PAGGISING ni Khrysstyna ay mag-isa na lang niya sa kama. Agad siyang bumangon nang mapansin na alas sais na pala ng umaga. Napasarap ang tulog niya. Komportable na kasi ang pagtulog niya dahil nasa kama na siya. Hindi katulad dati na sa sofa siya natutulog. Pumasok siya sa banyo saka naligo. Paglabas niya ay nakabihis na siya at handa nang pumasok. Inaayos niya ang kanyang shoulder bag nang biglang bumukas ang pintuan. Natuon ang atensyon niya rito. “Hey! Good morning! You’re early. Where are you going?” bungad ni Edmark nang pumasok ito. “Good morning! Six forty-five na. Papasok na ako sa trabaho,” sagot niya saka isinukbit ang kanyang bag. “Let’s eat first. Then I will drive you to your work,” wika ni Edmark habang nakapamulsa ang dalawang kamay nito sa loob ng shorts na suot nito.

