Chapter 2- First Meeting

1257 Words
EKSAKTONG alas otso kinagabihan ay pinababa na si Khrysstyna upang maghapunan. Dumating na rin daw ang mga bisita ng mga magulang niya. Inabutan niya ang mga ito sa dining table kasama ang Mommy at Daddy niya pati na rin si Krichelle. “Good evening po!” magalang na bati ni Khrysstyna nang lumapit sa hapag-kainan at agad na umupo sa kanyang puwesto. Binalingan ng Daddy niya ang mga bisita. “Sir Edgardo, Ma’am Melanie, Sir Edrian, gusto ko pong ipakilala sa inyo ang aming anak, si Czerinne Khrysstyna,” malapad ang ngiting saad ng kanyang amain. “Oh! Nice to meet you, iha. Hindi nasabi ni Anselmo na napakaganda mo pala sa personal,” magiliw na wika ng ginang. Inabot pa nito ang kamay sa kanya. Biglang uminit ang pisngi niya sa sinabi ni Ma’am Melanie. Nakangiting nakipagkamay siya sa ginang. “Oo nga, Napakaganda pala ng dalagang ito,” sabad naman ni Sir Edgardo. Ito man ay nakipagkamay din kay Khrystynna. “Siyempre, nagmana siya sa aking napakagandang asawa.” Bahagya pang natawa ang Daddy niya. Tumawa rin ang mag-asawa. Pero napansin ni Khrysstyna na tahimik lang ang anak ng mag-asawa. Ni hindi ito nagsasalita habang nakatitig sa kanya. Pagkatapos ay walang imik nitong ibinalik ang tingin sa kinakain nito. Hindi na lang ito pinansin ni Khrysstyna. Pagkatapos nilang kumain ay tumuloy sa sala ang mga bisita kasama ang Mommy at Daddy niya. Umalis na rin si Krichelle. Kaya naiwan silang dalawa ni Edrian sa hapag-kainan. “Where can we talk privately?” pabulong na tanong ni Edrian nang silang dalawa na lang ang naiwan sa hapag-kainan. Kumunot ang noo ni Khrysstyna sa tanong nito. “Why?” Anong pinapalano ng kumag na ito? “I just want to tell you something,” wika ni Edrian habang nakatitig nang diretso sa kanya. “Okay, doon tayo sa terrace,” tugon niya at nauna na siyang tumayo. Nang mapadaan sila sa sala ay sinabi niya sa mga magulang at sa bisita nila na lalabas lang sila ni Edrian. “So, what do we have to talk about?” untag ni Khrysstyna nang makaupo siya. “Anong dahilan at pumayag kang magpakasal sa akin?” diretsahang tanong ni Edrian nang umupo ito sa tapat niya. Tumaas ang kilay ni Khrysstyna. “Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo? Hindi ba dapat ako ang magtatanong sa iyo ng ganyan?” Hindi sumagot si Edrian. Sa halip ay tumitig ito sa kanya nang matalim. “Anong sinabi ng parents mo para pumayag ka sa kasal?” usisa ni Khrysstyna. “Or let me guess, tinakot ka nila na hindi ka bibigyan ng mana o itatakwil ka kapag hindi ka magpapakasal sa akin?” nanghahamon na tanong niya. Napa-buntonghininga si Edrian. Itinukod nito ang dalawang kamay sa center table at dumukwang palapit sa kanya. “You want to know the truth?” Tinitigan siya nito diretso sa mata. Awtomatikong napasandal si Khrysstyna sa likod ng upuan. Naaasiwa siya sa sobrang lapit ng mukha ni Edrian sa kanya. Tama si Kaye sa description nito sa binata. Bukod sa mayaman, sikat, at makapangyarihan ang pamilya nito, hindi maipagkakailang may angking kaguwapuhan din ang lalaki. Ang mukha nito ay parang nililok ng magaling na eskultor. Makapal ang kilay nito na binagayan ng mapupungay na mata. Matangos ang ilong nito at prominente ang panga. Kapansin-pansin din ang pagiging makinis ng mukha nito. Ni hindi yata ito tinutubuan ng pimples. Bagong ahit din siguro ito dahil walang tubo ng bigote o balbas ang mukha nito. Parang gusto niyang mahiya para sa sarili dahil mas malinis pa ang mukha nito kaysa sa kanya. Nang bumaba ang tingin ni Khrystynna sa dibdib nito ay napalunok siya. Nakasuot ito ng