SA TAKOT ni Khrysstyna ay nagpupumiglas siya. “What the hell, Khrysstyna! I told you to stop moving!” galit na galit nang sigaw ni Edmark. Lalo namang nataranta si Khryssyna. Pilit siyang kumakawala. “Damn it, Khrysstyna!” muling sigaw nito. Nagulat na lang si Khrysstyna nang biglang bitiwan ni Edmark ang braso niya. Pagkatapos ay naramdaman na lang niya ang dalawang kamay nito na nakayakap na sa kanyang beywang. Bago pa siya makapagprotesta ay bigla na lang gumulong silang pareho ni Edmark. Akala niya’y mahuhulog na siya kaya napatili siya nang malakas. Ngunit nang huminto sila ay naramdaman niyang nasa ibabaw pa rin sila ng malambot na kama. Magpapasalamat na sana si Khrysstyna nang ma-realize niya na nagkapalit pala sila ng posisyon ngayon. Siya na ang nasa ilalim at ang asawa

