“HEY, sigurado ka bang nagkita na tayo noon pa? Kahit anong kalkal ko sa utak ko, hindi talaga kita maaalala,” pangungulit ni Khrysstyna. “Never mind kung hindi mo na maalala. Sobrang tagal na kasi mula nang mangyari iyon. Hirap lang siguro akong maka-move on lalo na at hindi ko ini-expect na magkikita pa tayo,” saad ni Edmark. Tumaas ang kilay ni Khrysstyna sa narinig. Hindi maka-move on si Edmark sa nangyari sa kanila noon? Bakit? Hindi ba dapat ay nakalimutan na nito ang nangyari noon lalo na at mag-asawa na sila ngayon? Ang weird lang ng asawa niya, ah. Mag-uusisa pa sana siya tungkol dito ngunit napansin niyang pumasok na sa loob ng Ayala Alabang Village ang sasakyan nila. Ilang saglit pa ay huminto ang sasakyan sa tapat ng lagpas taong gate. Bumusina si Edmark. Hindi nagtagal ay