polo na tinupi ang sleeves hanggang sa siko nito at dahil nakayuko ito kaya nasisilip niya ang malapad nitong dibdib. Ilang packs kaya ang abs nito? Bakit interesado ka? Gustong kutusan ni Khrysstyna ang sarili sa naisip niyang iyon. Nagsalubong ang mga kilay ni Edrian nang mapatitig sa kanya. Tumuwid ito ng upo at ipinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib nito. “You did not answer my question because you're busy scrutinizing my face and my body, huh?” Tumaas ang isang sulok ng labi nito. Nagbuga ng hangin si Khrysstyna. “I was just looking at you,” katwiran niya. “So, what’s the verdict? Did I pass the test?” Nakakaloko ang ngiting sumilay sa labi nito. Pinaikot ni Khrysstyna pataas ang mga mata niya. “Do you think I’m interested? Sorry to disappoint you, but you did not catch my interest,” nakataas ang kilay na sabi niya rito. Humalakhak nang malakas si Edrian. Halos yumugyog ang balikat nito sa katatawa. Gusto niyang mainis sa lalaki. Pinagtatawanan pa siya nito “Hey? What’s funny?” naniningkit ang mga matang tanong niya rito. “You! You are funny. Didn’t you know that?” Nasa labi pa rin ni Edrian ang nakakalokong ngiti. Muling nagbuga ng hangin si Khrysstyna. Sinasadya talaga ng lalaking ito na inisin siya. “Let’s get these straight, I am not interested in you and even in this marriage. Kaya lang ako pumayag sa kasalang ito ay dahil sa kapatid ko,” mataray niyang pahayag. Biglang sumeryoso ang mukha ni Edrian. “You know what’s funny? You are the first girl who is not interested in me. Guwapo naman ako, may pinag-aralan, at may pera pa. Pero para sa iyo balewala lang ako. Alam mo iyon parang wala akong kuwenta sa paningin mo,” napapailing nitong sabi. Sinalubong ni Khrysstyna ang mga titig ng binata. “Bakit nainsulto ka ba?” Hindi siya sinagot ni Edrian. Nakatitig lang ito sa kanya. “Kung may paraan lang sana upang hindi matuloy ang kasalang ito, ipupusta ko ang sarili ko matakasan lang ito,” lakas-loob na sabi ni Khrysstyna. Kumunot ang noo ni Edrian. “You hated me that much?” Umiling si Khrysstyna. “No, I don’t hate you. But I hate this marriage we are going into.” “Me, too. I don’t like this marriage as well,” tiim bagang sabi nito. Nabuhayan ng pag-asa si Khrysstyna. “Ganoon naman pala, eh. Why don’t we compromise? I am willing to give you myself for one night. In return, you will have to ask your parents to break off the wedding,” tuloy-tuloy na sambit niya. Nag-aalala siya na kapag nagpatumpik-tumpik pa siya, baka hindi na niya masabi ang totoong nararamdaman. Napaawang ang bibig ni Edrian. Halatang nagulat ito sa sinabi niya. Ngunit saglit lang iyon. Nakabawi din ito sa pagkakabigla. “Why should I do that?” naniningnkit ang mga matang tanong ni Edrian. “I can still have you after the wedding and all through out the marriage.” Tumayo na ito. Pinigilan ni Khrysstyna ang kamay nito. “Wait! Ano bang gusto mong gawin ko para umatras ka sa kasal?” Desperado na talaga siya at kahit ano gagawin niya huwag lang matuloy ang kasal. Hinila ni Edrian ang kamay nitong hinawakan niya. “Bakit ako ang gusto mong umatras sa kasal? Bakit hindi na lang ikaw?” “I can’t,” napailing niyang sabi. “Kapag hindi ako pumayag sa gusto ni Daddy, si Krichelle ang ipakakasal sa iyo. Hindi ko puwedeng gawin iyon sa kapatid ko,” nanghihinang wika niya. “Then we can’t do anything about it. I need to marry you whether I like it or not,” saad ni Edrian bago siya nito tinalikuran. Hindi na napigilan ni Khrysstyna ang malayang pagdaloy ng mga luha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD