“SAAN KA pupunta? Bakit ganyan ang suot mo?” Halos magsalubong ang kilay ni Edmark nang mapatingin ito kay Khrysstyna nang bumungad ito sa kusina. Napatingin si Khrysstyna sa kanyang suot na damit. Bestida iyon na may maliit na manggas at hapit sa katwan niya. May slit ito sa magkabilang gilid at hindi umabot sa tuhod niya ang haba nito. Light brown iyon at tinernuhan niya ng dark brown na blazer at ganoong kulay din na stiletto. “Papasok ako sa trabaho,” sagot niya nang tumingin kay Edmark. Marahas na umiling ang asawa niya. “No way! Hindi ka papasok sa opisina na ganyan ang suot mo. Go back and change your clothes,” asik nito. Tumaas ang kilay ni Khrysstyna sa sinabi ni Edmark. “What’s wrong with my clothes? Masagwa ba? Disente naman itong tingnan, ah. Besides, Sabado ngayon kaya hin

