“HALIKA NA. Pumasok ka na. Alam kong pagod ka. Kaya magpahinga ka na,” yakag ni Khrysstyna. Niluwangan pa nito ang pagkakabukas ng pintuan. Hindi makakilos si Edrian. Para siyang naengkanto habang hindi makapaniwalang nakatitig sa dalaga. Nakasandal ito sa dahon ng pintuan samantalang ang isang kamay nito ay nakahawak sa doorknob. Naglakbay ang mata niya mula sa mukha nito pababa. He was trying to remember her face. No! Erase that. It should be the other way around. He was trying to forget her face. But damn it! Why is she here in front of him now? What is she doing in Edmark’s house? Sa lahat naman ng taong makikita niya pagbalik niya ng Pilipinas, ang babaeng ito pa talaga ang mai-encounter niya. Sa kasamaang-palad sa bahay pa ng kapatid niya ito makikita. Wala na ba talagang igagand

