Nagising si Sherin dahil sa Malamig na tubig na ibinuhos sa kaniya. Habul hininga Pa siya dahil sa pagka gulat. Pag mulat niya ng kaniyang mata ay ang naka ngising mukha ng Matandang Gustavo ang kaniyang nakita.
"Kailangan kapang buhusan ng tubig para magising masyado bang mahi--
"Ano ba! pakawalan mo ako ditong matanda ka! " putol ni Sherin sa pag sasalita ni Gustavo
Sobrang Takot at Galit ang kaniyang nararamdaman hindi niya alam kung saan ng gagaling ang kaniyang tapang para sigawan ang matandang nasa harapan niya.
"Matapang, matapang yan ang gusto ko " ani ni Gustavo habang pumapalak-pak at dahan dahang lumalapit kay Sherin
Ng maka lapit ito sa Dalaga ay yumuko ito para ipantay ang mukha sa Dalaga. Agad namang kinilabutan at napangiwi ang mukha ni Sherin dahil sa Amoy ng sigarilyong tabako sa hininga ng matanda, na tumatama sa kaniyang mukha.
"Napaka ganda mo talaga " naka ngising sabi ni Gustavo at nilagay ang palad nito sa Makinis na Hita ng Dalaga. Naka Mini palda at puting blusang Yuniporme lang ito kaya madaling nahaplos ng matanda ang makinis at malambot na balat ng dalaga sa bandang hita nito. Kaagad namang napa igtad at kinilabutan si Sherin dahil sa Ginawa ng matanda.
Kaagad niya itong dinuraan sa mukha kaya naman napa bitaw si Gustavo sa kaniyang Hita at malakas siyang sinampal ng matanda . Naramdaman ni Sherin ang hapdi ng kaniyang pisngi at nalasahan narin niya ang kaniyang dugo sa kaniyang labi. Dahan dahang hinarap ni Sherin ang kaniyang mukha sa matanda at ngumisi ang dalaga sabay dila sa kaniyang labi na may Dugo. Nanlilisik ang kaniyang mata at ngumisi ang Kanang gilid ng Labi ng Dalaga.
" pweee! Matapang kalang dahil naka Tali ako. Pakawalan mo ako dito matanda ka !" Seryoso at matalim na tingin bago ngumisi si Sherin sa matanda.
Sasampalin Pa sana ulit ni Gustavo ang dalaga. Ngunit bigla silang napa baling sa Kalabog ng Pinto at niluwa ruon si JEppy kasama ang mga tauhan nitong mga Armado.
Kaagad namang naging alisto ang mga tauhan ni Gustavo sa loob ng silid na iyon. Magka sabay na nagka tutukan ng mga baril ang mga tauhan ng mga ito. Maging si Gustavo at Jeppy ay nagka tutukan rin.
"Je-jeppy? " hindi maka paniwalang sambit ni Sherin. Naguguluhan siya kung bakit naroon si Jeppy at kung bakit may mga kasama itong may mga Baril.
Hindi naman pinansin ni Jeppy ang pagka gulat ni Sherin dahil seryoso lang itong naka Tutok kay Gustavo .
"Anong ginagawa mo ?! Talagang kakalabanin mo ako dahil lang sa isang p*nyetang babaeng ito. !? " seryosong ani ni Gustavo kay Jeppy
"Sinabihan na kita. Sinabi Kong wag mo siyang idadamay dahil wala siyang kinalaman at labas siya sa away natin sa mga Santiban. !" Sagot naman ni Jeppy
"Hindi ! Damay na siya dito. Dahil isa parin siyang santiban at asawa siya ng kaaway natin. !" Balik sagot naman ni Gustavo.
" kung ganon wala na akong mapag pipilian Pa. dahil binalaan na kita nuon, na kapag dinamay mo siya . ay hindi ako mag dadalawang isip na kalabanin ka! " tiim bagang na sagot ni Jeppy sa matanda.
