PAGBABA ni Khrysstyna sa sasakyan ay agad silang sinalubong ni Nanay Berna. “Nandiyan ang kapatid mo,” anunsyo nito habang ang mga mata ay nakatitig kay Edmark. Napakunot ang noo ni Khrysstyna nang mapansin ang nag-aalalang mukha ng yaya ng asawa niya. “Hey! May problema ba?” nagtatakang tanong niya sa asawa nang mapansin na humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay. Samantalang kumuyom naman ang isang palad nito. Imbes na sagutin ni Edmark ang tanong niya ay hinarap nito ang matanda. “Anong oras pa siya dumating?” “May isang oras na mula noong dumating siya. Anong plano mo ngayon?” “Pakisabi sa kanya na susunod na kami,” seryosong sagot ng asawa niya. Umalis naman agad si Nanay Berna at bumalik sa loob ng bahay. Naiwan silang mag-asawa sa garahe. “Sino iyong bisita na tinutukoy

