“BAKIT nandito? Bakit mo iniwan ang iyong asawa, ha? Gusto mo ba akong mapahamak pati na ang Mommy mo?” galit na galit na tanong ng Daddy ni Khrysstyna nang malaman nitong unuwi siya. Tulog na sila kagabi noong dumating siya. Tanging si Khrichelle na lang ang gising kaya ito ang nagbukas ng pintuan para sa kanya. Ngayong umaga ay ito ang sumalubong sa kanya. Nagmamadali pa man din siyang umalis para pumasok sa opisina. Pero pagbungad pa lang niya sa hapag kainan nila ay ito na ang nadatnan niya. “Daddy, may problema po kasi kami ni Edr…Edmark. Kaya umuwi muna ako,” pagsisinungaling niya. Hindi niya kayang sabihin sa kanila ang totoo dahil alam niyang hindi iyon magugustuhan ng kanyang amain. Isa pa’y baka magkatotoo rin ang sinabi nito na mapapahamak ito at madadamay pati ang Mommy niya.

