Nagising si Sherin dahil sa kaniyang naririnig sa kaniyang paligid , pag mulat niya ng kaniyang mata ay ang mukha ng mga kaibigan ni Paulo kasama ng
mga Girlfriend nito ang kaniyang nakita. Nag uusap ang mga ito kaya hindi nila namalayan na nagising na pala siya.
"Baby " ani ng paos na tinig na nasa kaniyang gilid ang kaniyang narinig kaya nilingon niya ito. Maging ang mga kaibigan ni Paulo ay natigil rin sa pag uusap , ng malingon ni Sherin ito ay Sumilay ang kaniyang ngiti sa labi ng makita niya ang lalaking pinaka mamahal niya. Hinimas nito ang kaniyang magka bilang pisngi at hinalikan siya nito sa nuo kaya naman napa pikit na lamang siya.
"Baby kumusta pakiramdam mo may masakit ba sa iyo? " nag aalalang tanong sa kaniya ni Paul.
"Ok na ako. Nan--
Naputol sa pag sasalita si Sherin ng mag salita si Jessa.
"Sherin, kung may nararamdaman ka. Wag mong ilihim saamin ha. Alam namin kaya ka ng hina kanina ay dahil sa konting usok na nalanghap mo " ani ni Jessa sa kaniya kaya naman tumango na lamang siya. Pero ang totoo niyan ay masakit parin ang ulo niya.
"Yung matanda nasaan na siya? " tukoy niya kay Gustavo
"Wala na siya kaya wag kana mag alala " sagot naman ni Paulo.
"Hi sherin" ani ng tinig ng babae na siyang nilingon naman niya
"Hi emmmp kung hindi ako nag kakamali ikaw yung tumulong saakin diba. ?" Naka kunot nuong tanong niya sa babae.
"haaays ano bayan satwing mag kikita tayo . Laging sa Hospital kita na mimeet. Emmp yes sherin, I'm Cindy nga pala kumusta pakiramdam mo ? . Naka limutan ko ng mag pakilala sayo nuon " ani ng babae sa kaniya
"Nako ok lang. Pasensya kana rin ha at maraming salamat sa iyo. Dahil Kung hindi mo ako tinulingan marahil ay wala na ako. " sagot niya
"Ok na. Mag pakalakas ka na lang para naman may Girlsbonding tayo nila Kesha, gusto ko bago ako bumalik ng France maka punta muna tayu ng isla sa Palawan " naka ngiting sabi sabi sa kaniya ni Cindy
Aangal Pa sana si Paul ngunit mabilis naman pinigilan ni Cindy ng makita ng dalaga ang Reaction ng mukha ng binata ng yayain niya si Sherin
"Hep hep hep. Wag kang kumuntra Paul. Kami kami lang, don't worry kapag ok na si Sherin. Hindi naman namin siya papabayaan sa girls bonding namin. Diba Kesha " baling ni Cindy sa Girlfriend ni Fego
"Aba pano naman kami babe? " sabat naman ni Mike sa kaniyang Girlfriend
"He edi bahala kayu mga Boys basta kami mga Girls pupunta kami ng Palawan. Maganda raw masyado duon sa Palawan sabi ng Yaya ko. Kaya gusto Kong pumunta ruon bago bumalik ng France. " sagot ni Cindy sa kaniyang nobyo.
" aba ang dadaya niyo naman. Kayo lang? Hindi ba kami pwedeng sumama? " sabat naman ni Romuel habang naka Akbay sa kaniyang asawa.
" bahala kayo. " sagot ni Cindy.
"Tara sa Labas muna tayo para maka pag solo naman itong dalawa. " ani naman ni Jessa. Kaya
Nag silabasan narin ang Grupo kasama ng Tatlong tauhan ni Paul.
"Paul gusto ko ng tubig " ani ni Sherin ng maiwan na silang dalawa. Kaagad naman kumuha ng isang basong tubig si Paul at binigay sa Dalaga. Pag katapos uminom ni Sherin ay binalingan niya ulit si Paul.
"Baby are you sure na ok kalang? " paninigurado ni Paul sabay pisil sa kaniyang dalawang kamay na hawak nito at kahit masakit parin ang ulo ni Sherin ay Tumango na lamang siya para hindi na masyado mag alala ang kaniyang asawa.
Bigla naman niyang naalala si Jeppy kaya kaagad niya itong itinanong kay Paul
"Paul emmmp si -Si Jey naka ligtas ba siya? " tanong niya na ikina kunot nuo naman ni Paul. Alam na niyang magka away ang dalawa ,ngunit hindi parin maalis sa kaniya ang mag alala para kay Jeppy. Kahit papaano ay Naging mabait parin sa kaniya si Jeppy at ilang beses na siyang iniligtas ng binata.
