CHAPTER 5

1456 Words
JOSHUA BENITEZ Nagiging madalas ang pagtatalo namin ni Carla, bihira na rin siya umuwi dito sa bahay. Maraming bagay siyang hindi nagagawa dahil mas inuuna niya ang boyfriend niyang si Dave. Wala naman akong reklamo, alam na namin dalawa sa una pa lang kung ano ang sitwasyon namin sa ilang taon na ring pagsasama namin ay nasanay na ako. "Why are you here?" Tanong ko kay Carla, kadarating lang niya dito sa bahay. "I'm tired, Josh, mamaya muna ako kausapin." sabi niya sa akin saka siya naglakad papunta sa kanyang silid. "Pinapapunta tayo nila Mommy sa bahay, may family dinner mamaya. Gusto nila na makitang kasama kita." Ani ko sa kanya. "Pwede ba josh, huwag muna akong idamay sa mga gatherings ng pamilya mo. Kakauwi ko lang galing El Nido gusto kong magpahinga." sagot niya sa akin. "Bullshit Carla, pagod din ako, hindi ikaw ang lagi kong iintindihin. Tang-ina! Gust mong malaman ng pamilya natin kung ano meron tayo fine! Para matigil na yang mga kalokohan mo, sabihin na natin ang totoo!" galit kong sigaw sa kanya. "But don't blame me kapag may ginawang hindi maganda ang daddy, binalaan na kita." Muli kong sabi sa kanya. Hindi na siya ng salita at tuluyan ng pumasok sa kanyang silid. Sa inis ko ay lumabas ako ng bahay, nakita ko si Dan na naglilinis ng sasakyan. Lumapit ako sa kanya para makipag kwentuhan. "Gov, hulaan ko nagtalo na naman kayo ni Carla?" nakangiting tanong ni Dan. "Ano pa nga bang bago? May family dinner mamaya sa bahay at ayaw niyang sumama. Hinahanap siya ni mommy, ano na naman idadahilan ko kung bakit wala siya?" napapabuntong hininga na lang talaga ako. "Mabuti pa sumama ka na lang sa akin mamaya, birthday ng Girlfriend ko ngayon at meron siyang konting handaan sa bahay nila. Mga kaibigan niya lang naman ang bisita niya, tutal lingo naman ngayon at wala kang gagawin." sabi sa akin ni Dan. "Paano ang family dinner namin?" problemado kong sabi. "Sabihin mo na lang na may importante kang pupuntahan, pagdating naman sa pagiging gobernador mo wala naman angal ang pamilya mo. Kesa mag isip kapa ng idadahilan mo sa magulang mo kung bakit wala ang peke mong asawa. Kung ako sayo, maghanap-hanap ka na rin ng babaeng pwede mong ligawan. Kaso ang tanong papayag kaya sa magiging set up ninyo?" wika ni Dan. Wala naman sa isip ko ang maghanap ng babaeng mamahalin, para sa akin ang pag-ibig ay kusang dumarating. Hindi mo ito kailangang hanapin. "Baka nga hindi pa ipinapanganak ang babaeng nakalaan para sa akin." Biro ko kay Dan. "Gov, dapat kasi lumalabas ka din ng kapitolyo at hayaan mo ang sarili mong mag explore ng mga babae. Kung yung peke mo ngang asawa nagpapa bembang sa iba, ikaw ayaw mo ding bumembang sa iba. Ano Gov, kamay-kamay na lang ba." Pang-aasar sa akin ni Dan. "Oo na, sige na, sasama na ako sayo. Siguraduhin mo lang na mabubusog mo ako sa birthday ng girlfriend mo. Sa tagal muna sa aking nagtatrabaho di ko pa nakikilala yang girlfriend na sinasabi mo. Hindi kaya ghost girlfriend yan?" Natatawa ko ring biro sa kanya. Matapos kong makipag usap kay Dan ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Tinawagan ko na agad si mommy para magpaalam. "Mom, I cannot make it to our family dinner tonight. I have important things to do later," paalam ko kay Mommy. "Is that more important than your family?" nagtatampong sabi niya. "Mom, please understand, I am the governor of this town at may mga bagay na kailangan akong unahin." Paliwanag ko kay mommy, mabuti na lang at naintindihan niya rin ako. Papasok na sana ako ng kwarto ko ng makita kong palabas na si Carla. Hindi ko na siya tinanong kung saan siya pupunta, sigurado naman akong uuwi siya sa condo na tinitirahan nila ni Dave. Walang nakakaalam ng ganitong set up namin. Pumayag ako dahil noon pa man pagkatapos ng kasal namin ay sinabi naman niya sa akin kung ano lang ang magiging papel namin sa isa't isa. Kapag nalaman ng pamilya ko na ganito ang set up namin, tiyak na mamumura ako ng mga magulang ko. Wala naman akong pakialam sa kanila, sinunod ko ang kagustuhan nilang pakasalan si Carla at inisangtabi ko ang nararamdaman ko. Kaya hindi nila kami masisisi kung ganito ang naging sitwasyon namin. Alam kong hindi ko ito maitatago ng matagal lalo na at si Carla ay parang wala ng pakialam. Isang araw malalaman din nila ang totoo at yun ang kailangan kong paghandaan. Pumasok na ako ng tuluyan sa aking silid para umidlip muna mamayang hapon pa naman kami aalis ni Dan kaya may pagkakataon pa ako para matulog. Hapon na ng magising ako, tumayo ako sa aking kama at pumasok sa banyo. Agad kong hinubad ang ang damit at walang itinira maski isa, binuksan ko ang shower at hinayaan kong dumaloy sa aking katawan ang maligamgam na tubig na nagmumulas sa dito. Hindi rin ako nagtagal at lumabas niya, pinunasan ko ang aking katawan at pinatuyo ang aking buhok. Pumasok ako sa aking walk in closet para mag hanap ng maisusuot isang lacoste white polo shirt at maong pants ang aking napiling isuot. Pinartneran ko lang ito ng rubber shoes din para hindi naman masyadong pormal. Nag spray na din ako ng pabango at inayos ko ang aking buhok. Nang matiyak ko ng gwapo na ako ay saka ako lumabas ng bahay. Dapit-hapon na pala at naka abang na si Dan sa akin. "Gov, birthday-han lang ang pupuntahan natin, grabehan naman yan at talagang nagpapogi pa. Wala ka namang jowa dapat hindi mo muna ako sinapawan." Pabirong sabi ni Dan sa akin. "Malay mo doon ako makakita ng magiging poreber ko," balik biro ko rin sa kanya. Umalis na kaming dalawa at bago kami dumiretso sa bahay ng girlfriend niya ay dumaan muna kami sa isang flower shop. Ako naman ay nagpadaan sa bilihan ng cake para sa girl friend ni Dan. Pagdating namin sa bahay ng may birthday ay sinalubong agad kami ng birthday celebrant. Humalik si Dan sa pisngi ng Girlfriend niya at ibinigay niya ang bulaklak na dala niya. "Happy birthday, Love." bati niya. "Siya nga pala, Gov, girlfriend ko si Yham, Yham si Gov ang gwapong kong boss." nakngiting sabi ni Dan. "Ang ganda naman pala ng girlfriend mo, buti pinatulan ka." biro ko. "Gov naman, syempre mana lang ako sayo." tugon niya. Inaya na kami ni Yham na pumasok na sa loob ng bahay nila. May mga iilan na rin siyang bisita pero ng dalawa niya raw na kaibigan ay wala pa. "Gov, maraming salamat po sa pag punta. Pasensya na po kayo, hindi naman kasi sa akin sinabi ni Dan na isasama ka po niya kaya hindi man lang kami nakapaghanda." Nahihiya pang sabi ni Yham. "Mabuti nga at niyaya ako nito ni Dan, mukang masasarap pala ang mga handa dito. At meron pang pansit na paborito ko." Nakangiti ko ring tugon. "Gov, halina po kayo at ng makakain na po kayo, pagpasensyahan na po ninyo ang munting handa nitong aking anak." ani ng Nanay ni Yham. "Wala po yun, Nay. Hindi po kayo dapat mahiya sa akin, para po sa akin ay hindi mahalaga kung marami ang handa ang mahalaga ay sama-sama po natin itong pagsasaluhan." Sagot ko naman. "Mahal, maiwan ko muna kayo, nasa labas na daw ang dalawa kong kaibigan. Sasalubunggin ko lang sila," paalam sa sa amin ni Yham. Naglakad na siya palabas para sunduin ang dalawa niyang kaibigan, hindi nagtagal ay kasama na ni Yham na pumasok sa loob ang dalawang babae. Bigla akong natulala dahil ang isa sa kanila ay parang namumukhaan ko. Tama, sya yung isang babaeng nakita ko sa event ng mga governor na inattend-an ko. Yung babaeng buong event ko yata tinignan. Pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin dahil alam kong hindi ko na naman siya makikita. "Gov, sila po ang mga kaibigan ko, Si Aira at si Liezel." Pakilala ni Yham. Tumayo naman ako at nakipag kamay sa kanila, pero ang mga mata ko ay kay Liezel lang nakatingin. "Gov, parang namumukhaan ka po namin? Parang nakita ka na po namin? Tama, Zel, naalala mo siya yung lalaki na nakatitig sayo noong nag serve tayo sa event ng mga politician." walang preno ang bibig na sabi ni Aira. Nakita ko na pinandilatan lang siya ng mata ni Liezel at hindi man lang siya nagsalita. Hinila niya na si Aira at lumapit sila sa mga magulang ni Yham para bumati. "Gov, tama ba ang intindi ko? Si Liezel yung babaeng kinikwento mo sa akin noon?" May panunuksong sabi sa akin ni Dan. Kaya pasimple ko siyang siniko dahil bigla na lang akong tinubuan ng hiya sa katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD