Chapter 14 - Unexpected Confessions

1211 Words

NAGLILIGPIT na si Khrysstyna ng kanyang gamit nang biglang tumunog ang telepono na nasa mesa niya. Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa telepono. May tumatawag pa talaga sa ganitong oras? Napakamot siya ng kanyang ulo nang mapatingin sa suot na relo. Five minutes after six na. Nag-uuwian na ang mga kasama niya, pero heto siya at mukhang mapapaiwan pa yata ng opisina. Inangat niya ang telepono. “Hello! This is MIS Department. May I help you?” “Hello, Ma’am! Sa reception po ito. Nandiyan pa po ba si Ma’am Khrysstyna?” tanong ng nasa kabilang linya. Napamura sa kanyang isip si Khrysstyna. “Yes, speaking,” nakasimangot niyang sagot. “Ma’am, hinihintay po kayo ni Mr. De Castro dito sa lobby,” sabi ng kausap niya. “Ah, okay. Sige. Salamat,” nakangiting wika niya. May naghihintay pala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD