JOSHUA BENITEZ
"Gov, umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba kay Liezel?" bulong ni Dan sa akin.
"Manahimik ka Dan, baka may makarinig sayo." Saway ko naman sa kanya.
"Umamin ka na kasi, Gov, gusto mo siya noh! Naalala ko panay ang kwento mo sa akin noong pauwi tayo tungkol sa babaeng nakita mo. Kung sinabi mo lang agad sa akin di hindi ka na sana nahirapan pa." Hindi tumitigil si Dan sa panunukso sa akin.
Nakaupo lang kami dito sa terrace ng bahay nila Yham, ang mga kaibigan niya naman at iba pang bisita ay nasa loob ng bahay sa may sala nakaupo. Hindi ganun kalakihan ang bahay nila kaya kita mo agad ang loob ng bahay.
"Gov, baka naka matunaw na yan si Liezel kanina mo pa tinititigan, nandito naman ako ba. Ako na lang ang titigan mo," tumatawa na bulong sa akin ni Dan.
"Tigilan muna ako, Dan. Isa na lang bibingo ka na sa akin., kanina mo pa ako inaasar." Muli kong sabi sa kanya.
"Balita ko may booking na naman yan si Liezel, kwento sa akin ni Yham. May isang mayamang Governor daw ang kumuha sa kanya, ayaw niya raw pumayag na hindi kasama sila Yham pero yung event organizer daw ang kumausap sa kanya." Kwento sa akin ni Dan.
Nagkaroon tuloy ako ng interest sa pagkatao ni Liezel.
"Ano ba ang background ng pamilya niya? Gustong alamin mo kung anong trabaho ng mga magulang niya? Ilan silang magkakapatid at ano ang course niya?" tanong ko kay Dan.
"Pareho sila ni Yham na nursing student ang kwento ni Yham, ang tatay niya daw ay isang Taxi driver at isang public school teacher naman daw ang nanay niya. Mabait at matalino daw yan si Liezel, 1st time lang daw nilang rumaket sa event noong may nag alok sa kanila ng trabaho at dahil kulang sila sa pang tuition ay pumayag sila.
"Ngayon ang sabi ni Yham may isang Governor yata na interesado sa kanya. Hindi kaya ikaw yun? Umamin ka na gov, ikaw ba ang kumuha sa kanya? Hindi raw sinasabi ng organizer kung sino ang interesado sa kanya at bandang Tagaytay daw gaganapin ang event. Di ba mayroon kang bahay sa tagatay?" muling tanong ni Dan sa akin.
"Wala akong alam sa sinasabi mo, tumigil ka nang katatanong sa akin. Kanina mo pa ako ini-interrogate, hindi ako kriminal kaya tigilan muna ako."
Tumayo ako at kinuha ko ang sigarilyo ko sa pantalon na suot ko. Lagi akong may dalang sigarilyo pero bihira akong manigarilyo. Nagsisindi lang ako kapag natetense ako.
Habang humihithit ako ng sigarilyo ko ay panay din ang sulyap ko kay Liezel. Aaminin kong iba ang dating niya sa akin, ayaw ko man aminin sa sarili ko pero alam kong interesado ako sa kanya. Ang liit talaga ng mundo, akalain mong dito pa kami mag kikita. Ilang gabi ko na rin siyang iniisip. Pilit ko lang binabalewala dahil sa akala ko ay hindi na kami magkikitang dalawa,
"Gove may emergency daw sa kapitolyo, kailangan ka daw po. Meron daw sunog sa isang baranggay sa likod ng kapitolyo." mabilis ang pagsasalita na sabi ni Dan sa akin.
Pumasok ako sa loob ng bahay nila at magalang na nagpaalam sa magulang ni Yham.
"Liezel, mauna na kami, hope to see you again." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Kahit pilit ang ngiti niya ay muli kong nasilayan ang kanyang biloy na bumagay sa kanyang maliit na mukha.
"Mauna na kami, maiwan na namin kayo."muli kong paalam sa kanila.
-------------------------------------->
ELIEZA DELA CRUZ
Nagulat ako ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki dito sa birthday ni Yham. Hindi ko siya pwedeng makalimutan, sya yng lalaking nas gilid lang at umiinom noong rumaket kami sa isang event sa Pasay. Siya yung lalaking nakatitig lang sa akian. Siya yung gwapong lalaki na kahit mukha ng lasing ay mukang mabango pa rin. Anong ginagawa niya dito sa birthday ng kaibigan ko? Sabi ko sa isip ko.
Lumapit kami sa kanila at pinakilala kami ni Yham sa kanya. Nalaman ko na siya pala ang Governor namin dito sa Laguna, sayang may asawa na siyang anak ng isang sikat na businessman. Crush ko pa naman sana siya.
Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Joshua Benitez isa ding negosyante at anak ng dating governor namin. Nakita kong iniabot niya ang kamay niya sa akin, hindi ko alam kung ibibigay ko rin ang kamay ko. Ayaw ko naman siyang mapahiya.
"Liezel Dela Cruz po, Gov." nahihiya kong sabi, sabay abot ng kamay ko.
Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko kaya agad ko itong hinaltak. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Napakagwapo niya pala sa malapitan, para akong highschool na ngayon lang nagkaroon ng crush. Nagpaalam na ako sa kanila at lumapit ako sa mga magulang ni Yham, nakaugalian ko na kapag pupunta dito sa kanila ay nagmamano ako.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak." Sabi sa akin ni Tita.
Sumunod naman si Aira, pagkatapos namin mag mano ay napatingala ako nga amay nag abot sa akin ng paper plate. Pagtingin ko ay si Gov. Benitez pala ang nag bibigay sa akin. Kinuha ko naman ang paper plate at pasimple akong nagpasalamat. "Thank you po, Gov." mahina kong sabi.
Pagkatapos namin kumuha ng pagkain ay umupo na kami ni Aira sa sofa, sila Gov at Kuya Dan naman ay sa dining Table na kumain.
"Girl, pansin mo ba si Gov, lagi na lang nakatingin sayo. Malakas yata ang tama niya sayo." bulong sa akin ni Aira.
"Ikaw kung ano-ano sinasabi mo, baka hindi sa akin nakatingin; assuming ka lang masyado." bulong ko rin sa kanya.
"Bakla ka, sa event pa lang malagkit na ang tingin sayo. Tignan mo nga yan, kahit dito palaging nakangiti sayo." pilit pa ni Aira.
"May asawa na siya kaya huwag mong isaksak sa utak ko na may posibilidad na may gusto siya sa akin. Ang ganda kaya ng asawa niya, kaya alam kong hindi yan magloloko." giit ko rin kay Aira.
"Bahala ka, basta ako malakas ang kutob ko na may gusto yan sayo. Pupusta ko pa yung baon kong pang 1 week." Natatawang sabi sa akin ni Aira.
Hindi ko lang pinapahalata, pero nakikita ko siyang madalas nakatingin sa akin. Nakita ko na papasok na sila at palapit sa amin.
Nagpaalam na sila na aalis na raw dahil may emergency sa kapitolyo. Medyo kinilig ako ng magpaalam siya sa akin at tinawag niya pa ang pangalan ko.
Agad ko rin naman sinaway ang sarili ko pag alis nila. May asawa na siyang tao at hindi maganda na kinikilig ka, kastigo ko sa aking sarili.
Abot-abot ang tukso sa akin nila Yham at Aira, napansin daw nila na parang intaeresado sa akin si Gov.
"May asawa na siya, tigilan na ninyo ako. Wala akong balak na ako pa ang maging dahilan ng problema nilang mag asawa. Baka mabait langb talaga si gov sa mga kagaya nating hampaslupa." pabiro kong sabi sa kanila.
"Pero what if kung bigla siyang manligaw sayo? May pag-asa ba?" nagulat ako sa tanong ni yham kaya hindi agad ako nakasagot.
"Sa ngayomn, hindi ko nakikita ang sarili ko na magkaroon ng relasyon kay gov. Hayaan na natin sila ng asawa niya, deserve na ang tahimik na buhay. At ayoko rin ng gulo, baka maatake ang nanay ko kapag nalaman niyang meron may crush sa akin na may asawa." Natatawa kong sabi sa dalawa kong kaibigan.
Inabot kami ni Aira ng alas diyes ng gabi bago makauwi. Magkaiba kami ni Aira ng lugar kya naghiwalay na kami sa kanto. Naglakad na ako papunta sa terminal nang maramdaman ko na parang may sumusunod sa akin na sasayan. Grabe ang kaba ko ng biglang tumigil sa tapat ko at binuksan ang pinto.
"Pasok ka na, ihahatid na kita." Sabi ng isang pamilyar na boses. Kahit kabado ako at pinilit kong lumingin. Napalakia ang mata ko ng makita ko si gov. Na nakangiti sa akin at inaalok akong sumakay sa sasakyan niya.