" talagang nahihibang kana . dahil sa babaeng ito! Pati ako kinakalaban mona. Wala ka talagang utang na loob. !" Ani ni Gustavo
" hawakan niyo ang babaeng yan at wag niyong papakawalan !" Baling ni Gustavo sa mga tauhan. Kaagad namang sinenyasan ni Jeppy ang kaniyang tauhan gamit ang kaniyang kilay
Habang si Sherin naman ay naguguluhan parin at hindi maka paniwala, na isa palang kalaban ng kaniyang asawa si Jeppy
"Jeppy? " sambit ni Sherin habang naka tingin parin sa binata, kaya naman napa baling ng tingin si Jeppy sa dalaga.
" ililigtas kita Queen. Wag kang mag alala " mahinang sambit ni Jeppy sapat na para marinig ng Dalaga at hindi naman ito naka ligtas sa pandinig ni Gustavo kaya tumawa ito ng paasar.
" masyado kang nahihibang sa babaeng ito. Total kinakalaban morin lang naman ako. Wala ng dahilan para mag kunwari Pa ako sayo at kailangan narin kitang isunod sa iyong ama. " naka ngising ani ni Gustavo na siyang nag pakunot nuo naman kay Jeppy.
" anong ibig mong sabihin? " kunot nuong tanong ni Jeppy sa Matanda kaya naman tumawa ulit si Gustavo.
" mag ama nga kayo. Pareho kayong t*nga ni Julio. Hahaha masyado kang paniwala saakin. Lalo na si Vea. Napaniwala ko kayo na si Pablo ang pumatay sayong ama. Pero ang totoo ako ang pumatay sa tatay Julio mo. Masyado siyang mabait kaya pinag palit ako ni Vea sayong ama. inagaw saakin ng tatay mo si Vea. Ako dapat yung papakasal ni Vea, dahil ako naman ang boyfriend niya . pero iniwan ako ni Vea at si Julio ang Pinili niya. Kaya ayun , wala akong ibang naging choice kundi patayin si Julio para mapasaakin si Vea. At kung hindi dahil sa pinag bubuntis niya si Carla ay hindi naman talaga ako papakasalan ng iyong ina. At si Pablo ang pinalabas Kong pumatay kay Julio dahil si Pablo ang Unang naging Boyfriend ng iyong ina. Hahaha talino ko diba. " pag kukwento ni Gustavo na siyang ikina ngitngit ng galit ni Jeppy.
"Ah! P*ny*ta ka ! " namumula sa galit na sabi ni Jeppy at akmang babarilin na ni Jeppy si Gustavo ng May bigla silang narinig na pag sabog sa Labas.
"Boss ang mga Santiban! " ani ng tauhan ni Jeppy
Mabilis naman nagsikilos ang mga tauhan ni Gustavo maging ang mga Tauhan ni Jeppy.
"Jeppy! " tawag ni Sherin sa Binata na hawak hawak parin ito ng Dalawang tauhan ni Gustavo
"Papatayin muna kita babae k-- bang* bang *" hindi na natuloy ni Gustavo ang sasabihin at akmang ililipat na nito ang tutok ng Baril kay Sherin , ngunit mabilis itong binaril ni Jeppy sa Kamay at sa dalawang Binti. Kaya napa luhod at napa bitaw ng Baril si Gustavo. Habang ang mga natirang mga tauhan ni Gustavo sa silid naiyon ay pinag babaril rin ng mga tauhan ni Jeppy.
Akmang lalapitan na ni Jeppy ang naka taling dalaga ng may biglang bumagsak na isang bagay galing sa Bubong , kaya napa tigil sa pag hakbang si Jeppy. At nakita niya ang bagay naiyon na unti unting may lumalabas na makapal na usok. Kasabay nuon ang pag Talon ng Anim na tao galing sa Sirang Bubuong. Naka suot ang mga ito ng kulay itim at hindi rin makita ang mga mukha ng mga ito dahil narin sa Plastik Cover na naka takip sa mukha ng mga ito. At Hindi rin maaninag ni Jeppy ang mga ito dahil narin sa makapal na usok.
"Bossing lumabas na tayo baka dito Pa tayo mamatay isang lason ang usok naito " ani ng isang tauhan ni Jeppy kaya walang nagawa ang binata kundi takpan ang ilong nito at mabilis na nilang nilisan ang silid na iyon. Gusto man niyang lapitan si Sherin ngunit. Hindi niya ito maaninag dahil sa kapal ng usok at ng hihina rin siya dahil sa nalanghap na usok.
