Kaye. “Wala kang idea tungkol sa fiancé mo? Saang planeta ka ba nanggaling, ha?” Halos tumirik ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Nagkibit-balikat lang si Khrysstyna. “Hindi ko nga siya kilala, eh. Bakit famous ba siya?” “Of course, he is famous! Isa lang naman siya sa most sought bachelor entire the country. He is every woman’s dream. Oops…” Biglang tinakpan ni Kaye ang bibig nito. Pinandilatan naman ito ni Khrysstyna. “So, what? I don’t care because… I am not interested with him.” Pinagdiinan pa niya ang huling sinabi. “Yeah, I know. You never really care about men in general. So, hindi na talaga ako magtataka kung hindi mo nga siya kilala. Kung nandito lang sana si Vivienne, may kasama na akong kikiligin. But sad to say, ikaw ang kasama ko ngayon. Walang kilig moments sa iyo,” dismayadong saad ni Kaye. Yumuko ito at itinuon ang tingin sa iniinom nitong kape. Ipinatong ni Khrysstyna ang kamay niya sa kamay ng kaibigan. “I’m sorry to disappoint you. Pero wala na ang kaibigan natin. Kung nami-miss mo siya, higit lalo sa akin. I missed her terribly. Lagi kong sinisisi ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi sana kita inayang umalis noon, baka buhay pa siya hanggang ngayon.” Kumurap siya ng ilang beses upang pawiin ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya. It has been a year mula nang mawala ang kaibigan nila pero hindi pa rin sila nakaka-recover hanggang ngayon. “It’s not your fault. Wala namang kasiguraduhan na kapag nag-stay tayo, hindi siya mapapahamak. Baka mangyayari pa rin iyon at ang mas malala, madadamay tayo. Besides, we cannot undo the past. We need to move on.” Pinilit ni Khrysstyna na ngumiti. “Tama ka. We really need to move on kahit masakit pa.” “That’s right. One way of moving on is getting married. I hope you will have a good marriage life ahead of you,” nakangiting wika ni Kaye. Pinaikot ni Khrysstyna ang mga mata. “Asa ka pa. Kahit ang lalaking iyon pa ang pinakaguwapo at pinakamayaman sa buong Pilipinas, hindi ko pa rin siya magugustuhan.” “Ows, talaga lang, ha? Tell me that line again after a year or two. Baka sakaling maniwala ako,” mataray na sambit ni Kaye. “Hmm…wanna bet?” naghahamong wika ni Khrysstyna. “Huh? Ano naman ang ipupusta mo?” Sandaling nag-isip si Khrysstyna. Nang wala siyang maisip ay napakamot na lang siya ng ulo. Wala naman kasi siyang puwede ipusta sa kaibigan. Wala naman siyang pera o mamahaling gamit. Hindi siya makaipon dahil binabayaran pa niya ang kanyang sasakyan. “Wala pala akong maipupusta maliban doon sa kotse ko,” nahihiyang sabi niya. Bahagyang natawa si Kaye. “It’s okay. Tatandaan ko na lang ang famous line mo. Tapos ipapaalala ko na lang sa iyo pagdating ng wedding anniniversary ninyo,” natatawang sambit nito. Tumalim ang titig niya sa kaibigan ngunit lalo lang siya nitong pinagtawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD