SIMULA
“Long time no see.”
Kinalma ko ang sarili ko bago nag lagay ng pilit na ngiti sa aking labi. "Oo nga eh. It's been a long years, noh?"
Pakunwaring tanong ko kahit na alam ko naman at bilang na bilang sa aking isipan ang oras at minuto simula ng abandonahin n'ya ako.
Isa akong babaeng tanga na ang tanging kasiyahan ay ang uwian ako ng aking asawa. Nangarap rin naman ako na mahalin n'ya, pero wala eh. Hindi talaga natuturuan ang puso sa dapat nitong maramdaman. Sana una palang naisip ko na iyon. Ngunit wala e, humantong pa sa magulo at masakit na sitwasyon.
Nakakawa man akong pakinggan pero iyon ako eh. Pinili kong maging bulag sa pag-ibig hanggang sa mapagod nalang ako sa sarili kong kagagahan.
Tatlong taon akong lumaban. I'm a desperate woman. Napakamisirable ng buhay ko at dahil iyon sakaniya. Dati ayos lang naman sa akin na mambabae s'ya, basta sakin parin ang uwi n'ya. Kaya lang hindi narin siguro n'ya kaya 'yung pressure sa mga magulang ko.
At sa sobrang bulag at tanga ko sa pagmamahal ko sakaniya ay pinagsilbihan ko parin s'ya, pati kabit n'ya isinama ko narin wag lang s'yang mawala sa akin.
Ayaw kong bigyan s'ya ng dahilan para sukuan agad ako.
Sa tuwing bibisitahin kami ng parents namin kailangan naming ipakitang sweet kami at masaya sa piling ng isat-isa, na para bang ako lang ang babaeng nakikita ng mata n'ya.
Ngunit ang totoo ako lang naman ang nagmamahal saming dalawa. One sided love, ika nga nila.
Inabandona ako ng asawa ko at ipinagpalit sa babaeng mas may dating, mas kayang ibigay ang gusto n'ya, mas sweet, mas maganda, mas mapostura at higit sa lahat, mas kaya s'yang pasayahin.
Kasalanan ko ba kung bumitaw na ako at isinuko s'ya sa kabet n'ya o tama lang ang pasya ko?
Ang palayain ang taong mahal ko na kahit kailan hindi naman sumaya sa piling ko.
Ano ba dapat ang naging desisyon ko?
Kasi kung minahal n'ya ako kahit katiting man lang lumingon sana s'ya nung gabing iwan n'ya ako at puntahan ang babaeng kahati ko hindi lang sa katawan, pero pati narin sa puso n'ya.
Talo nga lang ako, at kahit alam kung talo na ako umpisa palang sumugal parin ako, at sa huli nag paraya ako para sa ikasasaya nilang dalawa.
Kaya bakit pa s'ya babalik? Bakit kailangan ko pa s'yang makita kung kailan nakakarecover na ako?
Bumalik ang diwa ko.
"Coffee?" Anyaya n'ya na balak ko sanang tanggihan pero hindi ko ginawa.
Gusto ko kasing ipakita na maayos at masaya na ako ngayon. Wala na ang bitterness sa puso ko. Masaya na ako sa landas na pinili ko. Sa landas na tinahak ko ng mag-isa kahit wala s'ya. Matagal ko narin naman s'yang balak hanapin para makausap.
“Yeah, sure tayo lang— I mean, wala kabang kasama Duce?” Tanong ko.
“Dapat ba may kasama ako?” Balik na tanong nito na ikinalikot ng mata ko.
Wrong move, Arian.
“No, wala naman. I'm just curious hindi mo s'ya kasama haha.” Pinilit ko mag lagay ng pekeng tawa na sobrang obvious para naman malaman n'ya ang ibig sabihin ko.
“Sinong s'ya?” Inosenteng tanong nito na mas kinataas ng kilay ko at pati narin ng dugo ko.
Pakiramdam ko magkaka-highblood ako sa inaasal ng siraulong lalaking 'to.
Ang kapal talaga ng pag mu-mukha! Mula noon, hanggang ngayon at takenote mas kumapal pa! “Never mind,” tanging sagot ko.
Mauuna na sana akong lumakad pa-pasok sa coffee shop ng mag ring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.
“Hello?” Nabosesan ko na agad si Martin kaya alam ko na ang pakay nito. “Busog pa ako.” Kaagad na sabi ko kahit 'di pa nya sinasabi ang pakay n'ya. Alam ko namang aayain n'ya lang akong mag lunch.
“Busy ako Martin, may kausap pa ako. Boyfriend? Hindi wala lang 'to.” Sabi ko bago napatingin kay Duce na mukhang nayayamot na dahil sa pangungulit ni Martin. "Oo na, sige na ikaw na nga po. Ikaw lang ang aking boylet, ayos na? Sige bye.”
Pinatay ko na ang tawag at in-off ang phone ko para hindi na 'to mang istorbo pa. Kilala ko si Martin, masyado s'yang makulit at mapang-inis.
“So, boyfriend mo?” Seryosong tanong nito.
"Hindi," agad na sagot ko.
"Wag mo akong gawing tanga Ariana," madiing wika n'ya.
Pansin ko ang pagkuyom ng kamao n'ya na parang gustong manuntok.
"Ano bang sinasabi mo?" Mataray na tanong ko.
Nakakainis na s'ya ha! Huwag ko s'yang gawing tanga? After 3 years susulpot s'ya sa harapan ko na parang walang ginawang mali at sasabihing wag ko s'yang gawing tanga!? Anong trip n'ya? Adik ba s'ya o manhid lang talaga?
"Pinamumukha mo ba sakin na may boyfriend kana at masaya kana ha?" Maangas na tanong n'ya.
Isang malutong na mura't sampal ang ibinigay ko sakaniya. "H-how dare you! Ang kapal naman ng pagmumukha mong sabihin sakin ngayon 'yan! Sino ka para pagsalitaan ako pagkatapos ng tatlong taong hindi mo pag pa-paramdam?! Pagkatapos mo akong abandonahin! Pagkatapos mo akong gawing tanga!? At anong gusto mo ha? I-welcome kita na gaya parin ng dati na parang laging dapat ako ang nagpaparaya't umiintindi?! Alam mo gago ka! Oo gago ka! Napakagago mo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan s'ya. “You didn't hurt me physically Duce but you—”
Saglit akong natigilan at pagak na tumawa.
Kahit na maraming tao ang nakatingin samin. “Y-you hurt me, my h-heart," nahihirapang sabi ko habang nakaturo sa dibdib ko. "Iniwan mo ako para sakaniya tapos ngayon babalik ka? Babalikan mo ako para gawin mo na namang rebound kasi iniwan ka na n'ya? f**k you! Y-You don't deserve me and my forgiveness.”
Pinahid ko ang luha ko. “Itapon mo na 'yang explanation at sorry mo Duce. Kasi kahit isang milyong sorry and explanation pa 'yan. I still don't a have care, after this, please stop following me.”
Kinalma ko ang sarili ko at pinahid ang mga luha ko. “Actually matagal narin talaga kitang gustong makita para rito.” May linabas akong papel at padabog na inabot sakaniya.
Tinitigan n'ya ito ng ilang segundo. "Divorce?" Nanginginig ang kamay n'ya habang hawak ito. "I'm sorry," kalmadong sambit n'ya.
"Tatanggapin ko sorry mo basta pirmahan mo lang 'yan."
"I'm sorry."
Pag-uulit n'ya na kinababawas ng pasensya ko lalo. "I said, I will accept your sorry basta pirmahan mo lang."
"I'm sorry kasi hindi ko pipirmahan 'yan," seryosong sabi n'ya bago ito nilukot sa harapan ko mismo. "Hindi ako nandito para sa walang kwentang papel na iyan. Kailangan ko ang susi ng bahay natin, our money and you.” Titig na titig s'ya sa akin. “I need you.”
Walang emosyong sabi nito habang kuyom ang kamao nito.
"No! Umalis kana sa buhay ko kaya wala kanang babalikan, at wala kang mapapala sa akin!” Matigas na paninindigan ko.
Umismik ito at tumalikod na sa akin. Sumakay na 'to ng kotse n'ya at binarurot ito. Good! Akala ko talaga mag pu-pumilit ang walang hiyang iyon!
Totoong may pera pa siya at may karapatan sa bahay since we're still married.
Pero gusto ko muna ang pirma n'ya.