"Jey? What about him? " kunot nuong tanong ni Paul
"Si Jey I mean si Jeppy naka ligtas ba siya? "
"Do you know him? " tiim bagang na tanong ni paul . Kitang kita ni Sherin ang pag babago ng Aura ng mukha nito. Kahit kinakabahan man ay tumango na lamang siya bilang sagot.
"Emmp gusto kulang malaman kung naka ligtas ba si---
"D*mn it Sherin. Why do you know him ?!" Napa pikit na lamang sa Gulat si Sherin ng tumaas na ang galit na boses ni Paul
"Sinisigawan mo ako? " mahina at malumanay na ani ni Sherin habang naka pikit parin.
"N... No, no baby I'm sorry. Bakit moba siya kilala? " biglang nanlambot si Paul ng makita niyang naiiyak na si Sherin ng mag mulat ito ng mata. Bigla siyang naka ramdam ng pag sisisi dahil bigla niya lamang itong tinaasan ng boses
"Bakit ka nagagalit ? , bakit mo ako minura at sinigawan? " mahinang sabi ng dalaga.
"I'm I'm sorry baby ,hindi ako galit sayo. Bakit moba siya kilala ?" Ani ni Paul sabay yakap kay Sherin.
" emmp naalala mo yung sinabi ko sayo ? ,yung tumulong at nag tanggol saakin. Si Jeppy yun . Hindi ko naman alam na kaaway mo pala siya nagulat na lamang ako nung makita ko siya duon sa lugar na pinag dalhan saakin ." Mahinang sabi ni Sherin habang magka yakap parin sila ni Paul
"ilang beses mona siyang nakita ? "
"Apat na beses na . Saka mabait naman siya saakin , satingin ko hindi naman niya ako kayang saktan " sagot niya ,habang hindi parin humihiwalay sa pagkakayakap
" don't talk to him again baby. " mahinang sabi ni Paul habang naka Subsob na ang mukha sa Leeg ni Sherin.
" opo , tara na umuwi na tayo. Ayaw kona dito. Ok naman ako eh ." Sagot niya at humiwalay na sa pagkakayakap .dahil nakakaramdam siya ng ibang sensasyon sa kaniyang katawan kapag tumatama ang mainit na hininga ni Paul sa Kaniyang leeg .
"Emmp paul tungkol duon sa sinabi ni Cindy , gusto Ko sanang sumama . Ok lang ba? " tanong niya habang nasa biyahe na sila pauwi ng mansyon.
" oo naman baby basta kasama mo ako. " sagot nito
"Pero sabi ni Cindy Girls bonding lang daw. "
" hindi naman hahayaan ni Mike at Fego ang mga Girlfriend nila na pumunta duon pag disila kasama. Lalo na ako, hindi kita papayagan pag hindi mo ako kasama baby " ani ni Paul sabay kindat na ikina irap naman ni Sherin
-------
Masayang magkasama sa isang mall sa US sina Josef at Sharina. Kasama nila ang ilang Bodyguards at ang Tiyahing Si Berna na siyang katuwang ni Josef sa pag bubuntis ni Sharina (Paula) . Pagka tapos nila mamili ng mga gamit para sa baby ay kumain muna sila sa isang sikat na Restaurant ng Turkish Food sa Loob rin ng mall . Habang kumakain sila ay may napansin si Berna na isang pamilyar na Tao sa loob rin ng kinakainan nila.
"Tiya Ok kalang? " tanong ni Sharina sa kaniyang tiyahin ng mapansin niya itong naka kunot nuo
" emmmp Josef iho. Diba ang Tito Toni mo iyon? " ani ni Berna habang naka tingin parin sa Dalawang lalake na kumakain. Ang isa ay naka talikod ang isa ay namumukahan niya dahil naka Harap ito sa Gawi nila.
Tumingin naman ang mag asawa sa tinitignan ni Berna at napangiti si Josef ng makita niya ang kaniyang tiyuhin ,ang kapatid ng kaniyang mommy Sofia na si Toni
" Babe tara lumapit tayo. Nandito si Tito bunsong kapatid ni Mommy ipapakilala kita. " naka ngiting sabi ni Josef sa kaniyang asawa at niyaya na niya itong lumapit sa kabilang lamesa.
"Tito Toni " naka ngiting sabi ni Josef ng maka lapit na sa Dalawa.
