Chapter 4 - A Wife's Dilemna

1137 Words
“EDMARK, puwede ba akong sumabay sa iyo papasok ng opisina? Nasa talyer pa kasi iyong kotse ko,” sabi ni Khrysstyna habang kumakain sila ng umagang iyon. Isang linggo na ang nakalipas mula noong ikasal sila. Natapos na rin ang hiningi niyang vacation leave sa opisina kaya kailangan na niyang pumasok ngayon. Pero kahapon noong kunin niya ang kanyang kotse sa bahay nila ay nadikubre niyang may problema pala ito. Kaya naman idiniretso na lang niya sa talyer. Tapos nag-taxi na lang siya pauwi. Ngayong papasok siya ng trabaho ay wala siyang masasakyan. Kaya naisip niyang makisabay na lang sa asawa. Sa Makati pumapasok ang asawa niya kaya madadaanan nito ang opisina nila sa Ortigas kung saan siya nagtatrabaho bilang Software Developer. Nag-angat ng tingin si Edmark. “I’m sorry. Pero hindi ka puwedeng sumabay sa akin. You can use any car at the garage. Itanong mo na lang kay Tatay Elmo kung nasaan ang susi,” sagot nito. Nagpunas ito ng bibig pagkatapos ay tumayo na ito at iniwan siya. Napa-buntunghininga na lang si Khrysstyna habang sinusundan ng tingin ang papalayong asawa. She was just trying to be nice. Naisip kasi niyang mag-asawa na sila ngayon kaya kailangan niyang pakisamahan itong mabuti. Paano magiging maayos ang pagsasama nila kung hindi sila nag-uusap man lang o kaya’y magkasama kahit sa sandaling oras? Edmark was cold. Hindi niya alam kung normal iyon sa kanyang asawa o sinasadya nito. Ni hindi sila halos nag-uusap kahit magkasama sa loob ng kuwarto at magkaharap sa kainan. Para silang estranghero sa isa’t isa. Kung may pagkakataon man na nakakausap niya ito tulad kanina ay hindi rin nagtatagal. Kumbaga parang yes at no lang ang usapan nila. Dinaig pa nila ang mga nagkatampuhang magkaibigan. Pero kung mayroon man siyang dapat ipagpasalamat sa pagiging malamig ng asawa ay iyong katotohanang hindi siya nito sinisipingan. Para silang may unwritten policy na no touching as in walang yakap, halik, o hawak man lang. Hindi niya alam kung sinasadya ito ng asawa niya o wala talaga itong interes sa kanya. Kaya lang imposibleng walang interes sa kanya si Edmark. Hindi nga ba’t inalok niya ang sarili dito noon para lang umatras ito sa kasal nila. Pero tinanggihan lang siya nito at sinabing makukuha din naman daw niya iyon sa kanya kapag mag-asawa na sila. So, anong dahilan at hindi siya nito ginagalaw? Hindi naman sa gusto niyang may mangyari sa kanilang dalawa. Ang totoo’y laking pasasalamat pa nga niya dahil certified virgin pa rin siya hanggang ngayon. Naiinsulto lang siguro siya dahil parang walang amor sa kanya ang asawa niya. Sana ay hindi na lang silang nagpakasal kung ganito rin naman pala ang kalalabasan ng pagsasama nila. Eww! Anong ibig mong sabihin, Khrysstyna? Kung hindi ka nagpakasal sa kanya, si Khrichelle ang pakakasalan niya. Tingin mo kakayanin ng iyong kapatid ang makisama sa lalaking ito? Mag-isip ka nga. Ipinilig ni Khrysstyna ang kanyang ulo. Bakit ba kung ano-ano ang pumapasok sa utak niya? Nang tingnan niya ang suot na relo ay alas siyete kinse na. Male-late na siya kung hindi pa siya kikilos. Nagmamadaling tinapos niya ang kanyang kinakain pagkatapos ay bumalik siya ng kuwarto. Nag-toothbrush lang siya saka lumabas din kaagad. Dumiretso siya sa labas ng bahay. Tiyempo namang inabutan niya si Tatay Elmo na nagpupunas ng sasakyan. “Magandang