Habang si Sherin naman ay nagulat at ng hihina rin dahil sa nalanghap na Konting usok at naramdaman niya lamang na may tumakip sa kaniyang ilong dahilan para mawalan siya ng Malay
Sa likod dumaan si Jeppy kasama niya ang limang mga tauhan na natira at nag tago sila sa Matataas na talahiban para hindi sila makita. Habol hininga parin sila dahil sa panghihina kaya pahiga silang nagtatago sa Talahiban.
" Jego Ilan ang natira sa Loob? " ani ng isang lalake kaya napa angat ng ulo si Jeppy at sinilip niya ang pinanggalingan ng tinig naiyon. Nakita niyang si Jessa na isang pulis Agent ang nag tanong at kilala niya ang Anim na naka kulay itim. ito ang grupo ng Otso Apolo
Nakita niya na Buhat buhat ng isang lalakeng naka itim si Sherin at kilala niya ito. Si Jego ang lalakeng may Buhat sa Dalaga. At inabot nito kay Paul Ang dalaga. Kaya napa kuyom ng kamao si Jeppy.
-
Pag dating palang nila Paul sa Lugar na pinag dalhan kay Sherin ay nakita na niya ang mga tauhan na naka Handusay sa labas. Ngunit wala naman silang narinig na mga putukan ng baril. Marahil naka Silent proof ang mga gamit na baril ng mga sumugod sa lugar naiyon.
Sinilip at binuksan ng isang tauhan ni Paul ang isang sasakiyan ngunit kaagad itong sumabog kaya mabilis ang mga naging kilos nila Paul. Nakita niya rin na naka Handa na ang Anim na grupo ni Paulo sa taas ng Bubong. Katulad nila ay naka Silent rin ang mga Baril nila kaya tahimik nilang pinag babaril ang mga Tauhan na natira sa loob. Papasok Pa sana sila sa ikalawang palapag ngunit nakakasalubong nila ang makapal na usok.
"Boss lumabas na tayo. Sa labas nalang tayu mag hintay. " ani ni Rayan habang naka takip sa ilong.
Hindi Pa sana lalabas si Paul ngunit nakita na niyang lumabas na sa isang silid na punong puno ng usok ang anim na Otso apolo. Wala si Vanessa dahil kakapanganak palamang nito maging si Josef ay wala rin dahil nasa US ito kasama ni Sharina. Kaya Anim lamang . Gumaan lang ang kaniyang loob ng makita niyang ligtas na si Sherin.
Kinuha niya ang Dalaga na buhat buhat ni Jego hindi paniya makita ng maayos ang mukha ng dalaga dahil tinakpan ito ng Cover para hindi maka langhap ng usok.
"Kuya, Wala na si Gustavo may Sugat siya sa binti kaya nahirapan siyang tumakas at dahil sa Lason na usok kaya namatay si Gustavo kasama ng mga tauhan sa loob. " pag babalita ni Paulo ng maka labas na sila sa Gusali na iyon.
"Si Dalgan? " tukoy ni Paul kay Jeppy habang buhat buhat parin ang walang malay na dalaga.
" wala sa Loob si Jeppy. Si Gustavo lang at ang mga kasamang tauhan lang ang nakita namin. " sagot naman ni Mark.
" ang importante safe na si Sherin kuya at Wala na si Gustavo. " sabat naman ni Paulo
" Rayan wag mong hayaag mailabas ito sa balita linisin niyo rin ito. "Baling ni Paul sa katabi.
"Copy boss " sagot naman ni Rayan.
---
"Bosing ano ng plano ? " tanong ng isang kanang kamay ni Jeppy
" hindi muna tayo gagalaw. Kailangan muna nating mag palakas bago natin balikan ang mga Santiban. At ngayon kilala na ni Sherin kung sino ako. Wala ng dahilan para mag panggap ako sa kaniya. Pag balik natin. Sisiguraduhin Kong makukuha ko si Sherin. Dahil saakin lang siya " sagot ni Jeppy
//to be Continue......
******
Hi mga Labs. Namiss niyoba ako? Hehehe chaaar ? sorry kung 7days akong nawala ha. Masyado lang naapektuhan ng mga Magnanakaw nayan.
*******