KALALABAS lang ni Edrian sa banyo nang marinig niya ang malakas na ingay ng doorbell. Nakasimangot na dinampot niya ang boxer briefs saka mabilis na isinuot ito. Pagkatapos ay hinubad niya ang tuwalyang nakatapis sa beywang niya. Mabilisan din niyang isinuot ang shirt at ang shorts. Habang pababa siya ng hagdan ay isinisiper niya ang kanyang Bermuda shorts. Gusto niyang bigwasan kung sinuman ang taong nasa labas ng apartment niya. Umagang-umaga ay nambubulahaw. Galit na binuksan niya ang pintuan. Halos magsalubong ang kilay niyang nang mabungaran kung sino ang nang-iistorbo ng umaga niya. “Finally, I found you,” nakangiting bati ng lalaking nakatayo sa harap ng apartment niya. “Huh? What are you doing here?” asik ni Edrian dito. Lalong sumama ang mukha niya nang mapansin ang malaking