"Wooo my Favorite pamangkin nandito Karin. How are you. Hi Paula kumusta ka ? Wow malapit na lumabas ang apo ko . Hahaha 32 palang ako may apo na kaagad" naka ngising ani ni Toni
" yes tito. Ok naman. Always happy parin. Ikaw kumusta kana? Akala koba nasa Dubai ka? " sagot naman ni Josef
" ah Yeah. May Business trip lang ako dito. Siya nga pala ang Business Partner ko si General George Willford. Mr Willford I just want you to meet my nephew Josef Follox and her Wife Mrs"
" wooo it's nice to see you again iho ,how are you " ani ni Mr Willford
Pag baling naman ni Josef sa kasama ng kaniyang Tito Toni ay nagulat Pa siya. At kaagad na Sumaludo sa General.
"Yeah I'm always good, sir how are you ? " ani naman ni Josef.
"Mr Willford. Do you know my nephew? "Takang tanong naman ni Toni
" tito kaibigan ko ang Anak niya si Cindy . Naaalala mo yung girlfriend ni Mike? " sagot ni Josef sa tanung ng kaniyang Tito Toni
"Wow small world , anak pala niya si Cindy hindi ko alam yun. " naka ngiting sabi ni Toni.
"Do you know my Daughter? " tanong ni Mr Willford kay Toni. Tumango lang ang binata sa Tanong ng General.
"Cindy? Diba yung tumulong kaya Sherin? "Bulong naman ni Sharina sa kaniyang asawa. Ngumiti at tumango lamang si Josef bilang sagot.
"Excuse me, iha restroom muna ako " ani ni Berna ng kalabitin nito si Sharina kaya napalingon silang apat sa kaniyang tiyahin
Nanlaki naman ang mata ni Berna ng makita niya ang isa pang lalake na kanina ay Naka talikod lang kaya hindi niya makita ang mukha nito. Maging ang lalaki ay Naka kunot nuo rin habang naka titig kay Berna. Na para bang nakita na niya ito. Ngunit hindi niya matandaan.
"Sige tita hintayin kalang namin dito " pukaw ni Sharina sa kaniyang tiyahin na kita parin ang pagka gulat sa mukha nito habang naka tingin sa lalaking kasama ni Toni.
"Oh -oo - oo sige mabiis lang ako " ani ni Berna at mabilis na umalis sa harapan ng Apat.
"Jusko tama ba ang nakita ko. Si George ba ang lalaking nakita ko. " bulong ni Berna sa Sarili
Pagka tapos ni Berna ay kaagad siyang bumalik . Pag lapit palang niya ay nakita na niyang nag papaalam na sina Josef at Sharina sa Dalawang lalake.
"Oh babe nandito na si Tita Berna. " ani ni Sharina sa Asawa.
"Hello manang Berna kumusta kana ?" Baling ni Toni
"Maayus naman ako iho. Nako lalo kang pumogi. May girlfriend kana ba? Kumusta kana? " sagot ni manang Berna sa Tiyuhin ng alaga.
" haha eh wala Pa ho manang saka nalang. " ani naman ni Toni. Napabaling naman ng tingin si Berna sa Lalakeng katabi ng Binata.
Hindi siya pwedeng magka mali kilala niya ang lalakeng nasa Harapan niya.
"Gi -George? " sambit ni Berna sa lalake. Nakita naman nilang nagulat Pa si Mr Willford.
" tiya ?" Hindi maka paniwalang baling ni Sharina sa Tiyahin.
" kelala mow akow? " ani ni Mr Willford sa Slang na Tagalog. , Wala sa itsura niya na marunong siya mag Tagalog at maka intindi rin. isang France ang Ama ni George at Filipina naman ang kaniyang ina. At matagal siyang nanirahan nuon sa ilo-ilo kaya nasa puso parin niya ang kalahating pinoy.
Kulay Yellow lahat ang Buhok ni George , kulay Green rin ang Mata nito at sobrang puti rin. Kaya anak araw ang Tawag ng mga tao nuon sa kaniya nung nasa ilo ilo Pa siya.
" tama ikaw nga George ! Ako to si Berna. Yung kapatid ni Magda. Remember? Ako yung palaging nag dadala ng mga Sulat niyo ni Evelyn " ani ni Berna na siyang ikina gulat naman ni Sharina at George
"Berna? Ikaw yung kapatid ni Magda? " gulat na sabi ni George.
//to be Continue......
*******
Woooooo sino Si George ?
At bakit Napaka lapit ng Loob ni Cindy kay Sherin?
ABANGAN SA NEXT MGA LABS. ❤️?