“SO, HOW’S your day?” nakangiting usisa ni Edrian habang nag-uusap sila ni Khrysstyna sa Skype. Alas siyete ng gabi sa Pilipinas samantalang alas siyete naman ng umaga sa kinaroroonan ng asawa niya. “Uhmm…just okay. Medyo nakakapagod lang kasi maghapon akong nasa harapan ng computer. Wala man lang break. Kaya hindi ako nakaalis sa puwesto ko,” paglalahad ni Khrysstyna. “Huh? Hindi ka nag-break? Bakit? Wala ba kayong lunch break?” bulalas ni Edrian. “Ah, nag-lunch break naman kami. Ang ibig kong sabihin ay wala man lang break sa trabaho. Wala man lang nagpatawag ng meeting o kaya’y inspection. Kaya tuloy sa desktop lang ako nakatutok maghapon,” reklamo ni Khrysstyna. “O-okay. Akala ko naman hindi ka na nakakain,” nag-aalalang wika ni Edrian. “Kumain naman ako. Pero gusto ko rin sana iy

