“BILISAN na natin, iha,” untag ni Nanay Berna kay Khrysstyna. “Mukhang naiinip na itong alaga ko,” dagdag pa nito nang sumulyap sa pintuan. Nang sundan ni Khrysstyna ang hinahayon ng tingin ng matanda ay noon niya napansin na nakatayo sa may pintuan si Edmark. Bigla siyang nakaramdam ng pagkaasiwa. Kung makatitig kasi ang asawa niya ay parang pinag-aaralan siya nito. “Sige po, Nanay Berna. Galit na nga po yata iyan dahil masama na ang tingin sa akin,” pabulong na sabi ni Khrysstyna. “Naku, iha! Hindi iyan magagalit sa iyo. Ikaw pa, malakas ka sa kanya, ano?” pabulong din na sagot ng matanda. Bahagyang natawa si Khrysstyna. “Kayo talaga, Nanay Berna. Okay lang naman sa akin kung pagtakpan ninyo ang inyong alaga. Pero alam ko naman ang totoo, galit po iyan sa akin,” wika niya sa mahin