umaga po, Ma’am,” nakangiting bati sa kanya ng driver. “Magandang umaga rin po. Puwede po bang ihatid ninyo ako sa opisina? Nasa talyer po kasi ang kotse ko,” pakiusap niya rito. “Sige po, Ma’am. Sakay na po kayo,” sagot ng matanda nang buksan nito ang pintuan ng passenger seat. “Salamat po, Tatay Elmo,” wika niya bago siya sumakay. Nang igala niya ang paningin sa loob ng sasakyan ay napa-wow siya. Ang ganda ng interior. Mukhang luxury car pa yata ang sasakyang ito. Hindi lang niya napansin kanina kung ano ang tatak ng SUV. Pero nasisiguro niyang milyones ang presyo ng sasakyan. Ang gamit ngang sasakyan ng asawa niya ay Ferrari 458 Italia na sa pagkakaalam niya ay isa sa pinakamahal na luxury car sa Pilipinas. Kaya nasisiguro niyang mamahalin din ang SUV na ito. “EDMARK, saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni Khrysstyna nang madatnan si Edmark na may hinihilang malaking maleta pagpasok niya ng kanilang kuwarto. Kagagaling lang niya noon sa trabaho. “May pupuntahan akong convention sa New York. I better go. Alas diyes iyong flight ko,” wika nito saka lumabas ng kuwarto. Napatingin si Khrysstyna sa suot na relo. Alas siyete na ng gabi. Nagmamadaling sinundan niya ang asawa. “Kailan ka babalik?” usisa niya. Huminto sa may puni ng hagdan si Edmark saka ito lumingon sa kanya. Eksakto namang lumapit si Tatay Elmo at kinuha nito ang maletang dala ng asawa niya. “I’m not sure. But I will be back as soon as I can. Pagkatapos ng convention ay pupunta ako ng Japan. Bibisitahin ko iyong construction na ginagawa para sa bagong branch ng Glorious Hotel sa Tokyo. Kaya hindi ako sure kung kailan ako makababalik ng Manila,” paliwanag nito. “Ah, o-okay. Have a safe trip,” wika na lang ni Khrysstyna. Tinanguan lang siya nito saka bumaba na ng hagdan. Akmang babalik na siya ng kanilang kuwarto nang biglang marinig niya ang pagtawag nito. “Khrysstyna!” Agad niyang nilingon si Edmark. “Yes?” nagtatakang sambit niya. May nakalimutan ba ito? “While I am away, you’re not allowed to go anywhere else. Doon ka lang sa trabaho mo, sa bahay ng mga magulang mo, at dito sa bahay. Don’t try to run away or do something stupid. Or else, you will be punished as soon as I am back. Is that clear?” seryosong sabi nito. Hindi kaagad nakasagot si Khrysstyna. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Anong ibig sabihin ng asawa niya? Ikukulong siya nito ng bahay nila? Ano siya preso na walang karapatang pumunta sa lugar na gusto niya? What the f! “Khrysstyna! I’m talking to you! Did you understand what I told you?” angil ni Edmark. “O-okay,” kinakabahang sagot niya. Ngayon lang niya narinig na nagtaas ng boses ang asawa niya. Bagaman hindi sila halos nag-uusap at mas madalas na seryoso ang mukha nito, hindi pa niya ito nakitang nagalit kahit sa mga kasambahay nila. Mahinahon ito kapag nakikipag-usap. Ngayon lang niya ito nakita at narinig na nagtaas ng boses. Galit na ba ito? “That’s good. I’ll get going,” wika nito at ipinagpatuloy ang pagbaba ng hagdan. Naiwang nakatulala sa kawalan si Khrysstyna. Anong klaseng relasyon ba ang mayroon sila ni Edmark? Hindi siya nito kinakausap at pinagbabawalan din siyang maglalabas ng bahay. Pero wala rin namang namamagitang seksuwal sa kanila. Eh, ano siya sa buhay ng lalaki? Pang-display lang o trophy? What the heck is that!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD